bc

My Mother's Ex-Boyfriend (SPG)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
32.2K
READ
HE
age gap
powerful
bxg
lighthearted
soldier
city
like
intro-logo
Blurb

#TagalogWritingContest

#LoveGamewiththeHotBillionaire-Multi Profession Billionaire

Sa loob ng maraming taon ay tiniis at inunawa ni Anastasia ang mga pinaggagawa ng mga magulang niya. Ang nanay niya kasi ay hindi makausad mula sa nakaraan dahil hindi naman daw nito minahal ang ama niya. Ang ama naman niya ay walang ibang ginawa kun'di uminom ng alak at mambabae imbes na tulungan ang ina niya para makalimutan ang nakaraan. Nagsama lang daw ang dalawa dahil nabuntis ito sa kaniya kaya pakiramdam niya ay siya ang puno't dulo kung bakit wala siyang masayang pamilya. Sa sobrang sama ng loob ay naisipan niyang lumayo sa mga magulang niya para magkaroon siya ng peace of mind. Hindi na kasi talaga niya kinakaya ang sitwasyon sa bahay nila kaya naman sumama siya sa kaibigan niya na umuwi sa probinsya nito para makalayo. Paano kung sa pagsama niya sa kaibigan niya ay matagpuan niya ang lalaking hindi makalimutan ng kaniyang ina? Sasabihin niya ba sa ina niya na natagpuan niya na ang taong hindi nito makalimutan gayong baliw na baliw na siya sa yakap at haplos nito?

chap-preview
Free preview
C1-Anastasia
“Saan ka galing, Ana?” tanong sa akin ng magaling kong ina na walang ibang ginawa kun'di ang magpakamot sa iba't ibang lalaki kapag wala ang ama ko. Ang babaeng hindi maka-move on mula sa nakaraan kaya kung sino-sinong lalaki ang kinakalantari nito para makalimutan ang lalaking minsan daw nitong minahal. Sa tuwing mainit ang ulo ng ina ko ay ako ang pinagbubuntunan nito. Ako daw kasi ang dahilan kung bakit hiniwalayan ito ng kasintahan nito noon. Kasalanan ko ba kung malandi siya? May kasintahan pala tapos nakipag-s*x ito sa ama ko na naging dahilan kaya ako nabuo at isinilang sa mundong ‘to. Kasalanan ko ba ‘yon? Hindi ko kasalanan kung pinairal niya ang kalibugan niya kaysa maging matapat sa dati nitong kasintahan. “Tititig ka na lang ba sa akin? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?” tanong ulit niya sa akin sa galit na tono. Mayroon itong alak na hawak sa kanan nitong kamay at sigarilyo naman sa kaliwa. Sa tuwing nagsusumbong naman ako sa ama ko ay hindi ako nito pinaniniwalaan dahil mahal na mahal nito ang mommy ko at naniniwala ito na hinding-hindi raw ni mommy magagawa ang mga ibinibintang ko. Kaya hindi lang ako galit sa ina ko dahil maging sa ama ko ay galit na galit din ako dahil hindi ako nito magawang paniwalaan. Gusto kong mag-aral pero nawalan ako ng gana lalo pa't ganito ang nakikita ko sa araw-araw. “Anastasia!” “What, Mom?!” pabalik kong sigaw. “Sinisigawan mo ba ako, ha, Anastasia?” “Mukha bang sinisigawan ko kayo?” Mayamaya pa ay may namataan ako na isang bulto ng lalaki. Nakasuot lang ito ng brief at galing ito mula sa kuwarto ng mga magulang ko. “Baby, bakit lumabas ka?” malanding tanong ng Mommy ko sa lalaking nakatitig sa akin na para bang hinuhubaran ako sa klase ng titig nito sa akin. P'wes, subukan lang nitong gawan ako ng masama at talagang matitikman nito ang impyerno. “Ana, nakauwi ka na ba?” Mabilis pa sa alas-kuwatro na nagtago ang lalaki pabalik sa kuwarto kung saan ito nanggaling nang marinig nito ang boses nang Yaya ko. Maging ang Yaya ko ay hindi rin pinaniniwalaan ng magaling kong ama dahil bulag ito sa pagmamahal. “Opo, Yaya,” magalang kong sagot habang nakangiti. Ito ang dahilan kaya naisipan ko pang umuwi sa bahay na ‘to. “Saan ka ba natulog kagabi?” “Doon po sa apartment ni Melanie, Yaya.” Halos sa apartment na ni Melanie ako nakatira dahil doon ay tahimik at wala akong problema. Safe din ako roon dahil kami lang ni Melanie ang tao roon pero sa susunod na linggo ay wala na akong matutuluyan dahil nagsabi ito na uuwi na raw ito sa probinsya para alagaan ang ina at ama nito na kapwa na mahina. “Ganoon ba? Napapansin ko kasi na halos hindi ka na umuuwi rito, Hija. May kasintahan ka na ba?” “Wala po, Yaya,” sagot ko. “Wala pa po sa plano ko ang mga ganiyang bagay dahil ayaw ko pong mabaliw kagaya nang Mommy ko,” prangka kong sagot sa Yaya ko. Ayaw kong matulad ako sa mommy ko na wala ng respeto maging sa sarili nito dahil lang sa lalaking hindi nito makalimutan. “Mabuti naman.” “Hindi ko pa po naiisip ang mga ganiyang bagay, Yaya. Kaya lang naman po ako umuwi ngayon ay dahil nami-miss ko na po kayo,” madamdamin kong sagot sa Yaya ko. Ito lang kasi ang nag-iisa kong kakampi sa bahay na ‘to. Malungkot ito na ngumiti sa akin kaya nagtaka ako. “May problema po ba, Yaya?” Nilapitan ako nito at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong kamay. “Hija, pasensiya ka na, ha?” Umpisa nito kaya nagtaka ako. “Ano po ba ang ibig niyong sabihin, Yaya? May problema po ba?” kinakabahan kong tanong dahil ngayon ko lang nakita na nalungkot ang Yaya ko. “Pinahinto na kasi ako ng mga anak ko sa pagtatrabaho,” deklara nito. “Matanda na raw ako kaya dapat nasa bahay na lang ako, Hija. Natatandaan mo ba ‘yong ikinukuwento ko sa iyo na mga anak ko?” Tumango ako. Paanong hindi ko matatandaan, eh, bukambibig nito ang mga anak nitong mababait at matalino. “Tapos na sila sa pag-aaral at mayroon na ring magandang trabaho.” “Talaga po?” “Oo, Hija. Nakapagtapos sila sa pag-aaral dahil sa pamilya mo,” sabi nito habang naluluha. “Kahit magulo ang pamilya mo, malaki ang naitulong ng pagtatrabaho ko rito para mapagtapos ko ang mga anak ko.” “Natutuwa po ako para sa inyo, Yaya,” masaya kong sabi kahit na sa kaloob-looban ko ay nalulungkot ako dahil ang kaisa-isang kakampi ko ay mawawala na. “K-kailan po ang alis niyo?” “Sa linggo na, Hija.” “Malapit na po pala.” “Nagsabi na ako sa mga magulang mo pero ang sabi nila, hindi na raw sila kukuha ng kapalit ko dahil malaki ka naman na daw. Ang gawaing bahay daw ay kaya mo na rin kaya hindi na rin sila kukuha ng kasambahay.” Bigla akong nainis sa naging pahayag nang Yaya ko. “Ganoon po ba, Yaya?” Kung ganoon, unahan ko na ang Yaya ko sa pag-alis sa bahay na 'to. Mamayang gabi ay aalis na rin ako sa bahay na ‘to para sumama kay Melanie sa probinsya nito kung saan ito uuwi. “Oo, eh. Pasensiya ka na, ha? Gusto ko pa sanang manatili kaya lang marami na rin akong nararamdaman. P'wede naman na pumunta ka sa bahay namin kung naiinip ka rito." “Ingat po kayo, Yaya,” sa halip ay bilin ko rito. “Anastasia, wala ka bang balak na mag-aral sa kolehiyo?” tanong nito bigla. “Meron po pero hindi pa ngayon,” sagot ko. Ayaw ko kasing humingi ng pera sa mga magulang ko dahil baka isumbat iyon sa akin. "Mag-aaral po ako ulit, Yaya. Pangako ko po 'yan sa inyo." Kung mag-aaral man ako ay titiyakin kong galing iyon sa sarili kong bulsa dahil pagod na akong makarinig ng masasamang salita mula sa magaling kong ina. “Mag-aral ka dahil sayang ang talino mo,” payo nito. “'Wag mo na lang intindihin ang ina mo para makapagtapos ka. Kung ano'ng gusto niya ay sundin mo na lang para walang gulo.” No way! Hindi ko iintindihin ang babaeng hatid ay kapahamakan sa buhay ko dahil ito ang dahilan kung bakit hindi ako ligtas sa bahay na ‘to!

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook