bc

THE BULLY’S SERVANT

book_age12+
382
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
inspirational
drama
bxg
humorous
lighthearted
campus
first love
school
sassy
like
intro-logo
Blurb

Yugto Writing Contest- All The Young- Arrange Marriage with my Classmate Entry

#yugtowritingcontest_alltheyoung_arrangemarriagewithmyclassmate

Palasak ang buhay ni Kim. Laking iskwater na matalino at nakakuha ng scholarship sa isang exclusive private university. Dahil siya ang bread winner, kailangan niyang kumita ng pera para mabuhay ang buong pamilya. Kumatok ang isang magandang pagkakataon, ang maging yaya. Hindi sa isang bata kundi sa kaedad at kaklase niyang kilalang bully. Magtatagisan ang dalawa kung sino ang susuko hanggang dulo. Ngunit hindi ang kagaya ni Kim ang basta-basta sumusuko. Kailangan niyang ipaglaban ang kanyang trabaho hanggang sa pati na rin ang kanyang pagmamahal sa mismo niyang amo.

chap-preview
Free preview
BREADWINNER
THE BULLY’S SERVANT By: Joemar Ancheta   Chapter 1   Habang mabilis kong hinuhugasan ang pinagkainan namin ay napansin ko ang litrato ni Papa na nakasabit sa tabi ng lagayan ng aming mga pinggan at baso. Saglit akong nakadama ng lungkot at pangungulila sa pagkawala niya. Hindi ko tuloy mapigilang maluha uli dahil ramdam ko na yung hirap at pagod ng wala siya. Yung hindi ko na kayang dalhin pa yung pasan-pasan kong responsibilidad sa edad kong labing-anim. Limang taon na ang nakararaan mula nang namatay si Papa sa aksidente sa pinagta-trabahuan niyang construction firm at lalong humirap ang aming buhay. Kung noong sabay na nagtatrabaho sina Mama at Papa, hirap na kaming makaraos, ngayon pa kayang ako na lang ang kumakayod para sa aming lima? Nang natigil si Mama sa pagtatrabaho dahil nalaman naming may sakit si Mama ay parang hindi ko na alam kung para saana ng salitang pahinga at tigil. Parang wala na akong karapatang humingi at tumigil sa paghahanap-buhay. Ako na lang kasi ang inaasahan. Hindi ko na alam kung paano kom pagkakasyahin ang aking kinikita sa kung anu-anong sideline na pinapasukan ko. Nakapagod din pala. Nakakapanghina na. Napabuntong-hininga ako. Naalala ko na naman kasi ang pangako ko sa pumanaw kong Papa na magiging Civil Engineer ako noong nabubuhay pa siya. Iyon din kasi ang pangarap ni Papa na hindi niya nakamit dahil nabuntis niya agad si Mama. Dahil doon, itinakwil sila ng kani-kanilang mga magulang na tiga probinsiya at lumuwas sila sa Makati para makipagsapalaran at kami ngayon na anak nila ang nagdudusa. Hindi pa kami umuuwi sa probinsiya nila kahit minsan.              “Huwag kang mag-alala Pa, magtatapos ako ng pag-aaral. Hindi man ako ang magiging Engineer sa pamilya natin dahil hindi talaga kaya ng pera natin, pero maging teacher ako ng mga lahatng mga Engineer na ‘yan. Saka hindi ka mabibigo isa sa mga kapatid ko. Sila po ang tutupad sa pangarap mong iyon sa amin.”              “Mama, si Ate oh? Kinakausap na naman niya ang picture ni Papa.” “Hehhh! Maligo ka na nga doon?” Singhal ko sa kapatid kong sumunod sa akin. Grade eight pa lang siya kaya marami pang bubunuin para makatapos.              "Kung titigil ka na lang kaya sa pag-aaral, Kim anak?" Iyon ang pauli-ulit na sinasabi ni Mama sa akin tuwing umaga. "Ikaw ang panganay kaya ikaw ang inaasahan kong makakatulong sa akin. Kung hindi lang ako dinapuan ng sakit, kaya kitang igapang sa pag-aaral mo ngunit sa kalagayan ko ngayon, mukhang hanggang pangarap na lang ang lahat. May inaalok kasi ang amo kong trabaho. Malaki ang sahod. Baka gusto mong ikaw muna?"              Bumunot ako ng malalim na hininga bilang pagpapakita ng pagtutol. Hindi ko sinasagot si Mama sa palagi niyang pagsasabi no’n pero sa umagang ito, wala ako sa mood palagpasin lahat. Gusto ko ngang sabihin na kung wala ang allowance ko sa scholarship ko, paniguradong dilat na ang mga mata namin sa gutom tapos gusto niyang huminto ako sa pag-aaral ko? Naku! Hindi ko lang talaga kasi siya kayang sagutin ng pabalang.              “Hindi ka ba nahihirapan? May alok nga na trabaho yung dati kong pinapasukan. Ano? Sabihin kong ikaw na lang ang kukunin nila? Mabait na pamilya iyon, anak.” Hindi pa rin ako sumagot. Pinunasan ko ang kamay ko nang nailigpit ko na ang mga hugasin ko. Kinuha ko ang mga gamot ni Mama sa tabi ng aking mga notebook. Iniabot ko ang dalawang pirasong tableta sa kanya. Pagkaabot, mabilis iyong itinungga ni Mama saka ko naman inabot ang hawak kong baso ng tubig. Pagkainom ni Mama sa gamot ay hinarap ko naman ang dalawa kong kapatid para tulungan silang magpalit ng kanilang school uniform. Apat kaming magkakapatid. Grade 8 sa Junior High School ang sumunod sa aking lalaki at nasa Elementarya pa ang dalawa kong kapatid na babae. Grade 1 pa lang ang bunso namin. Isa kami sa mga nakatira sa mga iskwater ng Makati na pinapa-demolish na pero matigas lang talaga ang ulo naming. Wala naman kasi kaming ibang mapuntahan. Kahit umaalingasaw ang puno sa basura at maitim nang tubig ay tinitiis namin. Nasanay na nga rin kami sa masangsang na amoy n'on.              Isa sa pangarap ko talaga ay ang magkaroon ng magarang bahay para hindi na kami magsisiksikan pa sa isang barong-barong. Yung tulugan namin ay siya na rin naming kainan. Gawa lang sa pinagtagpi-tagping yero at plywood ang aming bumibigay na sa kalumaang barungbarong. Wala kaming masasabing palikuran. Madalas sa mga plastic lang kami nagdudumi at itinatapon sa kung saan-saan at iyon para sa akin ang pinakamahirap na bahagi ng aming pagiging mahirap. Yung dumi na nga lang naming ay problema pa paano na lang ang pagkain namin araw-araw? Sa school na lang kami dumudumi para hindi na dagdag problema pa kaysa magtatapon lang kami sa ilog na bumabalik din sa amin kapag nagbabaha.  Isa ito sa dahilan kung bakit gusto kong makatapos talaga sa pag-aaral. Gusto kong maialis ang pamilya ko sa mabaho, marumi at magulong lugar na ito. Bilang panganay, ako ang inaasahan talaga ng aking mga kapatid at ni Mama. Kung hihinto ako ngayon sa aking pag-aaral, anong matinong trabaho kaya na may mataas na sahod ang papasukan ng kagaya kong undergraduate at underage pa? Nasa first semester pa lang ako pero hindi na kinakaya pa. Kumuha na ako ng Education kasi alam ko naming hindi ko kakayanin ang gastos sa Engineering dahil gamit pa lang drawing subject ko wala na akong pagkukuna pa. Pero mukhang mangyayari nga talaga ang aking kinatatakutan walang matrarating. Lalo lang kasi kaming iginugupo ng kahirapan kung hinid pa ako susuko kagaya ng paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Mama. Paano na kaya ito kung titigil na talaga ako? Pangarap ko lang kasi ang tangi kong kinakapitan ngayon para lumakas ang loob ko. Pinaghirapan ko ang scholarship ko sa isang respetado at kilalang-kilala na Unibersidad ng mga mamatalino at mayayaman. Kung sarili ko lang ang iisipin ko, kakayanin ko naman talagang itaguyod ang sarili ko habang nag-aaral ngunit dahil may mga kapatid at Mama akong may sakit na umaasa sa akin kaya  sobra akong nahihirapan ngayon. Sa gitna ng hirap na aking pinagdadaanan ngayon, wala akong balak bumitaw para sa aking pamilya. Sa pag-aaral ko, bumibigay na. Baka tuluyan ko na munang bibitiwan pagkatapos ng first semester. Iginagapang ko na lang kasi at huling araw na rin naman namin ngayon araw na ito.              Sumubok naman akong pumasok bilang Call Center Agent ngunit full time ang karamihang hinahanap nila at dapat 18 years old pataas. May ilan pwede ang 16 years old pero hindi ko kasi kayang pagsabayin ang full time na maging istudiyante at full time ding maging Call Center Agent noon. Pero ngayon, mukhang seseryosohin ko na ito dahil wala na talaga akong pag-asa pa na kayaning pagsabayin ang aking pag-aaral at pagta-trabaho. Yung trabaho ko sa fastfood bukod sa sobrang pagod ako, maliit pa talaga ang kita. Pakakawalan ko na rin iyon. Pero umaasa pa rin ako na sana, may mahahanap pa rin akong trabaho na pwede akong magpatuloy sa aking pag-aaral. "Ate, baon ko ho saka yung sa contribution ko sa mga kaklase ko para sa project namin." typical na iyon na naririnig ko sa umaga na sinasabi ng mga kapatid ko. Bukod kasi sa sahod ko, may inaasahan din akong allowance sa pagiging scholar ko na siyan ginagamit para maka-survive kami ngunit ngayon, paubos na rin iyon kaya kailangan ko na talaga ng bagong pagkakakitaan. "Baon mo lang ang maibibigay ko ngayon, yung para sa project mo, saka na kasi wala na ako pamasahe papasok oh. Di bale, titigil na rin naman si Ate sa pag-aaral para makapag-focus na ako sa pagta-trabaho.” “Hay salamat naman anak at nakinig ka rin sa akin,” narinig kong sagot ni Mama sa akin ngunit hindi ko na lang pinansin. Ramdam kaya niya na nasasaktan ako sa desisyon kong iyon? Iyon ang pinakahuli kong gusting gawin. Ang tumigil sa aking pag-aaral pero parang sa kanya, okey lang, na tama ang desisyon kong iyon.              “Paano iyon, Ate? Ako na lang hindi nakapapagbibigay.”              Bumuntong-hininga ako. “Makiusap ka muna. Kung may mauutangan ka sa mga kaklase mo, umutang ka na muna at kapag nagkatrabaho ako, saka mo na bayaran." Nakangiti kong sinabi sa mga kapatid ko habang isa-isa ko silang binibigyan ng pera. Awang-awa ako sa mga kapatid ko na suot ang mga luma nilang uniporme at sapatos ngunit saan ba naman ako kukuha ng pambili ng pamalit? Ako nga na may allowance at nagta-trabaho walang maibili ng sarili kong gamit at sumusuko na nga rin ang sapatos kong gusto nang masuka sa araw-araw kong pagpahid ng pandikit.              Pagkaalis ng mga kapatid ko ay ako naman ang kailangang magmadaling pumasok. Finals na kasi naming ngayon at habang naliligo ako at sinasabon ko ang aking mukha at katawan ay napapaisip rin naman ako kung bakit di ko gamitin ang aking katawan at kagandahan para magkapera at makapag-aral.  Marami sa mga kapitbahay naming ang ganoon ang trabaho at may ilang beses ko na ring binalak lalo na nang kasgsagan ng panahong wala kaming makain. Yung umiiyak ang mga kapatid ko sa akin dahil gutum na gutom na sila. Tumambay na nga ako ng ilang beses sa Mall ngunit kung kailan nandiyan na ay bigla akong nandidiri sa aking sarili. Bigla akong natatakot. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko masikmura. Hindi ako ganoong klaseng babae. Mabilis kong pinunasan ang aking sarili. Hindi kahit kailan magiging bayaran. Susubukan ko pa ring maghanap ng trabaho na pwede akong mag-aral pero kung wala talaga, focus na lang ako sa pagta-trabaho para sa pamilya ko.              Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, kung kailan pasuko na ako, saka naman kumatok ang magandang pagkakataon. Maganda nga ba talagang pagkakakataon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
98.0K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.8K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook