Kanina pa pasilip-silip si Saraya sa labas ng bahay nila. Tapos na kasi ang pananghalian pero hindi pa rin dumarating ang mga kaibigan niyang sina Mary at Holy. Ang usapan nila ay sa bahay nila kakain ang mga ito ng tanghalian pagkatapos ay sabay-sabay na silang pupunta sa ilog. Pero natapos na silang kumain ng Ninong Dwight niya ay wala pa rin ang mga ito. Hindi tuloy napigilan ni Saraya ang mapa buntong hininga kahit na mukhang masaya naman ang pinapanood nila ng Ninong Dwight niya sa TV. At isa pa ang Ninong Dwight niya sa inaalala niya! Hindi naman pwede na abutan ito nina Mary at Holy sa bahay nila dahil paniguradong magtataka ang mga ito kung bakit ito naroon! At baka kapag nalaman ng mga ito na hindi niya ito boyfriend ay madismaya ang mga ito! Pero wala naman siyang kasalanan do