PERA

1165 Words
PASIMPLE ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamao. Ngunit hindi ako nagsalita. “May pinag-uusapan ba kayong dalawa? Bakit kakaiba ang tinginan ninyo, huh? Xavier, huwag mong sabihin na naniniwala ka na sa mga sinasabi sa ‘yo ng babaeng ‘yan? Pagkatapos kang lokohin ng ilang beses?!” halos pasigaw na tanong ni Ruffa. “Kuhanin mo na lang ang mga damit niya sa kwarto dahil papaalisin ko na siya sa aking bahay!” mariing utos ng lalaki kay Ruffa. Dali-dali namang sumunod si Ruffa at muling pumasok sa loob ng bahay. Kitang-kita ko pa nga ang mala-demonyong ngisi ng babae. “Xavier, hanggang dito na lang ba tayo? Wala na ba talagang pag-asa na muli tayong magkaayos?” tanong ko sa lalaki. Ngunit hindi ko alam kung ano’ng nilalaman ng utak nito nakatingin lamang sa akin ang lalaki na parang may binabasa sa isipan ko. “Umalis ka na lang, Helena,” tanging sagot nito sa akin. Nakita kong may kinuha ito sa bulsa ng pants nito. Hanggang sa makita ko ang sobre na kulay puti. Agad nitong inilagay sa aking kamay. “Itabi mo itong sobre, dahil magagamit mo ‘yan! Kuhanin mo rin itong cheque. Dahil magagamit mo ‘yan sa pag-alis mo sa lugar na ito,” anas ni Xavier. Kahit nagtataka ay agad kong kinuha ang cheque na inabot nito. Nang tingnan ko nakasulat ay nakita kong limang milyong piso. Nanlalaki ang mga mat ko habang nakatingin sa lalaki. “Xavier, masyadong malaki ang limang milyong piso---” “Magagamit mo ‘yan sa bagong simula ng buhay mo, Helena. Itabi mo na…” halos pa bulong na anas ng lalaki sa akin. Kahit may pagtataka dahil binigyan ako ng cash na pera ay cheque ay agad ko rin itong itinago. “Helena, heto na ang mga gamit mong basura!” Sabay bato nito sa aking harapan ng bag ko. Agad kong kinuha ang bag. Ngunit nang buhatin ko ang bag ay napansin kong magaan ito. Baka iilang piraso lang ng damit ang inilagay ni Ruffa. Balak ko na sanang tumalikod nang magsalita ulit si Xavier. “Siya nga pala, Helena. Hindi ka puwedeng umuwi sa bahay ng magulang mo. Umalis ka sa lugar na ito!” mariin sabi ng lalaki sa akin. Masakit sa dibdib ang mga sinabi nito. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi pa rin ako iniwan na walang-wala. Malaking halaga ang ibinigay nito sa akin. Bahala na kung saan ako abotin. Hindi na lang ako lumingon sa dalawang tao na nasa likod ko. Muli kong hinakbang ang aking paa hanggang sa kakalabas ako ng malaking gate. Hindi muna ako umalis dito sa tapat ng gate dahil mataman kong tinitigan. Lalo at alam ko na hindi na ako makakabalik dito kahit kailan.. Ngunit kahit saglit lang ang pagsasama namin ni Xavier sa loob ng bahay nito ay naging masaya naman ako. Dahil kahit papaano ay napagsilbihan ko ang lalaki. Nagkaroon lang ng problema dahil sa mga pekeng picture na ‘yon. Ang pangalawa ay itong peke kong kaibigan na may pagtingin din pala sa aking asawa. Isang malalim buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Isa pang sulyap ang ginawa ko sa malaking gate bago ako tuluyang umalis. Aaminin kong nanghihina ang mga hakbang ko papalayo. Naramdaman ko rin ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Kahit ilang beses na akong nasaktan sa masasakit na salita na binabato sa akin ng asawa ko ay mahal ko pa rin ito. Sana dumating ang araw ay malinis ko ang pangalan ko kay Xavier. Kasalukuyan akong nag-iimot nang magulat ako sa isang van na huminto sa harapan. Mayamaya pa’y bumukas ang pinto at lumabas ang mga tauhan ni Ruffa. Kumunot din ang noo nang lumapit sila sa akin. Bigla tuloy akong napaurong. Kasabay rin ang takot na biglang namahay sa aking dibdib. “Teka, ano’ng kailangan ninyo sa akin?!” kabadong tanong ko sa mga armadong lalaki. “Pasensiya na ma’am Helena. Ngunit napag-utusan lamang kami---” Wala akong nagawa nang hawakan ako sa braso ko at sapilitang ipinasok sa loob ng van. “Si Ruffa ba ang may pakana ng lahat ng ito?” Halos pasigaw na tanong ko sa mga lalaki. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanila. Hindi naman ako makalaban dahil may tali ang pulsuhan ko. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa tapat ng lumang bahay. Agad akong hinila papalabas ng sasakyan at agad na ipinasok sa loob ng lumang bahay. Agad akong pinaupo sa isang upuan. Habang nilalagyan ng tali ang buong katawan ko. Kahit anong pagmamakaawa ko sa lalaki ay hindi ako pinakikinggan nito. “Pasensiya na, ma'am Helena. Sinusunod lamang namin ang pinag-uutos ni boss namin, ayaw rin namin mamatay kaya dapat namin siyang sundin…” Lalo tuloy pumatak ang luha ko sa mga mata. Ano bang kasalanan ko kay Ruffa? Bakit niya ako ginaganito? Itinuring ko itong kaibigan o higit pa. Para ko nga itong kapatid. Tapos malalaman ko na iba pala ang tingin nito sa akin. Malungkot akong napahinga. Hanggang sa mapatingin ako sa pinto na kung saan nakita ko si Ruffa na papasok. Kitang-kita mo ang ngising demonyo ng babae. “Helena,” anas nito. At magkakasunod pa itong umiling. Galit akong tumingin sa dati kong kaibigan. “Hindi ko alam kung ano’ng nagawa kong kasalanan sa ‘yo, Ruffa. Ano pa bang gusto mo sa akin, pinaalis na nga ako ni Xavier!” Maliksing hinawakan nito ang aking panga kaya ramdam ko ang sakit. “Helena, alam mo bang dahil sa ‘yo kaya biglang gumuho ang mga pangarap ko. Dapat ako ang asawa ni Xavier. Ngunit epel ka!" Halos tumabingi ang aking mukha dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin. Ramdam ko rin ang pag-agos ng dugo sa gilid ng labi ko. Narinig ko rin na inutosan ni Ruffa ang mga tauhan nito na alisan ako ng tali sa katawan. Bigla naman akong napangiwi nang matumba ako sa malaking na sahig. Dahil basta na lang akong itinulak ng tauhan ni Ruffa. Hanggang sa muling lumapat sa akin ang babae. Umangat ang kamay nito at buong lakas akong sinuntok sa sikmura ko dahilan kaya namilipit ako sa sobrang sakit. “Kulang pa lang ‘yan, Helena. Dapat masaya ako ngayon kasama si Xavier. Ngunit hindi nangyari 'yon dahil sa ‘yo!” Lumapit din ang kamay nito sa bulsa ng pang ibabang kasuotan ko. Kahit ano’ng pigil ko rito ay wala pa rin akong nagawa. “Ibalik mo sa akin ‘yan, Helena. Galing ‘yan kay Xavier para makapagsimula ako!” sigaw ko sa babae. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin. Napatingin ako sa sobre na nasa kamay nito na naglalaman ng pera. Nakuha rin ni Ruffa ang cheque na nagkakahalaga ng limang milyong piso. “Hindi naman ako papayag na mapunta sa ‘yo ang perang ito, Helena. Akala mo ba ay hindi ko alam na binigyan ka ni Xavier na pera. Wala kang karapatan sa perang ito. Dahil akin lamang ito!”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD