BULLY

1408 Words
CHAPTER 3              Bastos talaga! Dumaan siya at inapakan pa niya ang ilan sa mga gamit ko. Hindi man lang nag-sorry. Nakakainis! Gwapo nga, wala namang modo! Kung kailan late ako, saka naman ako binangga ng Xavier na ‘yan na kilalang bully pa rin sa aming mga kaklase. Akala ko nga dati, sa elementary lang may bully. Noong high school ako, may ilan lang akong na-encounter at akala ko kapag college na, matured na dapat lahat at hindi na mauuso pa yang pambu-bully na ‘yan. Nagkamali ako. May isa pa palang hindi nagma-mature. Kairita!              As expected, late ako. Pinaupo ako sa likod at pahirapan pa bago ibigay ng instructor namin ang test paper ko. Pumuwesto ako sa likod ni Xavier. Nakatingin sa akin nang dumaan ako. Nakangiti. Nakakainis. Ang gwapo talaga niya. Ang ganda ng may kalaliman niyang mga mata na binagayan ng makapal niyang kilay. Matangos ang ilong. Ang pula ng kanyang may kalusugang labi. Ang kinis at ang puti ng mukha. Matangkad. Athletic ang katawan. OPh God! Ilayo mo ang ako mga kagaya niyang Adan.              “Miss, laway mo oh?” malakas niyang sinabi.              Naglingunan ang mga kaklase ko sa akin at nagtawanan silang lahat. Ang babaw naman ng kaligyahan ng mga ito.              Sinimangutan ko siya. Buwisit talaga ang lalaking ito! Kung kailan patapos na ang klase saka ako ang pinag-tripan! Kung may magagawa lang ako para gantihan siya. Pero Xavier is Xavier. Bukod sa kilalang bully, crush din ng buong campus. Mayaman at matalino rin naman. Ilan na ba ang napasuko niyang kaklase namin? Yung nag-transfer na lang sa ibang school o ibang department maiwasan lang siya. Pero hindi ako. Hindi ako aatras sa kagaya niya. Alam ko kasing nasimulan na niya ako at magtuluy-tuloy na ito hangga’t hindi ako susuko. Pero neknek niya. Laking iskwater ito. Hindi niya ako kaya. Hindi ang kagaya lang niya ang susukuan ko.              Nag-focus muna ako sa pagsagot sa aking test paper. Hindi dapat bababa ang grades ko dahil paniguradong mawawala ang scholarship ko sa akin kung papaapekto ako. “Focus lang Kim? Huwag kang patatalo sa demonyong nasa harap mo,” bulong ko sa aking sarili.              Hanggang sa natapos din. Tumayo ako para ipasa ang papel ko. Nakita kong pasimpleng iniharang ni Xavier ang kanyang paa. Balak niya akong patidin. Gusto pa talaga niyang muli akong madapa.              Napangiti ako. Akala mo ah! Inapakan ko ang kanyang paa. Diniinan ko nang husto. “Ouch! The f**k is that! Are you blind!” singhal niya. Pati ang instructor naming bakla napatayo. “Sorry, nakaharang kasi yung paa mong may balak patirin ako!” antipatikang sagot ko. “Miss Ranse, is that a proper way to say sorry?” “Sorry Sir.” “Huwag sa akin, kay Mr. Villar ka mag-sorry.” Ano pa nga bang aasahan ko? Halata naman na crush na crush ni Sir si Xavier. “Sorry po,” sarkastika kong sinabi sa kanya. “Okey, nakaisa ka ngayon. Tignan natin kung makatatagal ka sa akin,” banta niya. Kinabahan ako. Pero hindi niya dapat iyon makita sa akin. Kapag pinadama ko na kayang-kaya niya ako, lalo niya akong kakainin ng buum-buo. “Don’t dare me. Hindi ako madaling mapasuko,” matapang na sagot ko sa banta niya sa akin. Sa susunod naming mga klase umiwas muna ako dahil ayaw kong tuluyang masira ang araw ko. Hindi ako lumapit sa kanya. Dapat aware ako sa paligid ko. Noon lang ako nakaramdam na hindi ako safe. Na may banta lagi ang buhay ko pero nandito na ‘to. Haharapin ko siya dahil wala naman akong ibang pamimilian pa. Nag-eexam pa siya nang natapos ako sa last period namin. Kailangan ko nang makaalis bago pa siya matapos. Ayaw kong magulo ang huling araw ko ng first semester. Siguro naman, next semester hindi ko na siya kaklase kasi hindi naman Education ang kurso niya. Nasama lang siya sa amin sa minor subjects namin. Sa wakas, makakaiwas na rin ako sa kanya. Mabuti na lang last day lang niya ako napag-tripan. Agad kong tinignan ang address ng papasukan kong trabaho. Magdadalawang sakay ako. Jeep muna at tricycle. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang address dahil sikat naman iyong exclusive village. Lahat mayayaman at kilala sa lipunan ang mga nakatira doon. Nang nagtanong ako sa guard, hinanapan pa ako ng ID. Tinawagan nila ang pupuntahan kong bahay. Nang ma-confirm saka lang ako pinapasok. “Diretso lang Miss, unang kanto kanan. Tumbok sa dulo.” Pagbibigay ni Kuya ng direksiyon. “Wala ho bang tricycle dito sir?” tanong ko. “Lahat sila diyan sa loob may mga sariling sasakyan, Miss. Hindi kailangan ang trysikel sa loob.” Mapanginsulto niyang sagot. “So, wala nga?” “May nakikita ka ba?”              “Kuya naman, wala o meron lang. Pag-aawayan pa ba natin? Magpapatalinuhan pa ba tayo sa simpleng meron o wala?” “Wala nga.” “E di malinaw.” Nairita akong naglakad papasok.              Naglakad na lang ako. Basa ang daan dahil umulan kanina. Mabuti nga at tumigil. Kung hindi, basam-basa na sana ako ngayon. Malayo pa pala yung lilikuan ko. Huminga ako nang malalim. Binusog ko ang aking mga mata sa mga magagara at malalaking mga bahay. Nangangarap na balang araw, sana magkaroon din kami nina Mama ng sarili naming bahay. Hindi man ganito kalaki basta amin at may malaki at malinis na CR. “Ayy bwiset!!!!” Biglang naramdaman ko ang pagsaboy sa akin ng tubig ulan. Basam-basa ako. Isang humaharurot na sasakyan ang dumaan. Nakakainis naman! Hindi nag-iingat! Huminto ang sasakyan.  Umatras. Mabuti naman at marunong mag-sorry kung sino man ang ‘yan. Bumaba ang tinted na salamin. Nanlaki ang mga mata ko. Nakakainis! Si Xavier! Siya na naman! “Sorry po!” sarkastiko niyang sinabi sa akin. Tumatawa pa ang gago. Saka niya itinaas ang bintana ng kanyang sasakyan. At nag-dirty finger pa ang hayop. “Ang yabang mo!” sigaw ko nang pinaharurot niya ang sasakyan niya palayo sa akin. Basam-basa ako. Abot-langit yung inis ko sa kanya at hindi ko alam kung paano ko siya babawian. Sa wakas narating ko rin ang address na binigay ni Mama sa akin. Pinindot ko ang buzzer. Nakailang pindot muna ako bago may nagbukas. “Isang unipormadong katulong ang sumilip.” “Ano ‘yon?” “Pwede hong makausap si Ma’am Jane po? Ako po si Kim. Hinihintay po nila ako ni Sir James.” “Ah, ikaw yung nag-a-apply na yaya?” “Ako nga ho.” “Naku, taman-tama. Nasa sala sina Sir at Ma’am at yung alaga mo, kadarating din lang. Pasok ka.” Pagpasok ko, nanlaki ang mga mata ko sa ganda ng bahay. May sarili pa itong pool. Mala-palasyo ang dating. Parang mga bahay ng mga mayayaman sa teleserye na pinapanood ko. Gano’n na gano’n. Pinapasok ako sa loob. Nakangiti ang mag-asawa na kaedad siguro ni Mama ngunit syempre dahil mayayaman, mukha silang mas bata. “Ikaw si Kim, tama?” salubong ni Ma’am Jane. “Opo.” “Naku, maganda ka nga talaga. Sana kaya mo ang trabahong ibibigay namin sa’yo.” “Salamat po. At ngayon pa lang po, sinasabi ko na sa inyo, kayang-kaya ko pong alagaan ang anak ninyo kasi tatlo ang inaalagaan kong makukulit na mga kapatid ko.” “Mabuti naman. Nakausap na namin ang Mama mo. Okey na tayo sa kasunduan? Above minimum ang sahod mo. May mga holiday ka, may off kang isang araw sa isang Linggo at yung sana pang-tuition mo ay idadagdag na lang namin sa sahod mo kasi academic scholar ka raw?” “Opo, Ma’am.” “Maganda na, matalino pa. Ang bait mong bata. Sandali ha, tawagin ko lang ang magiging amo mo,” pamamaalam ni Ma’am Jane. Tumayo na siya at umalis. “Ho? Akala ko ho, alaga? Akala ko ho kayo ang amo ko?” “Oo,” sagot ni Sir James. “Aalagaan mo naman talaga siya. Parang more on assistant at sa amin ka magre-report ng lahat ng ginagawa niya sa school o kahit dito sa bahay. Ang loyalty mo ay dapat sa amin, maliwanag ba?” “Sure po.” Nang lumabas si Ma’am Jane ay may sumunod sa kanya na naka-short at sando lang. May hawak ng plate na naglalaman ng nakagatan na niyang sandwich. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Siya man din ay nagulat. “Ikaw? Ikaw na naman!” halos sabay naming naibulalas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD