Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hindi ko lubos akalain na ang isang taong tinuturing kong kaibigan ay siya pala ang mag-aahas sa akin.
“Wala kang kwentang kaibigan, Ruffa!” Balak ko sanang lumapit dito ngunit isang malakas na sipa ang binigay sa akin dahilan kaya napasadsad ako papunta sa pader. Ramdam ko ang sakit ng aking pang-upo. Ngunit pinilit kong tumayo para harapan ang babae. Napatingin din ako kay Xavier na ngayon ay nakahiga sa kama. Hindi ko alam kung lasing ba ito o natutulog lang.
“Helena---” Nanlalaki ang mga mata ko nang lumabas sa bibig ni Xavier ang pangalan ko. Bakit ako tinatawag nito kahit natutulog na ito. Hanggang sa tumingin ako kay Ruffa.
“Ano’ng ginawa mo kay Xavier?” galit na tanong ko sa babae. Ngunit ngumisi lamang ito. Hanggang sa may pinakita ito sa akin na maliit na botelya.
“Simple lang, hindi ka na niya matatandaan. Kahit tawagin pa niya ang pangalan mo dahil. burado ka na sa utak niya!” Agad itong lumapit sa akin upang sampalin ako. Ngunit mabilis kong hinuli ang pulsuhan ng babae. Gigil na gigil kong hinawakan ‘yon. Ngunit mabilis na umigkas ang aking palad at sunod-sunod ko itong pinagsasampal.
Kaya lang isang malakas na pagtulak ang binigay nito sa akin, dahil kaya napasadsad ulit ako papunta sa pader. Ramdam ko ang sakit ng aking likod na tumama sa pader. Muli akong tumingin sa babae at kitang-kita ko ang galit nito sa akin.
Nakita kong malalaki ang hakbang nito papalapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa aking buhok. Ramdam ko ang sakit ng aking anit. Kahit anong hawak ko sa kamay nito para alisin sa aking buhok ay hindi ko magawa dahil sobrang higpit nang pagkakahawak nito sa akin.
Narinig kong sumigaw rin ang babae at parang may tinatawag ito. Hanggang sa natanaw ko ang mga lalaking armado.
“Dahil sa kulungan ng aso sa likod bahay!” utos nito sa mga lalaking dumating.
“Hayop ka Ruffa!” Malakas kong sigaw. Ngunit malakas itong tumawa.
“Hindi lang ako basta hayop! Helena. Demonyo rin ako!” malakas na sigaw nito sa akin. Wala akong nagawa ng mga oras na ito. Hindi ako makalaban sa mga lalaki dahil malaking tao sila. Halos kaladkarin nila ako papalabas ng bahay namin ni Xavier. Pagdating sa likod bahay na kung saan naroon ang dating kulungan ng aso namin ni Xavier na namatay, ay sapilitan akong ipinasok sa loob ng kulungan. Nakita kong ini-lock din ng lalaki ang pinto ng kulungan. Umiling-iling pa nga ito nang tumingin sa akin.
“Helena, ito’y isang babala lamang. Kung mabigyan ka nang pagkakataon ay tumakas ka na. Hindi mo kilala si Madam Ruffa. Baka bigla niyang maisipan na ibenta ka sa mga halang ang kaluluwang tao…” bulong ng lalaki sa akin.
Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa sinabi ng lalaki.
“Please, tulungan mo akong makatakas dito…” bulong na pakiusap ko sa lalaki.
“Hindi ko kayang maghudas kay madam Ruffa. Pasensya na, ayaw ko pang mamatay,” agad itong umalis sa aking harapan.
“Diyos ko!” bulala ko. Hindi ko pa nga lubusang kilala si Ruffa, kahit matagal na kaming magkaibigan. Akala ko isa siyang tunay na kaibigan. Ngunit hindi pala. Sobrang sakit ng dibdib ko dahil naniwala ako sa kanya. Hindi ko akalain na pati si Xavier ay pagnanasaan ni Ruffa. Dahan-dahan na lamang akong napahiga rito sa loob ng kulungan habang panay ang tulo ng aking luha.
Ngunit bigla akong napabangon nang makita ko si Ruffa na ngayon ay papalapit sa kinaroroonan ko. Kitang-kita ko rin sa ang mga labi nito na ngising-ngisi sa akin.
“Helena, Helena. Bagay na bagay sa ‘yo ang nakakulong ng aso. Para kang isang asong ulol!”
Mariin ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamao habang nakatingin sa babae.
“Titiyakin kong pagbabayaran mong lahat ang ginawa mo sa akin!” mariing sabi ko sa babae. Ngunit malakas itong tumawa na naman.
“Paano? Eh, bukas ay titiyakin kong mapapalayas ka na rito ni Xavier.” Agad din nitong kinuha ang water hose at basta na lang itinutok sa akin. Ramdam ko ang lamig ng tubig. Ngunit tiniis ko ‘yon. Hinayaan ko lang ito. Wala akong laban dito dahil nakakulong ako rito sa kulungan ng aso.
“Kawawang Helena---” narinig ko pang sabi ni Ruffa bago niya ako iwan. Naramdaman kong umagos ulit ang luha ko. Hindi ko akalain na ganito ang mararanas ko nang mag-asawa ako ng mas maaga. 19 years old pa lang ako ngunit kalupitan na ka agad ng mga tao ang aking nakakasalamuha, tapos kaibigan ko pa ang nagpaparanas sa akin na halos kapatid ang turing ko.
Panay lang ang iyak ko dahil ‘yon lang naman ang aking magagawa. Hanggang sa nakatulog na ako sa kakaiyak. Kinabukasan nagising ako dahil sa malakas na pagsipa sa aking hita.
“Bumangon ka riyan, bilisan mo dahil papunta ang magulang mo rito!” sigaw ni Ruffa sa akin at ito rin pala ang sumipa sa akin. Medyo natakot ako para sa kaligtas ng aking magulang.
"Anong balak mo sa magulang ko, Ruffa?!" sigaw ko sa babae
“Wala pa naman, ngunit kung gagawa ka ng hindi ko magugustuhan, alam mo na kung anong mangyayari sa kanila, Helena.” Sabay labas nito ng baril at agad na itinutok sa akin.
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Tumingin ako ng seryoso kay Ruffa. Nakikita ko sa mga mata nito na handa itong pumatay ng tao. Kaya sobra akong nag-aalala sa aking magulang.
“Sige na kumilos ka na, Helena. Ito ang tatandaan mo. Subukang mo lang magsumbong sa kanila, makikita mong lahat ang pagbaon ko ng buhay sa pamilya mo. Uubusin ko ang angkan mo!” pagbabanta nito sa akin. Agad dina akong itinulak papunta sa unahan ko, dahilan kaya muntik na akong madapa.
Kailangan kong sundin ang babae upang hindi napahawak ang pamilya ko. Ayos lang kung ako ang masaktan huwag lang sila. Pagdating sa aking kwarto ay agad kong inayos ang aking sarili. Naglagay rin ako ng kaunting lipstick. Mayamaya pa’y narinig ko na ang ugony ng kotse na dumating. Maingat akong sumilip sa bintana at nakita kong dumating na sina papa ay mama.
Nakita kong sinalubong ni Ruffa ang mga magulang ko at nagmano pa ang babae. Sa likod ng maganda nitong mukha ay nagtatago ang isang halimaw na nilalang. Namataan ko rin ang ibang mga tauhan ni Ruffa. Nagmamasid sila sa buong paligid. Kailangan kong mapaalis ka agad ang pamilya ko rito dahil delikado sila sa mga kamay ni Ruffa.
Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko. Pagdating sa sala ay nakita kong kumakain na sina mama at papa ng meryendang hinanda ni Ruffa. Dali-dali namang tumayo si Mama nang makita ako.
“Helena, pasensya ka na kung ngayon lang kami nakadalaw rito. Alam mo naman, sobrang busy ng papa mo sa negosyo niya. Ano kamusta ka na rito? Teka, bakit pumayat ka yata? Hindi ka ba pinapakain ng asawa mo?”
Pasimple akong tumingin kay Ruffa na ngayon ay nandito rin sa sala at nakabantay sa akin. Alam kong nag-iisip ito ba ka magsumbong ako sa aking magulang.
“Ma, nagkasakit ako ng ilang araw kaya medyo namayat ako. Huwag ka pong mag-alala, dahil maayos na ang lagay ko. Nandiyan naman po palagi si Ruffa upang alagaan ako.”
“Naku! Mabuti na lang talaga at may kaibigan ka na handang tumulong sa ‘yo. Sayang lang dahil wala na pala rito si Xavier. Dumaan lang kami rito upang makita kayong mag-asawa. Kailangan na rin naming umalis, anak,” anas ng aking Ina. Mahigpit din akong niyakap nito. Iwan ko ba ngunit parang ang yakap ng aking Ina ay huling yakap na yata sa akin. Lumapit din sa akin si Papa upang yakapin ako. Nagpigil ako na hindi maiyak. Kahit sasabog na ang aking dibdib sa galit kay Ruffa at gusto ko na itong isumbong ay nagpigil ako. Dahil buhay ng magulang ako ang nakataya.
Nasundan ko na lang ng tingin ang kotse ng magulang ko habang papalayo. Nagpigil din ako na hindi maiyak.
“Mabuti na naman ang sumunod ka sa aking gusto, Helena. Magkakasundo tayo. Ngunit mukhang hindi ka na magtatagal sa bahay na ito.” Mabilis akong lumingon kay Ruffa. Kumunot din ang noo ko habang nakatingin dito. Ngunit kitang-kita kong ngumisi lamang ito sa akin.
Sabay naman kaming napatingin sa taong nagsalita sa likuran namin walang iba kundi si Xavier.
“Ruffa, siya ba ang sinasabi mo na asawa ko? Siya rin ba ang dahil kaya walang akong maalala ngayon?” Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig mula sa bibig ni Xavier.
“Xavier, huwag mo na nating pag-usapan ang bagay na ‘yan. Hindi ka pa masyadong magaling---”
“Gusto kong malaman ang totoo. Siya ba ang aking halot na asawa na sumama sa ibang lalaki? At dahil sa lalaki niya kaya wala akong maalala, dahil hinulog ako sa hagdan ng kabet niya nang makita ko silang nagse-s*x sa kwarto namin, totoo bang lahat ng ito?!” Sigaw ni Xavier. Habang nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
“Oo, siya ang asawa mo, Xavier. Nainiputan ka sa ulon siya si Helena---” walang paligoy-ligoy na sagot ni Ruffa.
Nakita kong inangat ni Xavier ang kamay at balak akong sampalin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang tanggapin ang pagsampal nito. Ngunit ilang minuto na ang nagdaan ay wala pa rin ang sampal nito sa akin. Agad kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong hawak-hawak ni Xavier ang ulo at mukang may masakit doon. Nag-aalala akong lumapit dito.
“Xavier---” Ngunit bigla nitong inangat ang kamay.
“Huwag kang lalapit sa amin, Helena. Please! Umalis ka na sa bahay na ito…” bulong ng lalaki sa akin. Napatingin naman ako kay Ruffa na ngayon ay papalapit at may dala-dala na tubig at maliit na botelya.
“Heto ang gamot mo, Xavier. Sinabi ko naman sa ‘yo, huwag kang mag-isip nang kung ano-ano. Saka muna isipin ang asawa mo, kapag tuluyan ka nang magaling," anas pa ng demonyo kong kaibigan. Pasimple pa nga itong tumingin sa akin at binigyan ako ng ngisi ng isang masamang damo.