Kanina pa kumukunot ang noo ni Saraya dahil sa mga sinasabi ng Ninong Dwight niya. Kakatapos lang nilang kumain ng umagahan at kanina niya pa napapansin na tingin nang tingin ang Ninong niya sa kanya. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya na hindi nito masabi dahil kaharap nila sa pagkain ang Mama niya. Ilang sandali pa bago napagtanto ni Saraya ang dahilan kung bakit tila nakikiramdam sa mga kilos niya ang Ninong Dwight niya. Siguro ay gusto siya nitong makausap tungkol sa sikreto nilang dalawa! Ang cellphone ng kaibigan niyang si Holy! Kaya nang magpaalam ang Mama niya na maliligo ay hinila kaagad niya ang Ninong niya sa labas ng bahay nila para makausap ito at masiguro na hindi sila maririnig ng Mama niya. Pero sa halip na ang tungkol sa cellphone ng kaibigan niyang si Holy ang