NAPAILING ang binata habang tinitingnan niya ang mga kaibigan na bagsak na kani-kanilang upuan. Nalasing ang mga loko-loko. Ilang case ng beer ba naman ang naubos nila, eh. Natatawang napailing na lang siya. Akala n’yo siguro matatalo n’yo ako, ha? Mas sanay kaya ‘to sa beer. Palibhasa kasi sanay sa mga mamahaling alak itong mga kaibigan niya. Si Chef Aah lang ang katulad niyang sanay sa beer. Pero mabilis itong tamaan kapag pagod. Naglaho ang ngiti sa mga labi niya nang mapalingon siya sa dalagang humihilik na rin sa tabi niya. Halos kalahating bote lang naman ang naubos nito. Siya kasi ang uminom sa bawat beer na para dito. Hindi niya alam kung matatawa ba o ano habang nakatitig sa dalagang nakanganga. Nakasandal pa ang ulo nito sa back rest ng sofa. Hindi niya maiwasan ang ma-amuse