Siniksik ang mukha sa leeg ng dalaga at hingal na binagsak ni Kaleb ang hubad na katawan sa ibabaw ni Arah na habol hininga din pagkatapos ng mainit na pagtatalik.
Sa edad na veint y cinco ay nanatiling birhen si Kaleb. Ngunit nang makulong siya, maraming makamundong bagay siyang natutunan. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi niya magawa ang magturo ng aral ng simbahan sa loob ng piitan.
Bukod dito, nabahiran na rin ang isip niya simula ng makilala niya ang isang madre nung minsan ay um-attend siya para sa isang Church Mission.
Nakilala at nakadaupang-palad niya si Sister Daphne Harrison at lihim siyang humanga dito. Sa taglay na ganda nito, nakakapagtaka kung bakit mas pinili nito ang maglingkod sa simbahan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa tuwing maiisip niya ang magandang mukha ni Sister Daphne ay biglang nag-iinit ang kanyang pisngi. Ngunit nagpasalamat siya nang hindi na niya ulit nakita ang magandang madre.
Hindi niya ikakaila na minsan ay pinag pantasyahan niya ang babae habang siya ay pari pa noon. Halos isampal niya sa mukha ang banal na aklat dahil sa makasalanang isip at tawag ng laman.
Marahil ay hindi niya bokasyon ang paglilingkod sa simbahan. Kinumbinsi na lamang ni Kaleb na posibleng married life o kaya naman ay single blessedness ang kanyang bokasyon.
Dahil sa naisip, muli na naman niyang naramdaman ang pagtigas ng kanyang p*********i at sinimulang igalaw ang balakang.
“Kaleb, wait.” sabi ni Arah na hindi pa nakaka-recover sa first round ngunit nag-lulumikot na naman si Kaleb at pinihit siya nito paharap sa kama.
“On fours,” utos ni Kaleb.
Agad naman na sumunod si Arah, tumalikod at lumuhod, puwesto ang mga siko sa kama habang nakasubsob ang mukha sa unan.
“Lift it higher, bend your waist a little.”
Nang masiyahan, hinimas muna ng bahagya at agad itinutok ang naghuhumindig na p*********i nito sa basang-basang lagusan ni Arah. Sabay silang napaungol nang maramdaman ang sensasyon ng paghagod ng kanilang mga balat, ng kanilang kaselanan.
Dahil sa gigil at pagka-sabik, hinampas ni Kaleb ang kanang balakang ni Arah. Nag-iwan ito ng mapulang marka.
Napangiwi naman si Arah sa hapdi ngunit mas nangingibabaw ang pagnanasa sa tuwing maglalabas-pasok ang sandata ni Kaleb sa kanya.
Bigla itong huminto, pinaluhod siya at iniharap sa headboard. Pakiramdam ni Arah ay malapit na siyang labasan kung kaya naman napapahalinghing na siya sa sarap na nararamdaman ngunit ayaw niya naman na mabitin si Kaleb.
“Kaleb, go slow..”
Hindi nakinig si Kaleb at ipinagpatuloy ang pagbayo sa kaselanan ni Arah. Yumuko ito at dinilaan ang spinal cord ng babae paakyat sa batok nito. Napaarko naman ang likod ng dalaga at napakapit ng mariin sa headboard ng kama.
Hanggang sa pabilis ng pabilis ang pagbayo nito sa kanya ng walang humpay. Halos magkasunod silang narating ang sukdulan at napaungol ng malakas nang isagad niya ito. Hingal na hingal at pawis na pawis silang dalawa na bumagsak sa kama ngunit parehong nakangiti.
“Satisfied?” tanong ni Arah sa kanya ngunit iba ang naging sagot nito.
“Who is Andra?” seryoso nitong tanong.
“Kaleb, it is better kung ikaw mismo ang maghahanap sa kanya. Wala akong derektang komunikasyon sa kanya.” paliwanag ni Arah.
“Nakakatanggap lamang ako ng message sa aking boss at ihahatid nila ako kung nasaan ka. Hanggang dito lang ang role ko, ang paligayahin ka.” saad nito ngunit kahihimigan ng pagkadismaya sa tono ng boses nito.
Hindi iyon lingid kay Kaleb. Sa tagal na nilang s*x partner mula pa sa piitan, hindi nakakapagtaka kung mahulog ang loob sa kanya ng dalaga. Ngunit hindi pa handa si Kaleb sa isang relasyon. Maganda si Arah, maputi, sexy ngunit para kay Kaleb, hindi si Arah ang babaeng para sa kanya.
“Send me to your boss then.”
_____
Halos hindi magkarinigan sina Arah at Kaleb sa lakas ng sounds sa loob ng clubhouse at ang mga halkhak ng mga lasing ng kustomer.
Lumusot sila sa unang pinto at medyo tumahimik na ng kaunti.
“Sandali lang, abisuhan ko lang si Boss.” bilin ni Arah at pumasok na ito sa isang VIP room.
Maya-maya lamang ay bumalik ito at pinatuloy siya.
“Kumusta ka, Kaleb?”
“Father Rodney? Rodney Marquez?” pagkumpirma niya.
“Ano ka ba naman, ang alam ko nakulong ka lang pero wala kang amnesia, FATHER Kaleb.” nakakaloko na sagot nito sa kanya.
“B-Bakit nandito ka? Kelan ka pa nagbitiw sa simbahan?” tanong niya sa kaibigan na isang pari din noon.
“Nauna lang ako sa'yo ng isang taon. Nakilala ko kasi si Misis, may-ari nitong club.”paliwanag nito at humahalakhak.
Sandaling nag-isip si Kaleb, kung si Rodney ay boss ni Arah, siguradong kilala nito kung sino si Andra. Biglang sumeryoso ang mukha ni Kaleb at tumingin kay Arah. Naunawaan naman ito ng dalaga at iniwan silang dalawa ng dating kaibigan.
“Sino si Andra? Bakit kilala niya ako kilala at tinutulungan? Anong pakay niya sa akin?”sunud- sunod na tanong niya rito.
“Kalma lang Father Kaleb, isa-isa lang.” sagot ni Rodney at inabot ang lata ng malamig na beer.
“Cheers for our reunion." Sabi muli ni Rodney at linagok ang beer na hawak at nagsalita itong muli.
“Hindi ko rin personal na kilala si Andra. Napag-utusan lang ako at tumataggap ng bayad. Kung ano ang instruction galing kay Andra, iyon lang ang sinusunod ko.”
Nagtataka man kung bakit halos lahat ng napag tanungan niya ay kilala si Andra ngunit sa pangalan lamang at kahit kailan ay hindi nila nakita ang misteryosong boss. Hindi pa naman sila na agrabyado pagdating sa bayad ng serbisyo. Sobra sobra pa nga kung tutuusin ang binabayad nito kung jaya naman malinis at pulido din ang kanilang serbisyo.
“I-enjoy na lang natin ang gabing 'to Father Kaleb. Let's celebrate our reunion. Cheers?” masayang sabi nito at itinaas ang lata ng beer na animo nagsasagawa ng banal na seremonyas.
“Cheers.”
Walang nakuhang konkretong impormasyon si Kaleb sa boss ni Ara. Mag-iisang buwan na simula ng makalabas siya ng piitan.
Nais niyang sorpresahin ang ina at kapatid ngunit baka maging palpak ang kanyang plano. Nais niya munang alamin kung sino si Andra at ano ang pakay nito sa kanya bilang kabayaran ng kanyang paglaya.
Alam niyang lahat ng ito ay may kapalit. At handa siyang tanggapin at harapin ang consequences. Gusto lamang niya makapaghiganti sa kambal at sa ina na inabadona siya.
“Boss,” bungad ng kanyang bodyguard at ipinakita sa iPad ang isang video clip ng kanyang kambal at iniwan na siya nito.
Ito ay isang campaign ad sa darating na halalan.
Napangisi si Kaleb ngunit napalitan ng galit ang kanina'y maamong mukha. Naikuyom ang mga palad at pinukpok iyon sa gadyet.
Agad nabasag ang screen nito.
Magbabayad ka, Klaeb! Hindi ka magtatagumpay. Tandaan mo iyan!
Bulong niya sa isip. Puno ng poot at galit. Ngunit malungkot siya nang maalala ang maamong mukha ng ina. Parang piniga ang puso niya. Damang-dama ang kirot at hinagpis. Hindi pa rin siya makapaniwala na balak siyang ipapatay ng ina.
Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat. Muli na namang tumulo ang mga luha ni Kaleb at naisibsob ang mukha sa mesa.
Papa, bakit ako? Bakit kailangan kong maging mabuting anak?
______
Nagkalat sa street ang mga tarpaulin at posters ng mga kandidatong tatakbo sa halalan at isa na rito ang kambal niyang si Klaeb.
Kung hindi siya nag disguise, aakalain ng mga tao ay siya si Klaeb at tiyak dudumugin siya ng mga ito. Sa survey ay kita na ang magiging resulta. Tiyak na ang panalo ng kanyang kambal.
Tanaw niya sa di kalayuan ang kanyang kapatid sa stage. Kasalukuyan itong nagtatalumpati. Maya-maya lamang ay bumulong si Kaleb.
“Show time."
A niya ay nagtilian ang mga tao dahil nakita nilang may isang baliw na lalaki na binato ng itlog si Klaeb at nasapul ito sa mukha.
Nagkagulo ang mga tao, agad namang rumesponde ang security team ni Klaeb. Ngunit nang malaman nilang ito ay isang baliw ay nagsasalita ng mui si Klaeb sa mikropono at kunwaring balwala ang nangyari.
Ngingiti-ngiti si Kaleb sa sulok, kitang kita nya kung paano pinipigilan ng kanyang kambal ang postora. Kilala niya ito, maiksi ang pasensya, alam niyang sa mga oras na iyon, papatay ito kapag nalam kung sino ang nasa likod ng pamamato ng itlog.
Pabalik na ng hideout si Kaleb ngunit nag desisyon na dumaan sa kanilang mansyon. Gusto lang niyang makatiyak na okay ang ina.
Sa di kalayuan ay natanaw niya ang ina na sinalubong si Klaeb at yayakap sana ito ng mahigpit ngunit hinawi ni Klaeb ang mga kamay ng ina. Alalang alala sa sinapit ng anak dahil sa insidente kanina.
“Son, what happened? Are you alright?”
“Ayos lang ako,” nakasimangot na sagot ni Klaeb sa ina at iniwan itong mag-isa sa pinto.
Humabol ang kanyang ina papasok ng bahay.
Miss na miss na niya ang pamilya lalo na ang ina pero kapag naiisip niyang hindi siya naaalala ng mga ito, parang gusto na lang niyang patayin ang mga ito.
Kinuyom ni Kaleb ang kamay. Bumalik siya sa sasakyan at inilapat ang likod, pinipigilan ang luhang nagbabadya.
“Sa libingan ni Papa," utos niya sa driver.
“Pero Boss, makulimlim at mukhang uulan pa.”
“Diretso lang.” maikli niyang sagot.
Nang makarating sa memorial park, agad niyang natagpuan ang puntod ng ama ngunit nanindig ang kanyang balahibo ng mabasa ang sariling pangalan sa katabing lapida.
Nagtatangis ang kanyang puso na napaluhod sa sariling lapida kasabay ang pagpatak ng ulan at napatingala siya.
“Bakit Papaaaaa?!” sigaw niya sa langit at sinalubong ang pagbuhos ng ulan.
Niyakap ang sariling tuhod at baluktot ang katawan na humiga sa riling puntod si Kaleb habang yumuyugyog ang balikat at tahimik na umiiyak sa ilalim ng rumaragasang ulan.