Chapter 2

946 Words
Pagkababa sa kaniyang pulang sasakyan, dumeretso si Stephanie sa loob ng headquarters. Binati siya ng gwardiya na nagbabantay sa entrance bago siya nagpatuloy patungong elevator. Pasara na sana ang elevator nang may marinig siyang sumigaw ng pangalan niya. “Steph, hold the door for me!” Ngunit imbis na pahintuin ang pinto sa pagsara ay pinanood niya lang ang lalaki na tumakbo. Bago magsara, nagawang iharang ng lalaki ang kaniyang braso ngunit halos mapangiwi naman siya sa sakit. Imbis na kumustahin ay napangisi na lang si Stephanie sa nangyari. “Mukhang bumabagal ka na, Wyeth. I’ll need you at the gym later at 7PM.” Nanlaki ang mga mata ni Wyeth habang nakaawang bibig. “P-Pero…” “Mula sa entrance hanggang sa elevator, you should have reached approximately three seconds. But it took you five whole seconds instead. Masyado yata akong naging maluwag sa ‘yo nitong mga nakaraan.” Pilit itong tumawa. “Masyado ka namang detalyado, Steph.” “I’ll send you a new set of regimen to finish everyday. I’ll monitor you while you do it as well.” “Ikaw naman, hindi mabiro. Sinadya ko lang talagang bagalan kanina kaya inabot ako ng limang segundo. I won’t joke about it anymore. I promise!” Tinaas niya ang kanang kamay na tila namamanata. Tinitigan ni Stephanie ang kaniyang kanang kamay hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Wala nang nagawa pa si Wyeth nang lumabas ang dalaga nang hindi pinapansin ang sinasabi niya. “Nakapag-breakfast ka na?” tanong ni Wyeth. “I did.” “Do you want some coffee?” “Already had one.” Nag-isip pa ng ibang dahilan si Wyeth habang patuloy sa pagsunod kay Stephanie papunta sa office nito. “What about donuts? You love donuts! I’ll buy you a box.” Nang makarating sa harap ng office ay huminto si Stephanie bago siya hinarap. “You know nothing will change my mind. At kapag hindi ka pa tumigil, I’ll triple it.” Napakagat si Wyeth sa kaniyang labi upang pigilan ang sarili na magsalita. “And, oh,” pagpapatuloy ni Stephanie, “buy me three boxes. Your treat, right?” Bago pa man makaangal si Wyeth ay nakapasok na si Stephanie sa kaniyang office at naisara na ang pinto. Nanlulumo naman siyang tumalikod papunta sa sarili niyang office at sumalampak sa kaniyang upuan. Mayamaya ay pumasok si Salvatore sa kaniyang office at natawa nang makita ang itsura ng kaibigan at boss niya. “Stephanie again?” “As usual.” Sabay silang natawa. “Any new work for me?” “Just a couple of new paperworks na kailangan ng pirma. Pero maliban dito, wala na. Remind ko lang din ang report sa big boss.” Naglapag siya ng ilang papeles sa lamesa nito na hindi tinapunan ng tingin ni Wyeth. “I’ll deal with that later.” Tumayo siya at lumabas kasama si Salvatore. “I need to buy her majesty three boxes of donuts. I’ll be back.” “Sure, bossing. Padamay naman ng isang mainit na kape. Hindi pa ako pwedeng matulog dahil marami pang gawain.” “Sana kasingsipag mo ang boss natin.” Natawa si Salvatore. “Mas pipiliin ko ang walang-tulog na trabaho ko sa likod ng computer kaysa sa ginagawa ni Stephanie.” Nagkibit-balikat ito. “Good point.” Sa kabilang banda, nagsimula namang magtipa si Stephanie sa kaniyang laptop upang gumawa ng report. Napapabuntonghininga siya sa tuwing nakatatapos ng isang pahina. “Still hate paperworks?” Napaangat ang tingin ni Stephanie sa kaniyang kanang kamay. Halos kuminang naman ang mga mata niya nang makita ang hawak nitong limang box galing sa paborito niyang shop ng donut. Imbis na ipakitang masaya siya ay pilit niyang sineryoso ang kaniyang mukha. “I’ll forgive you for taking so long since you bought five boxes.” Natawa na lang si Wyeth sa sinabi nito. “Okay. Okay. I’m sorry, your highness.” Kumunot ang noo ni Stephanie. “I’m serious, Wyeth. Kailangan mong mag-work out.” Ngumiti ito. “I know. Gagawin ko naman kahit anong klaseng regimen pa ang ipagawa mo.” Hindi na nagsalita si Stephanie at nagsimula nang lantakan ang donuts na dala ng binata. Napangiti na lang si Wyeth bago lumabas ng office at dumeretso sa kaniya para magtrabaho. Naiintindihan niya kung bakit ganito kastrikto ang kaniyang boss sa kaniyang work out. Para din naman sa kaniyang kapakanan ang mga pinagagawa sa kaniya ni Stephanie. Kanang kamay siya nito, at nararapat lang na palagi itong nasa malusog at malakas na pangangatawan. Walang nakaaalam kung kailan nila kakailanganin ang lakas nila. Ilang linggong natambak si Wyeth bilang support sa kaniyang boss dahil iyon ang gusto nito. Mas gusto ni Stephanie na siya ang tumapos ng misyon mag-isa dahil alam niya sa sariling kaya na niya. Ngunit hindi magtatagal, tiyak na bibigyan na ulit sila ng bagong misyon ng maf!a lord. Hindi sila dapat magpakampante. Para bang narinig ng langit ang kinatatakot ni Stephanie dahil biglang kumatok sa kaniyang pinto si Wyeth. “New mission from the big boss,” ani Wyeth. “And this time, gusto niyang kausapin ka nang personal para pag-usapan ang misyon.” Napataas ang kanang kilay ni Stephanie. “The old hag wants to see me personally? Did I hear that right?” “I had to ask that three times before going here.” Natawa sila pareho. Bumuntonghininga si Stephanie bago tumayo. “I guess we’ll go now. We don’t want the angry lion to get mad for being late.” “Of course. She hates us as it is. Ayoko na lang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nahuli tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD