“NAGDALA ka pa ng hilaw na liempo. Eh, marami namang luto sa resto,” narinig ni Alex na reklamo ni Chef Aah kay Nicolas nang makarating sila sa camp site. “Don’t tell me na pati dito, paglulutuin mo pa ako. I’m tired na.” “Ihaw lang ‘to, bro. Kayang-kaya ko na!” may pagmamalaki namang sagot ni Nicolas. “Hindi mo ba alam noong nag-aaral pa sa ako sa Japan? Nag-camp kami sa bundok. Ako ang nagluto lahat g foods namin.” “Ah, talaga lang, ha? Sa pagkakatanda ko, bumaba ka no’n ng bundok at nag-hotel dahil natakot ka sa mga lamok,” pang-aasar naman dito ni Lucas kaya nagkatawanan kaming lahat. “Fake news ‘yon, g*go!” Tinanggal ni Nicolas ang bonnet ni Lucas at saka inihampas dito. Noon naman natigilan si Alex nang makita niya ang buhok ni Lucas. Katulad nang katulad ng buhok ni James. Ang k