Mataman akong nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko habang hinihintay ang aking asawa. Panay rin ang tingin ko sa aking relo ngunit wala pa ito. Gusto ko sana itong tawagan subalit nagpalit na ito ng cellphone number.
Muli ko na namang naramdaman ang luha sa aking mga mata. Ganito pala kasakit kapag binabaliwala ng asawa. Parang hinihiwa ang aking puso.
Muli akong bumalik sa kama at pagbagsak akong nahiga. Ngunit malalim akong nag-isip nang mga masasayang ala-ala namin ni Xavier noong maayos pa ang pagsasama namin.
Noong nakaraang taon lang kami nagpakasal at pagsapit din ng labing walong taong gulang ko. Ngunit nitong taon naman na ito napuno ng galit ang puso ni Xavier para sa akin. Dahil sa maling paniniwala. Hindi ko alam kung sino ang sumisira sa aming mag-asawa. Basta nagulat na lang ako sa mga picture na pinadala kay Xavier.
May kasama akong lalaki at nakaupo sa kandungan nito, may nakayapos habang nakahiga sa kama. May kahalikan din ako. May nakapanty at bra. Hindi ako makapaniwala lalo at si Xavier ang first love ko. Siya lahat at una sa akin. Kaya gulong-gulo ako hanggang ngayon.
Ang tingin na sa akin ni Xavier ay isang marunong babae. Halos hindi na ako tingnan ng aking asawa. Hindi na rin ito pumatabi sa akin dito sa kama. Ang gusot naming mag-asawa ay hindi alam ng mga magulang namin. Sa totoo lang ay parang gusto ko nang kumuha ng kutsilyo para magpakamatay na lamang, ngunit kung tatakas ako sa aking problema ay parang umanin na rin ako na totoo ang hinala sa akin ni Xavier.
Agad kong pinahid ang luhang lumabas ulit sa aking mga mata. Hanggang sa marinig ko ang ugong ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Dali-dali tuloy akong tumakbo. Alam kong si Xavier na ang dumating. Nang tuluyan akong makarating sa labas ng tahanan ay nakita ko ang asawa ko. Pasuray-suray ito kung maglakad. Mukang nakainom na naman ito.
“Xavier, dapat hindi ka umiinom ng sobra lalo na’t nagmamaneho ka pa,” anas ko sa lalaki at nasa boses ko rin ang pag-aalala.
Dahan-dahan namang lumingon sa akin ang asawa ko. Nakita kong bigla itong ngumisi habang panay ang iling ng kanyang ulo.
“Nakakatawa ka naman, Helena. Nag-aalala ka sa akin? Ngunit noong nanlalaki ka ay hindi mo man lang naisip kung may masasaktan kang tao? Ngayon ay naniniwala na ako sa mga sinasabi ng mga tao sa akin na ang ganiyan edad ay maghahanap pa ng mga lalaki, ang tanga ko dahil hindi ako naniwala sa kanila!”
Bigla akong napatungo lalo at unti-unti na namang lumalabas ang luha sa aking mga mata.
“Xavier, please! Kahit ngayon lang ay makinig ka naman sa akin. Bakit basta ka na lang naniniwala sa mga picture na ‘yun. Alam mong ikaw lang ang lalaki sa buhay ko!” mariing sabi ko sa aking asawa.
“Nandiyan na ang mga picture, Helena! Ngunit patuloy ka pa ring nagkakaila.Tingin mo ba ay maloloko mo ulit ako? Ito ang tandaan mo hindi na kita tinuturing na asawa. Dahil na susuka ako sa ‘yo. Ang tingin ko sa ‘yo ay isang maruming babae at halot!” Nagulat ako nang bigla akong itulak nito. Dahilan kaya bumagsak ako sa lupa.
Magkakasunod akong napailing habang panay ang agos ng aking luha. Sobrang sakit ng mga binitawang salita sa akin ni Xavier. Parang wala na itong pagmamahal sa akin. Mariin ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamo.
Nang dumaan ang ilang minuto ay nagdesisyon na akong tumayo para pumasok sa loob ng kwarto ko. Pagpasok sa aking silid ay naramdaman ko ang lungkot dahil hindi na rito natutulog si Xavier. Ang sakit-sakit parang naninikip ang dibdib ko.
Hanggang sa pumasok na lang ako sa loob ng banyo para maglinis ang aking katawan dahil dumi ako gawa nang
ako’y bumagsak sa lupa. Nang matapos maligo ay agad akong lumabas ng banyo at nakatapis lang ng tuwalya.
Ngunit nagulat ako nang makita ko si Xavier. Tuloy-tuloy itong pumasok dito sa aking kwarto. Wala na rin itong suot na damit.
“Xavier---” tanging na sabi ko.
“Siguro naman ay kaya mo akong paligayahin, Helena. Ibang lalaki nga nagawa mong bumukaka sa akin pa na asawa mo!” Nagulat ako ng bigla akong itulak papunta sa kama.
“Xavier, huwag mo naman akong babuyin. Please! Kahit hindi mo na lang ako iturin na iyong asawa, igalang mo ako bilang isang babae---!”
“Hindi ka kagalang-galang Helena!” Sabay hablot nito ng tuwalya na nasa aking katawa. Ngunit mabilis akong nagpumiglas upang makawala mula kay Xavier. Subalit malakas ito kahit lasing.
HINDI ko na alam kung paano ko pa ipapaliwanag kay Xavier ang side ko lalo at hindi niya na ako pinakikinggan. Tuluyan na siyang nilamon ng pagkasuklam sa akin. Eh, wala naman akong ginawang mali. Sobrang sakit ng ginagawa nito sa akin ngayon dahil hindi na niya ako kinagalang.
Hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng pag-aasawa ko ng maaga. Ang tanging gusto ko lang naman ay maisaayos namin ni Xavier ang gusot namin ngunit bakit ganito ang kinalabasan? Tila mas lalo pang naging komplikado.
Hindi na ako makahuma sa pag-iyak, dahil sa sobrang takot at kaba na nararamdaman mo. Ibang tao na ang nakikita ko hindi na ang aking si Xavier.
Bigla naman itong huminto sa ginagawa sa aking katawan. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon para makalayo sa lalaki. Hindi ko gusto ang ginagawa niya. Hindi na niya ako ginagalang.
Impit akong napasigaw nang hawakan niya ang aking buhok kaya muli akong napabalik sa kama. Wala siyang kahirap pumatong sa ibaba ko.
“Bitiwan mo ako, Xavier! Maawa ka sa akin!” Sumigaw ako nang sumigaw ngunit parang bingi ang lalaki.
Pinipilit kong iiwas sa kaniya ang mukha ko, ngunit hinabol pa rin ng labi nito. Mariin kong isinara ang aking bibig upang hindi makapasok ang dila ng lalaki. Pero agad nitong kinagat ang ibabang labi ko dahilan kaya napadaing ako sa sakit. Naging mapusok at mas naging determinado siya. Nalasahan ko ang dugo na umaagos ngayon sa gilid ng labi ko. Kasabay rin ng masaganang luha ko.
Hanggang sa ibinaba niya ang kaniyang labi at hinalikan ang aking leeg. Hindi na siya naaawa sa akin. Inilang beses niyang pinasadahan ng halik at kagat ang aking balat kaya lalo akong humagulhol ng iyak.
“Huwag ka nang pumalag Helena dahil wala ka na rin namang magagawa pa. Saka, ano pang inaarte mo hindi ka na namang virgin, huh?” pamang-uyam na sabi ni Xavier.
Tanging pagtulo na lamang ng luha ang aking nagawa, lalo at puro pang-iinsulto ang mga lumabas sa bibig ng lalaki. Hanggang sa nagdaan ang ilang sandali nang tuluyan itong umalis sa ibabaw ko dahil tapos na ito sa aking katawan.
“Ang arte mo! Kung hindi ko pa alam kung sino-sinong lalaki ang nakatikim na sa ‘yo!”
Lalong nagkapunit-punit ang aking puso dahil sa tinuran ni Xavier. Narinig ko rin na umalis na ito sa aking kwarto. Panay naman ang pag-agos ng luha ko at para bang may balon sa loob ng mata ko at hindi maampat-ampat. Ilang sandali pa’y nakatulog na rin ako na may luha sa mukha.
KINABUKASAN nagising ako dahil sa boses ni Xavier. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
“Mabuti gising ka na, Helena. Sasabihin ko lang bago ako pumapasok sa trabaho. . . Ang gusto ko ay umalis ka na sa bahay ko dahil ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo! At kung puwede ay umalis ka na rin sa lugar na ito!”