Parang pinaghihiwa ang aking puso dahil sa sinabi ni Xavier na kailangan na niya akong palayasin sa bahay na ito. Sobrang sakit at parang ayaw ko nang mabuhay pa.
Ngunit kailangan kong sundin ang aking asawa. Kaya naman agad akong lumapit sa cabinet upang ayosin ang mga gamit ko. Ngunit napalingon ako sa pinto ng silid ko at pumasok ang matalik kong kaibigan na si Ruffa.
Dali-dali itong lumapit sa akin at inawat ako sa pag-iimpake ko.
“Helena, ano’ng ginagawa mo?” Sabay agaw sa akin ng maleta na hawak-hawak ko.
“Pinapaalis na ko ni Xavier sa bahay niya. Ayaw ko namang ipagpilitan ang aking sarili rito---”
“No, Helena. Hindi ka aalis ng bahay na ito. Mag-asawa pa rin kayo. Hayaan mo’t kakausapin ko ang magaling momg asawa. Hindi ako papayag na umalis ka rito!” galit na galit na sabi ni Ruffa.
Tumingin ako sa aking kaibigan. Sa totoo lang ay ito lang ang naniniwala sa akin na wala akong kasalanan. Masasabi kong kaibigan ko talaga ito. Minsan kapag nagagalit sa akin si Xavier ay ito ka agad ang umaawat. Napatingin ako kay Ruffa na umalis sa aking tabi. Dali-dali itong lumabas ng kwarto ko upang kausapin daw ang magaling kong asawa.
Agad din akong tumayo para sundan ang aking kaibigan. Maingat kong binuksan ang pinto, hanggang sa bumaba ako ng hagdan.
“Xavier, hindi mo puwedeng paalisin si Helena, asawa mo pa rin siya. Hindi ako papayag!” narinig ko ang boses ng kaibigan ko.
“Kailangan ko nang umalis Ruffa. Bantayan mo ang kaibigan mo at baka pumunta na naman sa mga lalaki niya!” narinig kong anas ni Xavier.
Malungkot akong napaupo sa hagdan. Talagang tuluyan na ngang naniwala si Xavier sa mga pekeng picture na ‘yon.
“Helena, huwag ka nang malungkot. Naniniwala ako na magkakaayos din kayo ko Xavier. Lalabas din ang totoo. Tutulungan kita, Helena. Ako mismo ang maghahanap sa taong naninira sa ‘yo.” Mahigpit din akong niyakap ng aking kaibigan.
Mabuti na lang at palagi itong nandito sa aking tabi. Kapag gusto ko nang sukuko ay siya palagi ang nagpapaalaala sa akin.
“Mas mabuti pang magpahinga ka muna, Helena. Mukang pagod na pagod ka at stress. Ako na ang bahala sa buong bahay.” Agad niya akong inalalayan papunta sa aking kwarto. Kumuha rin ito ng tubig upang painomin ako.
Inayos pa nga ni Ruffa ang unan at kumot ko. Mayamaya pa’y agad na akong nilamon ng karimlan. Ngunit nagising ako sa malakas na kalabog na iyon. Kahit antok na antok pa ay pinilit kong bumangon. Nakita ko rin si Xavier na papasok sa loob ng kwarto ko.
Binagsak lang pala nito ang pinto. Nag-angat ang aking mukha nang huminto ito sa aking harapan. Kumunot ang aking noo, ngunit naghintay ako sa mga sasabihin nito.
“Maglinis ka ng buong bahay, Helena. Para naman may pakinabang ka naman dito sa aking bahay! Hindi ka isang reyna rito. Dahil para sa akin ay wala kanang pakinabang!” mapang-uyam na sabi ng lalaki sa akin.
Bigla akong napatungo. Ngunit hindi ako nagsalita. Tama naman ito. Malamunin lang ako sa bahay na ito.
“Sige,” mahina kong sagot sa lalaki. Agad naman itong umalis sa aking harapan. Bigla kong hinawakan ang akint dibdib dahil bigla itong kumirot. Ang sakit sobra. Malungkot na lamang akong napahinga. Lumabas na rin ako ng kwarto upang simulan ang paglilinis sa labas ng bahay.
Agad kong kinuha ang walis tingting upang simulan ang maglinis. Hindi ko ininda ang init ng araw. Gusto kong ipakita kay Xavier na karapatdapat ako na maging asawa niya. Nawalang katotohanan ang mga nakalagay sa picture na ‘yon.
Kasalukuyan akong naglilinis dito sa likod bahay nang marinig ko ang malakas na tawa ni Ruffa. Agad ko tuloy binitawan ang hawak kong walis tingting. Maingat akong humakbang upang alamin ko rin ang mga nangyayari.
Kumunot ang aking noo nang makita kong masayang nag-uusap sina Ruffa at Xavier. Ngunit hindi ako nagbigay abg malisya dahil mabait naman aking kaibigan. Medyo close rin sila ng aking asawa. Kaya hindi ko kailangan magselos. Dahil sa aking kaibigan kaya nandito pa ako sa bahay ni Xavier. Hindi ko dapat pag-isipan ng masama ang bestfriend ko.
Muli akong bumalik sa aking ginagawa. Ngunit narinig ko ang mga sinasabi ni Ruffa tungkol sa mga manliligaw nito. Close talaga sila Xavier. Kaya dapat hindi aki mag-isip nang kung ano-ano.
“Bestfriend Helena, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. May pasalubong ako sa ‘yo.” Sabay abot nito sa akin ng isang box na pizza.
Agad ko naman itong kinuha. May ngiti sa aking mga labi na nag-thank you sa aking kaibigan. Ngunit bago ito umalis sa aking harapan ay sinabi nitong pumasok na ako sa loob ng bahay dahil sobrang init dito sa labas. Marahan na lamang akong tumango sa aking kaibigan.
Narinig ko rin na umalis na ang kotse ni Xavier. Isang malungkot na buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Umikot muna ang mga mata ko sa buong paligid. Nakita kong malinis na. Siguro naman ay hindi na magagalit sa akin si Xavier. Agad na lamang akong humakbang papasok sa loob ng bahay. Medyo napagod ako sa paglilinis kaya muli akont bumalik sa aking kwarto. Mamaya ko na lang kakainin ang pizza na binigay sa akin ni Ruffa.
Paglapat pa lang ng likod ko sa kama ay agad na akong binalot ng kadiliman. Ngunit muli akong nagising dahil sa ungol ng isang babae na may kasamang hagikhik. Pamilyar ang boses na ‘yon. Kaya naman dali-dali akong bumangon sa kama. Ngunit bigla akong napatingin sa bintana at nakita kong madilim na sa labas.
Mabilis tuloy akong napatingin sa wall clock. Medyo nagulat ako dahil alas-otso na pala ng gabi. Maingat akong humakbang upang lumabas ng kwarto. Ngunit lalong lumakas ang ungol na aking naririnig. Kahit kinakabahan ay humakbang pa rin ako papalapit sa katabing kwarto na tinutulugan ni Xavier.
Nakita kong nakaawang ang pinto, kaya maingat akong sumilip. Ngunit sunod-sunod na nag-unahan ang mga luha ko. Dahil din sa bugso ng damdamin ko ay buong lakas kong binuksan ang pinto ng kwarto.
Mabilis na lumingon sa akin si Ruffa. Ngunit imbes na magulat ito ay ngumisi lamang ito sa akin.
“Surprise, my bestfriend. Nagulat ka ba na ako ang kasama ng asawa mo sa ibabaw ng kama,” anas ng kaibigan kong matalik. Napatingin naman ako kay Xavier na tulog na tulog at mukhang lasing na lasing ang lalaki.
“Ahas ka, Ruffa! Pinagkatiwalaan kita!” malakas na sigaw ko.
“Oy! Teka lang muna, Helena. Sa ating dalawa ikaw ang pinakang puta! Huwag mo akong itulad sa ‘yo!”