Hindi pa man tuluyang nakakalabas ng main gate ng kulungan si Kaleb ay natanaw niya ang papalapit na Owner Type Jeep at may sakay na mga armadong kalalakihan.
“Yuko!” Sigaw niya sa gwardya ngunit hindi ito naging alerto.
Sunud-sunod na putok ng armalite gun ang umalingawngaw sa labas ng gate. Ang balang para sa kanya ay nilamon ng katawan ng kawawang gate security guards.
Mabilis na nakatago si Kaleb sa pader at kitang kita niya kung paano mangisay ang buong katawan ng dalawang gwardya na pinaulanan ng bala kasabay nito ang pagdanak ng pulang likido sa katawan ng mga ito. Halos matalsikan siya nang magbuga ng dugo ang bibig ng isa at bumagsak ito sa kanyang katawan. Dahil na-out of balance, bumagsak sa semento si Kaleb.
Kitang-kita ng mga armadong kalalakihan kung paano bumagsak si Kaleb at naliligo sa pag-aakala nila na sariling dugo ng target. Mabilis na naglahong parang bula ang sasakyan.
Maya-maya lamang ay may dumating na isa pang sasakyan at kinuha ng mga ito si Kaleb.
Pagkalipas ng isang oras ay laman ng telebisyon ang nangyaring insidente sa piitan.
“Laya na sana ngayong araw ang dating pari na si Kaleb Van Sorrento dahil sa natanggap na parole. Isang ambush ang naganap at kumpirmadong patay ang mga biktima dahil sa dami ng bala na tinamo ng katawan ng mga ito.”
Hindi pa man natatapos ang report ay ini-off na ni Klaeb ang TV habang nakangiti ito.
“Babe, I'm sorry kung palpak ang pinadala ko nung nakaraan. Pero don't worry, nilinis ko na rin ang gagang iyon.” maharot na paliwanag ulit ni Zoe sa kasintahan.
Halos mapatay siya ni Klaeb nung araw na pumalpak ang babaeng pinadala niya upang patayin si Kaleb. Hindi na lamang niya inamin dito na mag kalokohan din siyang ginawa.
Iniutos niya sa babae na kung sakaling mabulilyaso ang plano, huwag sasabihing si Klaeb ang utak ng pagpapapatay sa kanya kindi ang sariling ina. Simula pa lamang ay alam na ni Zoe kung paano laruin at manipulahin ang ina ni Klaeb at kayang-kaya niyang paikutin ang lalaki.
Si Zoey Madrigal ay anak ng isang kongresista na si Mr. Rios Madrigal at kaalyado ng mga Sorrento sa pulitika. Planong tumakbo ni Klaeb bilang Congressman sa darating na eleksyon. Ayon sa public survey ay malaki ang porsyento na manalo siya.
Simula nang mamatay ang kanyang ama ay naudlot ang ang kanyang pangarap kung kaya naman nagsisimula siyang muli.
Naikuyom ni Klaeb ang mga palad ng maalala ang dahilan kung bakit namatay ang ama.
Ngayong wala na ang tinik at balakid na si Kaleb, sigurado na siyang tuloy-tuloy na ang pag-angat niya sa posisyon hanggang sa maging Presidente siya ng bansa. Marami siyang balak gawin kapag nasa kanya na ang kapangyarihan.
“It's okay, Babe. He's gone and the police confirmed it. It was him.”
“Now let's do the drama. Syempre, kailangan mabuti ka sa mata ng lahat. Magluksa tayo.”
Malutong na halakhak ang naghari sa kwarto na iyon. Maya-maya lamang ay malalakas na katok sa pinto ang nagpatahimik sa dalawa.
“Klaeb! Klaeb! Buksan mo 'to!” sigaw ni Mrs. Precy sa anak.
“Oh, the b***h is here.” sambit ni Zoe at umayos ng upo sa couch ng naka-de-kwatro.
“Zoe!” pabulong na sita ni Klaeb sa kasintahan.
“Mama, calm down..” bungad agad ni Klaeb pagkabukas ng pinto.
Tila maamong tupa ang mukha nito at inalalayan ang ina hanggang makarating sa couch.
“Magandang araw ho,” bati ni Zoe.
“Gaga ka ba? Ano'ng maganda sa araw. Mga walang hiya! Klaeb, alamin mo kung sino nagpapatay sa kapatid mo.” Hagulhol na sabi nito.
Lihim na nagkatinginan sina Klaeb at Zoe.
“Mama, huminahon ka, inaayos na nila bangkay ni Kaleb and let the authority do their work.”
“Klaeb, laya na ang kapatid mo, bakit nangyari pa ito sa kanya?” umiiyak na tanong nito.
“I don't know. Baka kagagawan ito ng kalaban ko sa halalan. Mama, don't worry. The truth will prevail, kung sino man ang may sala sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan.
Napaismid naman si Zoe na tamang nakikinig lamang sa mag-ina. May sarili ring misyon si Zoe sa pamilya ng mga Sorrento kaya niya kasintahan si Klaeb ngayon.
Ayon sa kanyang mga nakalap na impormasyon, ang totoong nakapatay o sinadyang patayin ang dating Congressman ay walang iba kundi si Klaeb. Nasuhulan niya ang mga matatagal ng katulong na nakasaksi ng insidente.
Pinalabas lamang nila na nahulog ito sa hagdan ngunit ang totoo, ayon sa mga ito ay sinadyang itulak ito ni Klaeb.
Kakaalis lamang daw ng mansion ni Father Kaleb ng gabing iyon dahil binisita ang mga magulang at kapatid. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Klaeb at Kaleb.
Nangaral daw si Kaleb na hindi nila maaring gamitin ang simbahan at ang kanyang pagkapari sa kanilang pangangampanya lalo na ang kanyang kambal na nais ng mahalal na presidente sa murang edad.
Bukod kay Kaleb, hindi rin sang-ayon ang mga magulang sa plano ng kambal. Salat pa ito sa karanasan ngunit desidido at determinado si Klaeb. Nagalit ito sa mga magulang lalo na kay Kaleb. Upang hindi na madamay sa problema ng pamilya, minabuti na lang ni Kaleb ma bumalik na sa simbahan.
Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakatanggap siya ng tawag, umiiyak ang ina at humihingi ng saklolo. Agad siyang bumalik ngunit mas nagimbal siya sa kahilingan ng ina.
“Mama, bakit ako?”
_______
“Boss, heto ang mga damit, magpalit ka na. Bago at branded ang mga iyan.” sabi ng armadong lalaki. Maskulado at malaking tao.
“May yosi ba?" sagot naman ni Kaleb sa lalaki.
Walang bakas ng pagkatakot o alinlangan. Kanina, habang nasa biyahe sila patungo sa hideout na kanilang tinutuluyan ngayon ay kinapa niya sa bulsa ang papel na iniabot sa kanya ni Sanjo bago siya lumabas ng selda.
“Father Kaleb, mag-ingat ka sa labas. Eto nga pala. Hanapin mo 'yang taong iyan. Siya ang dahilan kung bakit laya ka na ngayon.”
Kunot ang noo na binasa ni Kaleb ang pangalan.
ANDRA.
Sinong Andra? Kahit kailan ay wala siyang maalalang ganung pangalan kahit noong pari pa siya. Sa dami ng nag kumpisal sa kanya ng mga kasalanan noon ni isa ay wala siyang natatandaan na Andra ang pangalan. Napailing siya at naalaala ang kaibigan sa piitan.
Si Sanjo tlga...sambit niya sa isip.
Naimulat muli ni Kaleb ang mga mata ng maalala si Sanjo. Bigla siyang kinabahan. Ano nga ba ang apelyido ni Sanjo? Saka lamang niya napagtanto. Si Sanjo ay hindi totoong preso. Isang spy sa loob ng kulungan upang maging mata sa mga kilos niya.
Ibig sabihin, si Sanjo ay sugo ng nagngangalang Andra.
Nang makapagbihis, ibang-iba na ang itsura ni Kaleb. Ang kanina na tila ermitanyo ay isang makisig na lalaki. Halos malaglag ang panga ng mga armadong kalalakihan na nag-aasikaso sa kanya.
“Boss Kaleb, ikaw ba 'yan?” tanong ng isa na hindi napigilan ang sarili. Hindi sumagot si Kaleb at naupo lamang ito sa swivel chair at tahimik na naninigarilyo habang ang mga paa ay nakapatong sa ibabaw ng desk.
Maya-maya lamang ay dumating ang isang grupo ng armadong kalalakihan na may bitbit na ibat-ibang sizes ng maleta. Ang isa ay ipinatong ang maliit na briefcase at agad itong binuksan.
“Boss," sabi ng lalaki at binuksan ito.
Kita sa mukha ni Kaleb ang pagkamangha at napa-taas ang kilay. Maging ang mga lalaki g nakapaligid sa kanya ay napaawang ang mga bibig.
Sanay sa rangya ng buhay si Kaleb, lumaki siyang hindi pinoproblema ang pera at dahil papel ng Bibliya ang madalas niyang mahawakan noon, kahit kailan ay hindi pa siya nakakita o nakahawak ng ganito kalaking pera.
“Sampung milyon boss,” paglilinaw ng lalaki na agad naunawaan ang ibig sabihin ng pagtaas ng kilay niya.
Pagkatapos sarhan ang briefcase, sunud-sunod na ipinakita sa kanya ang laman ng mga maleta na may iba't ibang uri ng armas at deadly weapon.
Tumango lamang si Kaleb, hudyat na maari na siyang iwan ng mga ito. Tahimik na tumugon ang mga kalalakihan at maging ang mga gwardya niya ay lumabas din nang pumasok ang babaeng napakseksi upang bigyan sila ng privacy.
“Did you miss me, Kaleb?” mapang-akit na sabi ni Arah at walang pag-aatubili na umupo ito ng nakabukaka sa kandungan ni Kaleb at kiniskis ang kanyang malulusog na dibdib sa bagong ahit na baba niya.
Dahil sa doble ang bigat ay lumagitnit ang swivel chair at buti na lamang ay maagap si Kaleb at nakahawak agad siya sa desk.
“Pilya ka talaga, Arah. Let's go to the bed,” sabi ni Kaleb at hinalikan ng mariin sa labi ang babae habang tumatayo ito, maingay na kinarga ang babae patungo sa kwarto na hindi maghihiwalay ang kanilang mga labi.
Ungol lamang ang naging sagot ni Arah at nagsimula ng lumikot ang mga daliri ni Kaleb nang makaupo ito sa gilid ng kama at pinagsawa ang mga kamay sa pagmasahe sa malusog na dibdib nito na nababalot pa ng manipis na tela.