C2-Paglayo

1503 Words
“Good morning, Melanie!” masaya kong bati sa kaibigan ko nang dumating ako sa apartment nito. Naabutan ko itong nag-iimpake ng mga damit dahil mamayang gabi na ang uwi niya sa probinsya. “Ba't aga mo? At saka, bakit may mga bag kang dala-dala?” takang tanong ni Melanie sa akin. “Pinalayas ka ba ng mga magulang mo, Ana?” Umiling ako. “Kung ganoon, ikaw ba ang lumayas?” Ibinagsak ko sa sahig ang mga dala-dala kong bag at pagkatapos ay pasalampak akong umupo sa sahig habang mataman na nakatitig kay Melanie. “May nangyari ba?” “Aalis na ang Yaya ko sa bahay at ganoon din ang mga kasambahay namin, Melanie,” umpisa ko. “Kapag umalis silang lahat ay wala na akong kakampi sa bahay na ‘yon. Hindi ako safe doon dahil kung sino-sino'ng pinapapasok ni Mommy roon.” “Ano kaya nangyayari diyan sa Mommy mo, ‘no? Naibibigay naman ni Tito Ronald sa kaniya ang lahat ng gusto niya tapos para siyang nagrerebelde sa Dad mo. May pinagdadaanan ba ang Mommy mo? Ganiyan na ba ‘yan dati o ngayon na lang nagkaganiyan ‘yan?” Ni minsan ay hindi ko naikuwento kay Melanie kung bakit ganoon ang Mommy ko. Ang problema kasi sa bahay ay hindi ko na ikinukuwento pa pero kusa niyang nalalaman dahil sa mga kapitbahay nila. “Melanie, sasama ako sa iyo mamaya, ha?” sa halip ay pakiusap ko rito. “Paano ang mga magulang mo? Paano kung hanapin ka nila? May kaya ang pamilya mo kaya tiyak ako na hahanapin ka nila lalo pa't nag-iisa ka nilang anak, Ana.” “Buo na ang desisyon ko na sumama sa iyo. Doon na lang ako maghahanap ng trabaho para makapag-ipon ng pera para makapag-aral sa kolehiyo.” Tiningnan ako ni Melanie ng may kasamang pagtataka. Bakit nga naman kailangan ko pang pahirapan ang sarili ko kung kayang-kaya naman akong pag-aralin ng mga magulang ko? Alam kong iniisip nito na isa akong hangal pero wala akong pakialam dahil ang gusto ko ay makalayo sa magulo at delikado naming bahay na walang nabuong pagmamahal kahit na kailan. “Alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay sa probinsya, ha, Ana?” “Alam ko,” mabilis kong sagot. “May naipon naman akong pera dito mula sa allowance ko kaya kahit papaano ay hindi ako mahihirapan, Melanie. At saka, hindi naman ako mapili sa trabaho kaya tiyak na makakahanap agad ako roon.” “Pagtatanim ng palay at mga gulay ang kadalasan na trabaho roon, Ana,” sabi pa niya. “Kakayanin mo ba ang trabahong ‘yon? Magiging negra ka kapag nagkataon, Ana.” “Hindi big deal sa akin kahit umitim pa ako ng husto, Melanie,” desidido kong sagot dahil kahit ano pa ang sabihin ni Melanie ay sasama talaga ako. Saka ko na lang iisipin ang kahihinatnan ng buhay ko roon basta gusto kong makalayo sa lugar na ‘to. “Ang mahalaga sa akin, malayo ako sa mga magulang ko.” Napabuga ng hangin si Melanie kasabay ng pag-iling-iling nito. “Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka!” sa halip ay sabi niya. “Wag kang mag-expect masyado, ha? Baka isipin mo, malaking bahay ang uuwian natin doon. Sinasabi ko sa iyo ngayon pa lang na kubo lang ang uuwian natin doon dahil mahirap lang kami.” “Sanay ako diyan, Melanie.” “Sanay ka ba sa mga gawaing bahay?” “Oo naman!” mayabang kong sagot dahil bata pa lang ako ay tinuturuan na ako ni Yaya sa mga gawaing bahay kaya alam ko kung paano maglaba, magluto at maglinis. Sadyang tinatamad lang akong gawin ang mga bagay na ‘yon dahil nawawalan ako ng gana lalo na kapag nag-uuwi ng lalaki ang mommy ko. Kapag kasi nag-uuwi ang mommy ko ng lalaki ay nagmamadali na akong umalis sa bahay para sa kaligtasan ko. “Hindi ako magiging pabigat sa iyo roon, Meleanie,” paniniguro kong sabi. “Tutulungan kita sa mga gastusin.” Kagaya ko ay wala rin itong kapatid kaya siguro magkasundo kaming dalawa. “Maghahanap agad ako ng trabaho para matulungan kita sa mga magulang mo.” “O siya, ikaw ang bahala. Maiwan na muna kita rito dahil magluluto ako ng babaunin natin sa biyahe.” “Okay!” masaya kong sagot. “Ako na ang magtutuloy sa pag-iimpake mo habang nagluluto ka.” “Ikaw ang bahala.” “Sarapan mo, ha?” “Oo naman. Ako pa ba? Kailan ba ako hindi nagluto ng masarap?” “Yabang naman!” Kapwa kami nagkatawanan ni Melanie sa naging takbo ng usapan namin. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako sa naging desisyon ko pero desidido pa rin na ituloy ito dahil gusto kong mamuhay ng walang masyadong iniisip. Nang mag-ring ang cellphone ko ay bigla akong kinabahan lalo na nang makita ko ang pangalan ni Dad sa screen ng cellphone ko. Nagdalawang-isip ako na sagutin ang tawag nito pero sa huli ay sinagot ko na lang para walang gulo. “Dad.” “Nasaan ka?” tanong ng Dad ko. Pag-alis ko kanina ay wala ito sa bahay. Siguro ay nakauwi na ito galing sa business trip. “Bakit po?” pabalik kong tanong. “Anong bakit? Hindi mo ba alam na birthday ngayon ng Mommy mo? Nasaan ka ba ngayon?” “Bakit maingay po diyan, Dad? Sino po ang mga bisita ni Mommy?” tanong ko ulit imbes na sagutin ito kung nasaan ako ngayon. “Mga schoolmates niya.” “Puro po ba lalaki, Dad?” Puro kasi boses lalaki ang naririnig ko sa background kaya para malinawan ako ay hindi ko na napigilan na hindi ito tanungin. “Yes.” “Ano? 'Wag nga kayong maging tanga, Dad! Hindi mo ba naisip na baka lalaki niya ang mga ‘yan? Nasaan po ba ang utak niyo? May pinag-aralan kayo kaya alam kong matalino ka! Alam niyo, hindi si Mommy ang bobo kun'di kayo!” sigaw ko rito dahil sa sobrang inis. “Ana, umuwi ka na,” balewala niyang sabi na para bang hindi ko ito sinigaw-sigawan. “Hindi magiging masaya ang Mommy mo kapag wala ka.” “Hindi ako uuwi, Dad,” pinal kong sabi. “Gusto mo bang sunduin pa kita diyan sa apartment ni Melanie?” Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dad. Paano kaya nito nalaman na nandito ako sa apartment ni Melanie ngayon? “Kapag hindi ka pa umuwi ngayon, kakaladkarin kita pauwi rito, Anastasia! Don't try me! We need to make your mother happy today because it's her special day. Do you get it? Naghihintay na ang mga bisita niya. Siya nga pala, may ipapakilala rin ako sa iyo mamaya pag-uwi mo. He's rich and I'm sure he can give you a better future.” “Okay, Dad. Pauwi na po ako,” sagot ko na lang pero wala sa isip ko na umuwi ngayon kaya mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ni Melanie dahil gusto kong umalis na kami ngayon mismo bago pa man dumating ang daddy ko para sunduin ako. “Oh! Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit parang namumutla ka?” takang tanong ng kaibigan ko sa akin nang makita niya akong tumayo sa harapan kung saan ito nagluluto. “Tapos ka na bang mag-impake?” “Matagal pa ba ‘yan?” tanong ko sabay turo sa niluluto niya. “Mga ilang oras ba bago maluto ‘yan, Melanie?” “Bakit? Gutom ka na ba?” “P'wede bang umalis na tayo ngayon?” “Ha? Bakit? May problema ba?” “Mamaya na lang ako magpapaliwanag, Melanie! Ang importante ngayon ay makaalis na tayo rito!” may pagmamadaling sabi ko sa kaibigan ko dahil kapag nagtagal pa kami ni Melanie sa apartment niya ay tiyak na maraming mangyayari na hindi maganda at siguradong madadamay din ito. “Dalian mo na!” “Oo na! Ito na! Ibabalot ko na lang ‘to tapos aalis na tayo para may baon tayo mamaya!” “'Wag na! May pera naman ako rito kaya hindi tayo magugutom sa biyahe,” giit ko dahil gusto ko na talagang makaalis. “Ibabalot ko na lang nga! Ito na!” “Sige! Bilisan mo, ah!” “Oo!” Bumalik ako sa sala para ayusin ang mga gamit namin. Isinuot ko na ang sapatos ko para makatakbo ako mamaya. Nang mailagay na ni Melanie sa bag ang mga niluto niya ay agad na rin naming dinampot ang mga bagahe at nagmamadali na kaming lumabas. “Para naman tayong mga kriminal nito, Ana!” reklamo niya sa akin. “Baka mamaya isipin nila may tinatakasan tayong problema!” Gusto kong sabihin na meron naman talaga kaya lang baka atakehin ng nerbiyos ang kaibigan ko. “Melanie, mag-taxi na lang tayo papunta sa terminal nang bus,” suhestiyon ko pero umiling ang kaibigan ko. “Ano ka ba? Ako naman ang magbabayad, eh! Bilis na!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD