C4-Kasunduan

1718 Words
Napilitan ang lalaki na isama ako pauwi sa bahay niya dahil nagmakaawa talaga ako ng sobra. Lahat na yata ng pagmamakaawa ay nasabi ko na dahil kung hindi ko iyon gagawin ay tiyak na sa kangkungan ako pupulutin ngayong gabi. “Pasok!” pasigaw niyang sabi sa akin nang makarating kami sa bahay niya. Napangiwi ako dahil walang dingding ang bahay ng lalaki maliban sa isang maliit na espasyo na sa tingin ko ay banyo yata. “Ano pa ba ‘yang ginagawa mo? Sisilong ka ba o hindi?” “Sisilong po!” mabilis kong sagot at mabilis na humakbang papasok sa loob ng bahay niya na kakaiba. Bahay na ba ito? Maihahawig kasi sa isang covered court ang bahay ng lalaki dahil open na open ito. Walang privacy kumbaga. Ang sala, kusina, at kama ay talaga namang kitang-kita kaya hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon lalo pa't puro puno ang nakapaligid sa bahay. “Paano ka nakarating sa lugar na ‘to?” walang kangiti-ngiti niyang tanong sa akin kalaunan. “Saan ka ba galing? Paano ka napadpad dito? Magnanakaw ka, ‘no?” “Po? Hindi po, Kuya! Hindi po ako ganon!” depensa kong sagot. “Hindi po ako masamang tao kagaya ng iniisip niyo, Kuya!” “Don't call me kuya because you're not my f*****g sister!” sigaw niya. “Sorry po, M-manong,” sabi ko dahilan para sipain nang lalaki ang pang-isahang kahoy na upuan kaya nagulat ako. “B-bakit? May mental issue po ba kayo?” Wala naman kasi akong ginagawa pero parang papatayin na ako ng lalaking kaharap ko. “Anong oras ka aalis bukas?” sa halip ay tanong ng lalaki. “Hindi puwede sa tanghali at lalong hindi puwede sa hapon kaya sa umaga ka umalis. Hindi pa tumitilaok ang mga manok ay dapat wala ka na sa paningin ko.” “Ano po?” “Bingi ka ba?” “Hindi po.” “'Yon naman pala, eh!” “Hindi ko po kasi maintindihan ang sinasabi niyo,” sabi ko. “Ang sabi mo, dapat hindi pa tumitilaok ang manok ay dapat wala na ako. Anong oras po ba tumitilaok ang mga manok niyo?” Napatingin ako sa paligid ng bahay niya. Marami nga akong mga manok na nakita na para bang ang mga iyon ang bantay ng lalaking kaharap ko sa sobrang dami ng alaga niya. “Kung may balak kang nakawin ang mga manok ko, hindi ka magtatagumpay,” saad niya kaya napangiwi ako. “Mukha po ba akong magnanakaw?” tanong ko. “At saka, ano naman ang gagawin ko sa mga ‘yan?” Turo ko sa mga manok. “Hindi ako nagsasabong at wala akong alam sa sabong kaya hindi ko po nanakawin ang mga manok niyo.” “Siguraduhin mo lang dahil lahat ng nagtangkang magnakaw dito ay hindi na nakauwi ng buhay.” “Kahit nga hindi ako magnakaw, hindi ko pa rin alam kung makakauwi pa ako ng buhay, eh,” sabi ko sabay buntonghininga. Paano nga kasi hindi ko alam ang daan pabalik tapos itong lalaki naman gustong mawala na agad ako bago tumilaok ang mga manok bukas. Tiningnan ko ang lalaki ng may kasamang pagsusumamo. “Kuya…” Sumama ang hitsura ng lalaking kaharap ko. Nakalimutan kong ayaw nga pala niya na tawagin ko siyang Kuya. “Manong,” tawag ko. “Ayaw niyo po kasi ng Kuya kaya Manong na lang po ang itatawag ko sa inyo. Ayos lang po ba kung Manong ang itawag ko sa inyo?” Masyado siyang guwapo para tawagin ko siyang Manong kaya lang iyon na lang naisip ko dahil hindi naman bagay dito ang lolo o 'di kaya'y tatay. “Kapag hindi mo itinigil ‘yang kababanggit mo ng Manong ay palalayasin kita ngayon mismo,” sabi niya habang may kasamang pagbabanta. “Hindi ako nagbibiro kaya umayos ka.” “Ano po ba ang puwede kong itawag sa inyo maliban sa Kuya at Manong? Hindi niyo po ba alam na tanda iyon ng paggalang?” “Lumayas ka na,” sabi niya bigla kaya bigla akong nataranta. “Hindi kita kilala kaya hindi kita patutulugin dito sa bahay ko dahil baka saksakin mo ako kapag tulog na ako.” “Hindi po ako gano'n,” seryosong sabi ko. “Kaya lang naman ako napadpad dito dahil sumama ako sa kaibigan ko para makaalis sa bahay namin. Hindi ko inaasahan na sa gitna ng kagubatan ay iiwan ako ng matalik kong kaibigan kahit alam niya naman na wala akong ibang mapupuntahan.” “Lumayas ka sa inyo?” Tumango ako. Umismid ito sabay iling. “Halata naman na pakawala kang babae kagaya ng iba." Tinitigan ko ang lalaki. “Pakawala? Paano niyo po nasabi na pakawala akong tao gayong virgin pa naman po ako?” Nagulat siya sa sinabi ko pero sandali lang naman. “So, ano’ng dahilan mo? Ba't ka umalis sa inyo?” Inalis ko na ang mga mata ko sa mukha niya at ibinaling ko sa malawak na kalangitan. Wala nga kasing dingding kaya halos lahat ng bagay ay nakikita ko mula rito sa kinatatayuan ko. “Kapag hindi pa kasi ako umalis doon ay siguradong masisira ang buhay ko,” umpisa ko. “'Yong mommy at daddy ko po kasi ay masyadong magulo…” Naisip ko na ‘wag na lang sabihin sa kaniya kung ano ang dahilan ng pag-alis ko dahil kahit papaano ay mga magulang ko pa rin naman ang mga iyon. “Mayroon akong matinding dahilan pero saka ko na lang po siguro sasabihin sa inyo. Hindi ko pa po kasi kayang magkuwento sa inyo ngayon dahil medyo komplikado po. Isa lang po ang sinisiguro ko sa inyo at iyon po ay hindi ako sindikato, pakawala at lalong hindi po ako magnanakaw ng mga manok” “I want you to leave first thing in the morning,” sabi niya pagkatapos kong magkuwento kaya nalukot ang mukha ko. Kahit palayasin niya ako ay hinding-hindi ako aalis sa lugar na ‘to dahil wala na akong ibang mapupuntahan pa. Ayaw ko na kasing bumalik sa Maynila dahil sasakit lang ulit ang ulo ko. “P’wede po bang dito na muna ako tumira sa bahay mo?” matapang kong tanong dahilan para magtagis ang mga bagang niya. “'Wag po kayong mag-alala dahil tutulungan ko po kayo sa mga gawain dito. Marunong po akong magluto, maglaba, at maglinis kaya hindi po kayo mahihirapan na makasama ako. Lahat po ng kayang gawin ng isang masipag na tao ay kaya ko ring gawin–” Pinutol ako nito. “Even s*x?” “Po? Ano po ang ibig niyong sabihin?” “Are you willing to have s*x with me while you're staying here?” "Magbabayad na lang po ako ng cash o 'di kaya'y magtatrabaho na lang po ako bilang bayad sa pagtira ko rito." "I don't need your money. And also, I don't need you to help me because I have people who can do it for me. If you want to stay in this place, you need to please me. Now, if you don't want my rules, you can leave now." “May asawa po ba kayo at mga anak?” sa halip ay tanong ko. Kung wala, papayag na ako basta panagutan niya ako pero kung mayroon ay hindi ako papayag na basta na lang maikama dahil ayaw kong makasira ng pamilya. “Bakit mo tinatanong?” “Sagutin mo na lang po ang tanong ko,” sabi ko dahilan para tumawa siya ng sarkastiko. “Wala,” matipid niyang sagot sa akin. Hindi ko alam kung bakit lihim akong natuwa sa naging sagot niya sa tanong ko. “Okay. Let's have s*x then,” saad ko. “Pero, may kondisyon po ako sa inyo. Once na nag-s*x po tayo, hindi na ako aalis dito dahil dito na po ako titira.” Nagsalubong ang makakapal niyang kilay dahil sa sinabi ko at nakita ko rin kung paano niya tingnan ang kabuuan ko sabay iling. “Maligo ka na sa banyo,” biglang utos niya dahilan para mapalunok ako ng sunod-sunod. Ngayon na ba nila gagawin? Paano kung masama pala itong tao? Paano kung isa pala itong rebelde? Umuwi na lang kaya ako sa Maynila? Kaya lang, naisip ko na kapag umuwi ako ay baka ikulong na lang ako ng dad ko at baka hindi na ako makalabas habangbuhay. Makukulong ako kasama ang mommy ko pati na ang mga lalaki nito kapag umalis si Dad at iyon ang ikinakatakot ko dahil baka magahasa ako. At least, dito sa kaharap ko ay mukhang safe naman ako dahil pakiramdam ko ay hindi naman ito masyadong masama. “Sisimulan na po ba natin ngayon?” “What do you think?” “P'wede po bang bukas na lang?” hirit ko. “Ano ba'ng pinagkaiba ng ngayon sa bukas?” “Pagod po kasi ako ngayon tapos inaantok na rin po,” magalang kong sagot. "At saka, pananagutan mo naman siguro ako kapag nabuntis ako, 'di ba?" “Revas ang pangalan ko,” pagpapakilala niya bigla kaya tumango ako sabay ngiti. “So, don't call me Kuya, Manong, Tatang, Tatay or whatsoever because I have a name and also eliminate the word po when you're talking to me because I am not that f*****g old.” “Ilang taon na po ba kayo–I mean, ilang taon ka na?” “You don't need to know everything about me because we're not in a relationship nor friends,” suplado nitong sabi. “Now, go to the bathroom and take a bath because I have no plan to take care of you when you get sick.” Dahil sa sinabi ng lalaki ay mabilis kong binuksan ang isa sa bag na bitbit ko para kumuha ng damit na susuutin ko. Inilabas ko na rin ang sabon, shampoo, conditioner, toothpaste, toothbrush at kung ano-ano pang personal hygiene na gagamitin ko sa araw-araw. "Bilisan mo dahil maliligo rin ako," bilin niya kaya tumango ako. "Sige po este sige. Bibilisan ko lang ang pagligo ko." Habang papasok ako sa banyo ay malagkit na nakatingin sa akin ang lalaki pero nakapagtataka na hindi ako nakaramdam ng takot hindi kagaya ng mga lalaking pinapasok ni mommy sa bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD