Ashley POV
Super saya ko dahil magka-group kami ni Liam. Hindi ko nga akalain na siya ang mapipili ni Sir. Sa bawat grupo dalawa lang ang tinoka ng Professor namin. Kung masaya ako itong ka group kong si Liam parang binagsakan ng langit at lupa sa hitsura niya. He's not happy.
Ano ba ang aasahan mo sa lalaking malamig pa sa yelo? Eh, di wala? Ihalo ko na lang kaya siya sa halo-halo. Biro ko sa saraili.
Sa library ang napag-usapan naming meeting place. Nauna na ako dahil may isa pang subject si Liam. Ako nama'y vacant time ko. I waited here almost one hour. Habang hinihintay si Liam pinagkaabalahan kong gumuhit ng larawan. One of my favorite hobby is sketching.
Napasulyap ako sa katabing lamesa. Kung saan may mga babaeng nag-uusap. Parang wala naman silang ginagawa kung hindi magmake-up. Hindi ba library ang tawag dito? Ang ginagawa dito magbasa ng libro hindi magmake up. Bakit parang naging powder room na itong library? Napailing si Ashley sa naisip.
Kumunot ang noo ko ng magkagulo ang mga babae. Tila ba may dumating na mga artista. Napasunod ang tingin ko sa tinitingnan nila. Pumasok ang mga hunks ng campus.
Liam and the gang.
"Hi Liam." bati ng isang babaeng parang nilagyan ng harina ang mukha dahil sa puti. Hindi naman kaputian ang babae. Nilagpasan lamang ni Liam ang babaeng bumati. Ni hindi niya nga sinulyapan. Mukhang napahiya ang babae dahil todo ang pagpapa cute niya sa kanya. Hay, napaka suplado talaga. Kahit man lang pabalat bunga, bumati man lang. Parang napahiya pa ang babae sa ginawa niya.
Pasalampak na naupo sa tabi ko si Liam. Nasamyo ko ang pabango niya. Gusto ko sanang mapapikit baka obvious naman ako. Kahit na hindi na maganda ang pakitungo ni Liam sa mga babae mukhang hindi naman tinalaban ang mga ito. Nakatitig pa din sila kay mokong.
Nawala ako sa iniisip ng magsalita si Liam.
"Hey." Tipid na bati nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Pero balewala sa kanya iyon wala man lang ngiti na tugon sa kanya. Asa ka pa Ashley. Magugunawa na ang mundo hindi mo mapapangiti ang isang Liam. Sumpa yata sa kanya ang ngiti. Biro ng kabilang isip ko.
"Hi, Ash pasali kami sa usapan niyo about sa project". Sabi ni Jakos Deloso. Napataas ang kilay ko. Palangiti ang lalaking ito. Gusto ko ang aura ng mukha niya. Friendly kasi siya. Pogi din, macho at matangkad. Siya lang sa lima ang bumabati sa akin. Hindi kagaya ng apat na ito. Ipinanganak yata sila sa sama ng loob.
Ang tatlo binigyan lang ako ng what a look,parang mga ewan. Walang hi or hello man lang. Or kaya naman good morning beautiful. Hindi ba uso sa kanila ang bumati?
Binigyan ko lang sila ng taas kilay ko and inirapan ko sila. Nakakainis kasi ka-group ko ba sila nandito ang mga ugok na ito. Mga asungot.
"So let's get start na para pag-usapan ang project NATIN Liam." mariin kong pagkakasabi sa namin. Para ipaalam sa kasama niyang hindi sila kasali sa aming dalawa ni Liam.
"Teka kayong apat nasaan ang mga ka-group niyo? At bakit nandito kayo at nakikisali sa amin ni Liam?" tanong ko sa kanila. Tumingin ako kay Liam napasandal ito sa upuan. Tamad na tamad ang hitsura niya.
"Ah .. Eh....hehehehe.. Wala lang for support lang kaya kami narito. Puwede ba?" sabi ni Jakos at kumindat pa sa akin na ikinapula ng mukha ko. Para kanino ang kindat sa mga babaeng nasa bandang likod ko ba? Huh?For support? Bakit problema ba pag-uusapan namin dito?
"For support? " I hissed. Baliw yata itong lalaking ito. Hindi ko na lamang pinansin baka magaya ako sa kanila. Hinarap ko si Liam na tamad na tamad. Pinapaikot niya ang ballpen sa ibabaw ng lamesa. Kailangan na namin pag-usapan ang gagawin naming project. Next week na kasi ang deadline ng Professor.
Napag-usapan namin ni Liam na sa may Resort nila kumuha ng mga pictures ng mga magagandang tanawin. Weekend kami pupunta doon. Susunduin na lang niya ako sa bahay. Sa Batangas pa kasi ang pupuntahan namin. Saturday ng madaling araw ang alis namin dito sa Manila. Doon na daw kami matutulog ng Saturday. Sunday ng gabi na kami babalik ng Manila. Sinabi naman niya na may mga katulong sila doon kaya huwag daw ako mag-alala.
Ako lang ang palaging nagsasalita samantalang si Liam ang tipid ng salita niya. Para bang may bayad ang bawat bigkas niya ng word. Napansin kong wala na ang mga babaeng nasa may harapan namin ni Liam.
Nasaan na ang mga alipores nitong si Liam?
Aba nawala.
Paglingon ko nakita kong may kanya-kanyang ng mga katabing babae. Ano ba ito library o bar bakit mga nakakandong na itong babae sa may kandungan ng mga lalaking ito? Oh, nasaan na rin ang nakabantay dito na librarian? Aba dapat siya ang sumaway sa mga tao dito na pasaway.
Literal na lumaki ang mata ko sa nakita ko. Hayon ang student assistant nakakandong kay Jakos. Nagmemakeout na silang dalawa. Susmaryosep mahabaging langit. Napaantanda ako. Anong nangyayari sa mundong ito?
Napasulyap ako kay Liam. Nakatingin pala siya sa akin. Bigla ako na conscious sa pagtitig niya sa akin. I feel like I'm naked in front of him. Gosh, I felt my face redden like a tomato na. My gosh. Napansin yata ni Liam ang reaction ng mukha ko sa pagkakatingin nya sa akin.
"Huwag kang feeling na gusto kita. In your dreams you're not my type. Tsk. " sabi nito sa akin. Tumayo na siya at iniwanan ako. Nasundan ko na lamang ng tingin ang papalayong si Liam habang palabas ng Library. Sumunod na ang mga kaibigan ni Liam. Iniwanan nila ang mga babae.
It hurt so much. Parang hiniwa ng kutsilyo ang puso ko. Tinadtad pa ng pinong-pino tapos nilagyan pa ng asin. Kaya ang hapdi at ang sakit.
Martyr na kung martyr pero gagawin ko pa din ang lahat para mapansin mo ako Liam. Itaga mo yan sa bato. But I never give up on him.
Fight, fight lang. Walang sukuan makukuha ko rin siya balang-araw.