(Ashley POV)
Maaga akong gumising. alas dos palang gumising na ako dahil alas tres ng madaling araw susunduin ako ni Liam dito sa Bahay. Buti nga may sasakyan ang lalaking iyon kaya hindi mahirap ang magbiyahe papuntang Batangas. Eh, kung mag-commute pa kami baka abutin ng tanghalian or worse baka hapon na dahil sa traffic.
Saktong alas-tres sinundo na ako ni Liam. Kahit naman tamad sa pag-aaral si Liam pero pagdating sa oras hindi siya nale -late.
Ang pagsama ko nga kay Liam mahaba-habang pakiusapan kay Tatay. Ayaw niya kasi akong sumama sa kanya dahil lalaki raw si Liam baka daw may masamang gawin sa akin. Sa isip ko baka ako may masamang gawin sa kanya. Nuknukan ng suplado ang lalalking iyon. Paanong may gagawin siyang hindi maganda?
Sinabi ko naman na tungkol sa project namin ang gagawin wala naming iba. Si tatay talag kung ano-ano ang iniisip. Hindi naman ako ang tipo ng babae na basta na lang bibigay. Kahit na ba crush ko si Liam may respeto pa naman ako sa sarili ko.
Ang ganda ng kotse ni Liam. Napanganga nga ako ng mkita ko. Pang yayamin ang sasakyan niya. Grabe.
"Bakit ang tagal mo?" may bahid na inis at pagak inip na turan ni Liam ng pumasok ako sa sakyan niya.
Napatirik ako ng mata. Matagal ba ang 10 minutes? Siyempre nagpaalam ako kay Tatay. Ginising ko pa nga siya. Ayoko sanang gisingin pa siya kaso nagbilin kagabi na gisingin siya kapag paalis na ako.
"Matagal ba ang 10 minutes sa iyo?" sabi ko habang kinakabit ko ang seatbelt. Napanguso ako. Sungit talaga umagang-umaga ganito na ang mukha niya. Nakasimangot. Ang pogi pa naman niya. Hindi na umimik si Liam. Wala kaming imikan sa biyahe ni Liam kaya sigurado mapapanisan ako ng laway nit.
Napapasulyap ako ng tingin sa kanya. Ang pogi niya sa suot na aviator. Nakasuot siya ng white t-shirt medyo hapit sa machong katawan. May tatak na Nirvana black printed ang shirt at faded jeans na may punit sa may bandang tuhod ang suot niyang pantalon. Ang sapatos niyang suot ay converse na kulay red. Rocker na rocker ang dating.
Ako naman ay naka suot ng black short at purple t-shirt. Tapos naka vans shoes lang ako na color white. Hindi ko maiwasang sulyapan siya. Napapatitig talaga ako sa kanya ang guwapo niya kasi. Bigla itong nagsalita.
"You know what staring is rude."anito. Grabe naman rude na ang pagtitig sa kanya? Ano siya royal family na hindi puwedeng basta na lang lapitan or tingnan kasi bawal? Ang arte talaga ng lalaking ito. Kaysa mainis sa ugali niya binlaing ko na lamang sa labas ang atensyon ko.
"Sorry." Sabi ko habang sa labas ang tingin. Kahit labag sa kaloob-looban ng bituka ko ang ginawa kong paumanhin.
Kaasar.
Gusto ko lang naman siya tingnan masama ba iyon? Oo nga pala masama para sa kanya 'yon. Napaka niya talaga. Nang makalagpas kami ng Cavite nagliliwanag na. Kaya mas lalong nakikit ko na ang paligid na nadadaanan namin. Dahil sa antok hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nasilaw pa ako sa liwanag na tumama sa mata ko. Nang luminaw ang mata ko nabungaran ko ang poging mukha ni Liam. Hi brows furrowed and usual face he always had. Frowning.
Ngunit namangha ako sa kanyang asul na mga mata. Isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya. Kakaiba nama kasi ang kulay. Half American at half Filipino kasi si Liam. Siguro kapag siya ang nakatuluyan ko malamang may anak kaming may asul na mata.
Napangiti ako.
"Why are you smiling?" tanong niya. Bumaba ako at sinagot ang tanong niya.
"Wala masaya lang." wika ko. Tumingin ako sa paligid.
"WOW." Iyon lang nasambit ko ng makita ang lugar ng bumaba ako sa sasakyan. Nakita ko ang asul na dagat sa may di kalayuan. Ang ganda ng resort sa labas pa lang to ah? May mga puno nakahilera sa gilid ng resort. May arch ang pintuan sa resort. Heaven's Resort ang nakalagay. Gawa sa kahoy.
"You're insane." napairap ako sa sinabi niyang insane. Napangiti lang insane na kaagad? Grabe siya sa akin.
Pumasok na kaming dalawa. Nakasunod lang ako sa kanya. Abala ang mata ko sa pagtingin sa paligid na nadadaanan namin. Sinusundan ko lang si Liam baka naman maligaw ako.
May nadaanan kaming mahabang patio. Doon lumiko si Liam kaya sinundan ko siya. May Nakita akogn mga kubol na nakahilera. Sa may di kalayuan naroon ang isang malaking Bahay. Napaka ganda ng paligid dahil nappaligiran ng mga halaman at puno. Mahangin at malamig ang klima ditto. Napapikit ako para samyuin ang hangin tumatama sa mukha ko. Fresh na fresh ang hangin.
"Ano na naman ang ginagawa mo?" nagmulat ako ng mata. Napangiwi ako dahil sa inis. Lagi na lang niyang pinapansin mga ginagawa ko. Hindi ko na lang siya sinagot. Baka pumangit pa ang mood ko sa kanya.
Naglakd muli si Liam. Ako nama'y panay hawak ko sa mga bulaklak na nadaraanan ko. Ang ganda ng pagkakatubo nila. Pantay-pantay. Ang galling!
Ano kayang mga halaman ito? Mukhang hindi ko kilala ang mga klase ng bulaklak. Natanawan ko na ang malaking bahay. May second floor. Mukhang lumang bahay iyon. Ang papasukan namin ay may arko na may halaman sa gilid. Ang ganda para akong nasa fairy land.
Napahinto si Liam kaya huminto rin ako sa paglalakad. May sumalubong sa aming matandang babae. Siguro nasa 50's na ang edad niya.
"Iho, buti naman nakadalaw ka rito." sabi ni Manang. Niyakap ni Liam ang matanda. Sana ako rin may yakap rin mula kay Liam.
Naku asa ka pa Ashley.
Napansin yata ako ni Manang. Sinulyapan niya ako at tumingin kay Liam na parang nagtatanong.
"Iho sabihin mo nga sa akin nagtanan ba kayo ng girlfriend mo? Alam ba ng Mommy mo ito?" tanong niya kay Liam. Kumunot ang noo ni Liam sa sinabi ni Manang. Nanlaki ang mata ko.
Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Napagkamalan pa kaming nagtanan. Ang bata pa namin para magtanan. Tsaka ako itatanan ni Liam? Ang layo naman yata iyon. Napakamot ako sa ulo ko.
"No, Manang Selya. She's just only a friend and she's my classmate. We are only here because we do something about our project nothing more" pagpapaliwanag nito. Nginitian niya si Manang. Tapos tiningnan niya ko na huwag kang feelingera look. Napangiti na lang rin ako.
Nothing more daw.
It means wala talaga akong pag-asa sa kanya. Nalungkot ako sa isipang iyon.