“MATAGAL na po akong naninilbihan kay Sir James. Simula pa lang noong nag-aaral siya ng college dito sa Maynila. Pero parang wala naman ho akong nabalitaang may kamag-anak sila sa Siargao,” sagot ni Manang Lily nang tanungin niya ito kung may kamag-anak ba sa Siargao ang fiancé niya.
Simula kasi nang mapanaginipan niya uli kanina ang savior niya at napatitig siya sa mga mata ni James, hindi na siya natahimk…
At hindi siya matatahimik hangg’t hindi niya nalalaman kung si James din ba ang savior niyang iyon.
Baka naman nagbakasyon lang ng time na ‘yon sa Siargao si James.
“Bakit n’yo nga ho pala naitanong, Ma’am Charlotte?” Tiningnan siya ng may pagtataka ng mayordoma.
“Wala naman ho.” Mabilis siyang umiling. “P-parang gusto ko lang ho pumunta sa lugar na ‘yon. Balita ko kasi na maganda raw doon ang mga beach.”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Manang Lily. “Akala ko ho may phobia kayo sa pool o sa beach kaya kayo hinimatay kanina sa tabi ng swimming pool. Ipinasara na rin muna iyon ni Sir James. At mahigpit niyang ibinilin sa’min na huwag raw ho kayong papuntahin doon.”
Napanganga si Alex sa narinig. Hindi niya akalain na totohanin ni James ang sinabi nito kanina na ipapasara nga raw muna nito ang swimming pool. Isa-sacrifice nito iyon para sa kaniya? Para kay Charlotte, Alex! Gayon man ay napangiti pa rin siya sa bagay na iyon. Dahil ibig sabihin lang ay may natitira pa rin itong pagmamahal sa kapatid niya.
May pag-asa pa!
May pag-asa pa ang misyon na ipinagawa sa kaniya ni Mrs. Guanzon. May pag-asa na mapapagamot nila ang nanay niya.
“Kailan lang ho kayo nagka-phobia sa swimming pool, Ma’am Charlotte?” naiintrigang tanong ng bagong dating na si Aisa. “Kasi ho ilang beses na kayong naligo sa pool na ‘yon, eh. Palagi nga ho kayong magkasama ni Sir James.”
Muntik nang mahulog sa kinauupuan niya si Alex. Kung totoo man iyon, ibig sabihin, alam din ni James na hindi takot sa swimming pool si Charlotte. Pero paano nito nahulaan na hindi niya magugustuhan ang lugar na iyon? At bakit ngayon lang nito ipinasara iyon?
“Ma’am Charlotte, nandito na ho ang mga photo album ni Sir James na ipinakuha n’yo. Pinili ko lang ang sinabi n’yong mga litrato niya noong binatilyo pa lang siya,” sabi naman ni Luningning na pumasok din sa kusina at may dala-dala na tatlong album. “Ang guwapo pala talaga ni Sir James kahit noong binatilyo pa lang siya. Heartthrob na heartthrob. Siguradong tinitilian siya palagi ng mga babae sa campus noong high school at college siya,” hangang-hanga na bulalas pa nito. “Napaka-perfect ng mukha, eh! Parang hindi man lang nagka-pimples. Hindi ba siya binulutong noon at sobrang kinis ng mukha niya kahit bata pa?”
Bahagya lang niyang narinig ang pagsaway ni Manang Lily kay Luningning na mahiya naman daw sa kaniya dahil sa lantaran na paghanga nito sa fiancé niya.
Pero si Alex, sa likod ng kaniyang isip ay hindi niya maiwasan na hindi magtaka. Hindi naman niya sinasabi na pangit ang savior niya noon. Ngunit kung maka-react si Luningning ay parang hindi tugma ang mukha ni James noong kabataan nito kaysa sa lalaking nagligtas sa kaniya.
“Salamat, ‘Ning, ha? Titingnan ko muna ang mga ito.” Pagkakuha ni Alex sa mga album sa kamay ng katulong ay nagpaalam na rin siya kay Manang Lily at umakyat na sa silid ni James. Sasamantalahin niya muna na busy pa ito sa library.
Nang makarating sa kuwarto ay agad na binuklat ni Alex ang tatlong photo album. Lahat ng mga picture na nadadaanan ng mga mata niya ay napapahanga ang dalaga. Luningning was right. Napaka-perfect nga ng mukha ni James simula noong bata pa lang ito. Wala siyang nakitang picture nito na may mga bulutong o pimples man lang. At saka mahaba ang buhok ni James noong edad fourteen to fifteen years old. Unlike sa savior niya noon na naka-clean cut.
Baka nga hawig lang talaga silang dalawa.
Dismayado na isa-isang binalik ni Alex sa pagkakatiklop ang mga photo album. Masiyado na rin iyong matagal. Hindi siya sigurado kung talagang kamukha ba ni James ang lalaking iyon. Baka epekto lang ito ng sobrang paghanga niya sa kaniyang dream boyfriend.
NANG lumabas ng silid si Alex para ibalik kay Luningning ang mga photo album, nakasalubong niya sa hagdan si James. Kapwa sila natigilan nang makita ang isa’t isa.
She sighed nang mapansin ang pagtitig nito sa kaniya. “H-hi.” Si Alex na ang unang bumasag ng katahimikang namagitan sa kanila ni James. “Hindi pa nga pala ako nakapag-thank you sa ginawa mong pagsalo sa akin kanina. Kung hindi dahil sa’yo, baka nabagok na ko…”
“Hindi ko naman ‘yon papayagan. I mean, hindi ko hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa’yo habang nasa poder kita.” Seryoso lang naman ang mukha nito habang nakasuksok sa bulsa ng shorts ang isang kamay. “You’re in my house. Kaya malinaw na responsibilidad kita.”
Pinilit na sinalubong ni Alex ang titig ni James sa kaniya. “Still, thank you pa rin.” She smiled at him. “Ginawa mo pa rin iyon kahit na… galit ka sa’kin.”
Napansin niya ang pagtiim ng titig nito sa kaniya. Isinandal nito ang likod sa hand rail ng hagdan. Pinag-krus nito ang mga braso sa harap ng dibdib nito habang naka-focus pa rin sa kaniya ang mga mata. Nang dahil doon kaya hindi nakaligtas sa paningin ni Alex ang pagdaan ng galit sa mga mata ni James habang nakatitig sa kaniya.
“Hanggang kailan ka ba talaga dito? Dahil hindi ko maipapangako na magiging mabait pa ako sa’yo after ng mga nalaman ko,” malamig na turan nito sa kaniya. “I hate liars. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ‘yong niloloko ako.”
Natameme si Alex. Pakiramdam niya ay nalunok niya bigla ang kaniyang dila. At sinamantala naman ni James ang pagkatulala niyang iyon.
“Pero kung gusto mo talagang mag-stay dito sa bahay…” pagpapatuloy nito sa sarkastiko at nang-uuyam na boses. “Then, so be it. I’m just letting you know that I do play games.” He chuckled and playfully tapped his chin. “And I’m good at it.”
Tumigil ang paghinga ni Alex nang tawirin nito ang pagitan nilang dalawa. Saka lang siya umatras kung kailan ilang dangkal na lang ang pagitan nila. Hanggang sa maramdaman na lang niya na pumulupot na sa baywang niya ang dalawang kamay nito. Nakakulong na siya nakakapanghina na amoy nito sa sandaling iyon. Lalo siyang nahirapang huminga dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya.
“J-James…” kinakabahan na sambit ng dalaga nang maramdaman niya na umakyat ang isang kamay nito at humaplos sa likod niya.
Lalo pang lumakas ang pagkabog sa loob ng dibdib niya. Animo’y may dumadaloy na kakaibang kiliti sa katawan niya dahil sa palad nitong humahaplos sa likod niya. Gusto sana niyang tabigin ang kamay nito pero baka dati na nito iyong ginagawa kay Charlotte at lalo siyang pagtakhan kapag tumanggi siya. Kahit nang pagdikitin nito ang kanilang mga katawan ay hindi na nakatutol si Alex. Hindi dahil kailangan kundi dahil ramdam niya na nagugustuhan din niya ang pagkakalapit nilang ito.
“Bakit ka kinakabahan?” Tumaas ang sulok ng labi ni James, tanda ng pagngisi nang maramdaman nito ang malakas na tahip ng dibdib niya. “Dati na natin itong ginagawa, ‘di ba? We even kissed each other torridly. Bakit sa isang yakap ko lang, parang nanghihina na ang mga tuhod mo?” He held her chin gently. “What’s wrong, baby?”
Bahagyang bumuka ang bibig ni Alex para sana dumepensa. Pero walang lumabas na kahit isang salita sa lalamunan niya. Naging daan lang ang ginawa niyang iyon para bumaba ang tingin ni James sa mga labi niya. Pinaseryoso na lang niya ang mukha at saka kumuha ng lakas para itulak ito. Umatras siya paakyat ng isang hakbang nang magtagumpay siyang makalaya sa pagkakayapos nito. Napansin niya ang pagsalubong ng mga kilay ni James at tila hindi nagustuhan ang ginawa niyang iyon.
“H-hindi sa natatakot ako sa’yo, James. Ayaw ko lang gawin ang mga bagay na ginagawa natin noon hangga’t hindi mo ako napapatawad. Kasi alam ko na kaya mo lang iyon ginawa ay dahil sa galit mo sa’kin,” sagot ni Alex.
James smirked while staring at her intensely. “Just be good to me. Yes, that’s all I want. Malay mo, kapag natuwa ako, patatawarin na kita. At… matutuloy ang kasal tulad ng gusto mong mangyari.”
Hindi na nito hinintay na makapagsalitang muli ang dalaga. Saglit lang siyang sinulyapan nito at saka tinalikuran. She took a deep breath bago niya ito sinundan ng tingin habang paakyat ng hagdan. Nang tuluyang mawala sa kaniyang mga mata ang bulto ng katawan ni James ay saka lang bumalik sa normal ang t***k ng puso ni Alex.
Noon lang din niya naalala ang mga photo album na hawak-hawak pa rin. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni James kanina. Siguradong magtataka ito kung bakit nasa kaniya ang mga iyon.
Marahang pinulot ng dalaga ang isang larawan na nahulog sa hagdan. Mula roon ay pinakatitigan niya sandali ang binatilyong mukha ni James at saka kinausap. “Ang simple lang naman pala ng gusto mong mangyari. Maging mabait lang ako sa’yo. Kayang-kaya ko ‘yon!”
At saka mabilis lang namang lumipas ang mga araw. Nangako naman si Mrs. Guanzon na sisiguruhin ng mga ito na mahahanap ang kakambal niya bago pa man matapos ang isang buwang pagpapanggap niya.
“THAT’s all I want your ass, man,” tiim-bagang na ulit ng binata sa mga sinabi niya kanina. Kuyom ang mga kamay na nagmamadaling pumasok siya sa silid.
Lihim siyang natatawa dahil alam na alam niya sa kaniyang sarili na hindi lang kabaitan ng babaeng iyon sa kaniya ang gusto niyang mangyari. He wants more than that.
Akala niya handa na siya sa pinasok niyang ito. But he realized that what happened to him today was just so… crazy.
“Yeah, so f*cking crazy!” Pabalibag niyang isinara ang pinto nang makapasok siya sa loob. Agad niyang hinanap ang kaniyang cellphone at may tinawagan.
SUMAPIT ang unang gabi ni Alex sa bahay ni James. Sabay naman silang kumain ng dinner. Katulad ng gusto nitong mangyari ay nagpakabait talaga siya. Todo-asikaso niya ito habang kumakain sila, bukod sa tumulong pa siya kina Manang Lily sa pagluluto ng pagkain kahit todo tanggi ang mga ito.
Kahit hindi siya gaanong kinausap ng binata hanggang sa matapos silang kumain ay never siyang nagpakita ng pakainip o pagkainis. Magiliw pa rin niya itong sinalinan ng champagne. Nabanggit kasi sa kaniya ni Mrs. Guanzon na mahilig daw uminom ng champagne si James lalo na pagkatapos kumain.
“Para kanino ‘yan?” kunot ang noo na tanong nito sa kaniya bago sinulyapan ang baso na may lamang champagne.
“For you,” she said sweetly. “Mahilig ka sa champagne, ‘di ba?”
“You’re wrong.” Tinapunan lang nito ng tingin ang baso at saka tumawa nang pagak. “Saan mo naman nakuha ang ideyang iyon?”
Ibig sabihin, mali ang impormasyong nasagap ni Mrs. Guanzon? Kaya pala parang gusto siyang pigilan ni Manang Lily kanina nang humingi siya rito ng champagne.
Nakagat ni Alex ang ibabang labi. “Sorry. Akala ko kasi—”
“You don’t know me.” Tumingin sa kaniya si James na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha. “Kaya sunod, matuto kang magtanong muna.”
“Okay,” yuko ang ulo na sagot ni Alex. Napahiya kasi siya. Kulang na lang, sabihan siya nito na ang tang*-tang* niya.
Muling nag-angat ng ulo ang dalaga nang mapansin niyang nagliligpit ng pinagkainan nito si James. Isa iyon sa magagandang katangian na napansin at hinangaan niya rito. Na kahit marami namang puwedeng utusan, hindi nito inaasa ang simpleng pagliligpit ng pinagkainan.
Mabilis na tumayo si Alex at lumapit dito. “Ako na ang gagawa niyan.” Inagaw niya sa kamay nito ang pinggan.
Ngunit nagulat siya sa tila boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya nang mahawakan niya ang kamay nito sa halip na ang pinggang lang. Napansin ni Alex na palaging ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing nagdadaiti ang kanilang mga balat.
“S-sorry.” Mabilis na binawi ng dalaga ang kamay at umiwas ng tingin nang mahuli niya si James na nakatitig pala sa kaniya. “Ako na ang magdadala nito sa kusina,” giit niya. Pero hinila rin nito ang pinggan palayo sa kaniya.
“Ako na. Hindi mo ako kailangang i-babysit.”
“Hindi naman kita bini-babysit. Gusto lang kitang alagaan dahil magiging mag-asawa din naman tayo soon.” Kinagat ni Alex ang labi pagkatapos bago binawing muli sa kamay ni James ang pinggan nito at nagtagumpay naman siya.
He smirked. “There is more you can do for me as my wife kapag nangyari iyon. Bukod sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan ko.” Inilapit nito ang mukha sa mukha niya, halos isang dangkal na lang ang distansiya ng mga iyon, dahilan para kabahan na naman si Alex.
Ang buong akala niya ay hahalikan na siya ni James. Pero ginawa lang pala nito iyon para i-destruct siya at mabawi sa kaniya ang pinggan nito. Napagtanto na lang niya na naiwan na sa ere ang kamay niya at nawala na ang binata sa harapan niya.
Tulala na binalikan niya sa isip ang sinabi nito kanina. There is more you can do for me as my wife kapag nangyari iyon. Bukod sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan ko.
Unti-unti siyang pinamulahan ng mukha.
Bakit parang may ibig sabihin iyon?