“WHAT are you all doing here?” kunot ang noo na tanong uli ng binata sa mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa na lang dahil may mga dahon pa sa ulo ang mga ito. Si Asher ang unang sumagot habang nagpapagpag ng dahoon sa ulo. “Nandito kami para siguruhing safe si Charlotte.” “Seriously?” Tiningnan niya ito nang masama. “Paano naman siya hindi magiging safe kung ako ang kasama niya.” “That’s the point,” sabat naman ni Nicolas na hinipan naman ang maliit na dahong dumapo sa ilong nito. “Ikaw ang kasama niya—” “F*ck off!” agad niyang putol sa pagsasalita ng kaibigan. Obvious naman kasi na nagdadahilan lang ito. “Ang totoo? Nandito talaga kayo para maki-usyuso, ‘no?” “Sila lang ‘yon. Nadamay lang kaming dalawa ni Chef Aah,” paglilinis-kamay ni Makisig. “Nanahimik kami