Chapter 1.5

882 Words
Naiwang nakatulala habang nakaawang ang bibig ni Avaluan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. She scoffed. “Gaano ba kahirap banggitin ang pangalan niya at hindi niya masabi? Pwede namang magsabi siya ng kahit anong pangalan kung ayaw talaga niyang ipaalam.” Pabalang niyang hinugasan ang kaniyang mga kamay habang patuloy sa pag-usal nang mahina. Imbis na gumaan ang pakiramdam niya nang maglabas ng sama ng loob ay mas lalo lang ‘yong bumigat matapos ang makipag-usap kay Stephanie. Sa kabilang banda, dumeretso si Stephanie sa parking lot kung saan naka-park ang kaniyang sasakyan. Wala sa plano niya ang magpakalasing nang gabing ‘yon. Nais niya lang magliwaliw saglit bago umuwi at isubsob muli ang sarili sa trabaho. Pagdating niya sa kaniyang bahay ay napansin niya agad ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa kaniyang parking space. Mabilis niyang tinabi roon ang sasakyan niya bago pumasok sa loob. Nakita niyang nakaupo ang kaniyang ama at ina sa sofa habang masayang nag-uusap. Nang marinig ang kaniyang pagdating ay agad siyang sinalubong ng dalawa. “Welcome home, anak,” pambungad na bati ni Stacy, ang kaniyang stepmother. “Thank you, ‘ma. What are you doing here? Sobrang late na, ah?” Hinalikan niya sa pisngi ang dalawa bago nagtungo sa sala upang mag-usap. “And you didn’t even call me. Eh ‘di sana, maaga akong umuwi.” “We’re actually on our way to the airport,” sagot ni Axril, ang kaniyang stepfather. “Dumaan lang kami rito para magpaalam. We’ll be away for a couple of months.” “We thought,” ani Stacy, “you might want to see us before we leave ‘cause it’ll be a long time. Pwede pang umabot ng taon.” Hinawakan niya ang parehong kamay ng anak at bahagya ‘yong pinisil. Napangiti si Stephanie. “‘Ma, ‘Pa, I’ll be okay. I’m twenty-four, at kaya ko nang tumayo sa sarili ko. You don’t have to worry about me. I can even take care of a man thrice my size.” Natawa si Axril. “Hindi ‘yon ang ibig namin sabihin, anak. Alam naming kahit ilang trained as.sassins pa ang makaharap mo ay sisiw lang ‘yon sa ‘yo. What we’re worried about is that you’ll be alone again in this house for a long time. You might feel lonely.” Mas lalong napangiti si Stephanie. “Seriously. I’ll be fine. Kung nag-aalala talaga kayo, I’ll visit you there too if I have time.” “That’s great!” Napangiti si Stacy bago tumayo. “Mauuna na kami ng papa mo. Our flight’s in an hour. And please, take a bath. Amoy kang alak.” “Okay. I’m sorry. Mag-iingat kayo.” Nang makaalis ang mga magulang niya ay nagpalit siya ng damit. Lumabas siya ng bahay niya suot ang track suit at nagsimulang mag-jogging. Pinatugtog niya ang kaniyang phone kung saan nakakabit ang earphones niya. Pabalik sa kaniyang bahay, napailag siya nang maramdamang may tatama sa kaniyang kung anong bagay. Naging mabilis ang kaniyang kilos at halos atakihin na ang bumato sa kaniya nang mapagtanto kung sino ang gumawa n’on. Tinanggal niya ang kaniyang earphones upang marinig ang sinasabi nito sa kaniya. “Kanina pa kita tinatawag pero wala kang naririnig,” ani Avaluan. “Hindi ka naman bingi kanina noong kinakausap kita, ah?” Pinakita ni Stephanie ang kaniyang earphones na katatanggal lang niya pero hindi nagsalita. Napaawang ang bibig ni Avaluan. “Oh. Hindi ko napansin. Sorry.” Napakamot siya sa batok. Bumuntonghininga si Stephanie. “What more do you want from me?” Napaiwas siya ng tingin dahil sa hiya. “Gusto ko lang sanang tanungin kung dito ka ba nakatira. Pero nevermind. It’s not really my business.” Muli siyang napabuntonghininga. “Binato mo ako ng sapatos mo para lang itanong kung dito ba ako nakatira?” “Pero hindi mo kasi ako naririnig kaya ko nagawa ‘yon. Hindi naman kita mahabol dahil ang bilis mong tumakbo.” Napanguso si Avaluan na parang nagsusumbong na bata. “Ano naman sa ‘yo kung dito nga ako nakatira?” “Bago lang kasi ako sa lugar na ‘to. Ikaw lang ang kilala ko kaya sinusubukan ko lang naman makipagkilala.” Kumunot ang noo niya. “At bakit ba ang sungit mo sa ‘kin? May nagawa ba ako sa ‘yo?” “Nothing. Kung gusto mo ng makakakilala sa lugar na ‘to, you’re approaching the wrong person. And please, you don’t even know my name. So basically, hindi mo pa ako kilala. Try another neighbor.” Nang makaalis si Stephanie ay napasinghal si Avaluan. Sinusubukan niya pa ring intindihin ang ugali nito pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makapaniwala. “Wow! Ngayon lang ako nakakilala ng gaya niya. May mga masusungit pala talagang mga tao sa mundo. Ang akala ko talaga sa mga drama ko lang sila napapanood.” Napatigil siya nang muling bumalik sa isip niya ang mga katagang sinabi sa kaniya ng dalaga kanina sa bar. “Tao rin ang nagsulat ng mga napapanood natin sa palabas. The scenes are either real events, or inspired by real happenings. Take your pick.” Muli siyang napasinghal. “May point naman talaga siya, pero nakakainis pa rin ang ugali niya!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD