Hindi mapakali si Saraya at mabilis ang kilos na nagbihis sa kwarto matapos ang nangyari sa kanila ng Ninong Dwight niya sa banyo. Nagsisisi tuloy siya sa ginawa niyang panggugulat dito kaya pareho tuloy silang nabasa! Hindi tuloy maalis sa isip niya ang basang damit ng Ninong niya. Dahil sa kalokohang ginawa niya ay nabasa pa ang damit ng Ninong niya. Wala pa naman yata itong dala na pamalit kaya paano itong uuwi mamaya kung basang-basa ang damit nito? Sobrang nakukunsenya si Saraya dahil sa ginawa niya kaya binilisan niya ang pagbibihis para puntahan ulit ang Ninong niya at tulungan ito sa ginagawa nitong pag-aayos sa gripo nila. “Ninong, kailangan mo ba ng tulong–” Natigil sa pagsasalita si Saraya nang pagdating niya sa tapat ng pinto ng banyo ay nakita niya ang Ninong niya na nakayu