Titig na titig si Saraya sa screen ng cellphone ng kaibigan niyang si Holy. May kung anong ginawa ang Ninong Dwight niya doon at sa sobrang bilis ng mga daliri nito sa pagpindot ay hindi niya tuloy nasundan kung ano ang ginalaw nito doon. Nang tingnan niya ang mga pictures ni Holy at ng boyfriend nito ay hindi na niya mahanap! Kabadong-kabado tuloy siya dahil alam niya kung gaano karami ang naubos na oras ni Holy para lang pagandahin ang mga pictures nito. Pagkatapos ay mawawala lang? Tiyak na magagalit sa kanya si Holy kapag nalaman nitong nawala ang mga pictures na pinaganda nito! “Nasaan na ang mga ‘yon?” nagtatakang bulong niya habang pumipindot pa rin at patuloy sa paghahanap sa phone ng kaibigan. Pero hindi na talaga niya nakita ang mga pictures ni Holy pati na rin ang mga pelikula