Episode 1

1178 Words
Ashley POV "My gosh napaka pogi niya!" sabi ko habang niyu-yugyog ko ang classmate kong si Demie. Everytime na nakikita ko siya hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang tinitingnan ko siya mula rito sa malayo. Nandito kami sa canteen kumakain ng lunch. Hindi magkamayaw ang mga estudyante na kumakain ng tanghalian dito sa campus. Binatukan ako ng classmate ko. Napalakas yata kasi pagyugyog ko sa kanya. Kinikilig kasi ako hindi ko mapigilan. "Aray naman grabe ka naman makabatok!" reklamo ko sa kanya. Hiinimas ko ang batok ko. "My god Ashley grabe ka naman makatili parang may megaphone lang! Nabingi ako! Tsaka grabe ka rin makayugyog akala mo hindi ako tao. Buti na lang maingay dito hindi ka napansin". Inirapan ako nito. Siya si Demi Maktol isa sa mga close friend ko dito sa University. Pareho kaming course na kinuha Business Management. "My gosh bakit ba gustong-gusto mo ang lalaking iyan? Bukod sa suplado super sungit pa. Marami pang mga flings. Oh, may S sa dulo it means marami. Naku kung ako sa iyo tigil- tigilan mo na ang kahibangan mo sa lalaking suplado. Wala kang mapapala diyan,.no?" ano naman problema nito? Bakit siya ba may gusto ako naman 'di ba? Sarap lang kutusan ito. "Matanong ko nga? Sino ba sa atin ang may crush sa kanya? tiningnan ko siya ng masama. "Ikaw!"sagot niya sa akin habang ngumunguya. " Oh, kita mo? Ano bang problema doon? Ako naman ang may gusto hindi naman ikaw, ah?" sabay lagok ko ng coke. " Ashley concern lang naman po ako sa iyo. Ayokong makita kang umiiyak at nasasaktan dahil sa lalaking iyon" sabi nito. " Nakakatawa ka Demi, ang OA mo. Crush ko pa lang naman ang tao hindi ko pa boyfriend. Paano ako masasaktan? Kaagad?" napapailing na lang ako sa kaibigang kong ito. Advance kaagad ang isip. Wala pa naman sa first step kung ano-ano ang sinasabing negative. Pakainin ko kaya ng ampalaya 'to bitter, eh. "Hay naku bahala ka na nga. Hindi naman ako mananalo sa iyo. Matigas kasi ang bungo mo. Basta huwag kang iiyak sa akin kapag nasaktan ka. Alam mo hindi ka se-seryosohin ng lalaking iyan. Tingnan mo nga sobrang manhid at suplado." wika nito. Alam ko naman kung ano ang consequences ng pagtingin ko kay Liam. Tatanggapin ko kung masaktan ako. Ganoon talaga nagmamahal, eh. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. " Pero beshy salamat sa concern. Hindi ko naman hahayaan na umabot sa ganoon. Tsaka sa love part talaga ang masaktan." sabi ko. Nagkibit balikat lang ang kaibigan ko. Sinulyapan ko sa may di kalayuan kinauupuan nila Liam Colt ang crush ko. Kasama ng mga hearthrob na mga kabarkada niya. Bale lima silang magkakaibigan. Lahat sila pogi. Puro anak mayayaman ang mga ito. Bukod pa sa varsity player sila sa basketball at napaka famous pa nila dito sa campus. Sa tangkad ba naman nila height na 6'2" . Talagang makikita mo kaagad. Head turner talaga sila. "I'm done na punta muna tayo sa CR. " tumayo ito. "Oh, ikaw tapos ka na ba kumain?" sabi ng friend ko bigla niyang pinitik ang noo ko. "Aray naman nakakailan ka na, huh! Kanina batok ngayon pitik. Masakit kaya 'yan!" reklamo ko sa kanya. "Tingnan mo itong babaeng ito. Akala ko ba gutom ka? Hindi mo pa nakalahati ang pagkain mo. Eh, kasi tulala ka na diyan, oh. Tapos tumutulo na laway mo sus, Ash gising!" natatawang sabi nya. Nanermon pa itong gagang kaibigan ko. Nag-iimagine pa ako eh. Istorbo. Kinapa ko naman ang gilid ng labi ko . Hala may nakapa akong basa. Tulo laway nga ako. Napahiya ako doon ah? Sinamaan ko ng tingin ang friend ko. Para di naman ako mapahiya. My gosh madadaanan namin ang grupo nila Liam. Parang sinisilihan ang puwet ko sa sobrang kaba. Masisilayan ko ang kaguwapuhan niya ng malapitan. Malapit kasi sila sa pinto ng labasan sa canteen. Tinapunan ko siya ng tingin. Pero hindi man lang lumingon. Parang wala lang siyang nakita. Suplado talaga kainis. Pero kahit na ganoon masaya ako nasilayan ko siya kahit sa ganitong paraan lang. MAYROON akong masugid na manliligaw siya si Delfin Dela Vega. Binasted ko na ito pero patuloy pa din siya nanlikigaw sa akin. Malakas ang fighting spirit nito. Mabait naman ito at napakagentleman. Masaya din kausap. Pero kaibigan lang ang turing ko dito. "Thank you sa flower Delfin. Sana hindi ka na nag abala. Ayoko sana maging rude sinabi ko naman syo na hanggang friends lang talaga nararamdaman ko syo. Hope you understand" sabi ko. Napabuntong hininga ako. Kung natuturuan lang ang puso ginawa ko na. Pero hindi kusang nararamdaman ang pagmamahal. Hindi mo puwede diktahan. "Wala na ba talaga akong pag asa Ash? Mahal kita at totoo ang nararamdaman ko" pakiusap na sabi sa akin. May lungkot sa mata nito habang sinasabi iyon. Naaawa naman ako sa hitsura nya. Malamlam ang mata na nakatingin sa akin. Kaya nga tuwing nag uusap kami as much as possible hindi ko siya masyadong tinitingnan sa mata. Naaawa kasi ako sa kanya. Parang gusto ko ng sagutin kahit awa na lang. Pero magiging unfair naman kasi ako sa kanya. Ayokong lokohin ang sarili ko. Araw araw niya akong hinahatid tapos binibigyan pa ako ng flowers at chocolate. Alam nya kasi favorite ko iyon. Sa totoo lang guwapo naman siya. Madami din naman nagkakacrush sa kanya. Matalino,matangkad at higit sa lahat mabait. Kung natuturuan lang ang puso ginawa ko na. Pero sadyang iisang tao lang ang tinitibok ng puso ko. At iyon ay si Liam Colt. Nasa tapat na kami ng room namin. May klase pa kasi ako. Nagpaalam na siya kasi sa ibang department kasi ang room nya. " Sige Ashley mauna na ako." ngumiti ito sa akin. Engineering kasi ang course nya. Mas ahead sya sa akin. Graduating na din kagaya namin this sem. "Hoy dito!! "tawag sa akin ng friend kong si Demi. Pinapaupo niya ko sa tabi nya. Nakapuwesto siya sa bandang dulo malapit sa bintana. Favorite spot niya doon para makatulog siya. Antokin kasi si Demi kaya laging napapagalitang ng professor namin. Pasaway talaga. Napatingin ako sa mga classmate kong mga babae. Nagkagulo sila na parang may darating. Nagsipagretouch na sila. Oh ayan may foundation day. Magpapansin kasi sila sa grupo nila Liam.. Duh, as if naman papansinin sila. I rolled my eyes. Pumasok na ang mga hearthrobe ng campus. Classmate ko kasi sila sa subject namin Humanities. Kahit hindi halata sa akin ang kinikilig sa loob ko nagtatalon ako. Parang siki ang tumbonh ko. Hindi ako mapakali sa upuan ko.nUmupo ito sa may tabi ko. Naamoy ko ang pabango nito. Ano kaya pabango niya? Pasimple ko siyang sinulyapan. Naakit ako sa matangos niyang ilong, mapupulang labi. Naiimagine kong humahalik ang labi na iyon sa labi ko. Ang sarap siguro ng labi niya. Napakaganda din ang kulay ng mata niya. Kulay asul parang kakulay ng dagat. Ang puso ko ang lakas ng kabog nabibingi yata ako sa sobrang kalabog. Bigla kasi itong tumingin sa akin. OH MY GOD.Copyright © 2021 by coalchamber13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD