IMINULAT ni Alex ang kaniyang mga mata nang magising siya kinabukasan. Agad na nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi nang mabungaran niya ang nakapikit na mukha ni James na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Medyo nakabuka ang bibig nito kaya narinig niya ang mahinang paghilik nito. Napatingin siya sa isang braso nito na nakayakap sa kaniya. Lalong pinamulahan ng mukha ang dalaga nang dumako ang tingin niya sa daliri nito. Eksakto naman na iyon ang nagpaligaya sa kaniya kagabi. Parang tukso tuloy na bumalik sa isip niya ang lahat. Ngayon siya nakaramdam ng hiya sa lahat ng nangyari. Hindi niya akalain na may kakayahan pala siyang maging wild nang ganoon kahit first time pa lang niya. Good thing na hindi sinamantala ni James ang pagiging marupok niya. Nakuntento lang ito sa pag-f*