AKTONG ipipikit na rin ni Alex ang mga mata nang lumipas ang mahabang sandali na hindi na talaga naramdaman na gumalaw si James. Talagang tinulugan siya nito nang ganoon-ganoon lang. Hindi ba at nakakasama ng loob na pagkatapos ng mahaba-habang gabi na magkasama sila, sa tulugan lang din pala hahantong ang lahat? Ano ang ikinakasama ng loob mo kung in the first place, ikaw naman itong unang nag-inarte, Alexandra? sermon ng kaniyang isipan. Siimangutan niya ang malapad na likod ni James bago siya bumuntong-hininga at tumalikod na rin dito. Makatulog na nga! Hinila niya ang comforter at lalong binalot ang katawan dahil sa sobrang lamig na dulot ng aircon. Mukhang nilakasan pa nito iyon pero wala naman palang ganap. Magdamag lang siyang lalamigin nang walang ganap. “Kabag lang ang abuti