Chapter 1

1254 Words
Matapos sindihan ang kaniyang sigarilyo, nagtungo si Stephanie sa balcony upang magpahangin. Maraming bituin sa madilim na kalangitan, indikasyon na hindi uulan ngayong gabi. Muling humithit si Stephanie sa kaniyang sigarilyo bago ‘yon tinapon sa ashtray. Muli niyang sinipat ang lalaking ngayon ay nakahilata sa kama na kanina lang ay mainit nilang pinagsasaluhan. Kasalukuyang nakabukas ang mga mata nito habang walang-buhay na nakatingin sa kawalan. Nakalaylay ang braso nito sa gilid ng kama kung saan tumutulo ang sarili nitong dugo. Hindi na nag-abala pa si Stephanie na takpan ang hubad na katawan ng lalaki dahil ayaw niyang mas lalo pang madumihan ang kaniyang suot. Kaya naman dinukot niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at nagtipa ng isang numero. “Mission done,” aniya. “I need someone to clean this up.” “Cleaner’s on its way,” ani Froilan. “Any more missions for me today?” “Nah. You’re good. But you might want to clean yourself. Hindi kasama sa sahod ng isang cleaner ang paglilinis ng mafioso.” “Siguro naman may dala siyang extra na damit para pamalit, ‘di ba?” Mahinang natawa si Froilan. “Like I said, hindi kasama sa sahod nila ‘yan. Kung mayroon man siya, kailangan mong bayaran ang extra services niya.” Stephanie clicked her tongue. “Next time, mag-h-hire ako ng sarili kong cleaner. Ang hassle nito.” “You should. Afford mo naman.” Nang patayin ni Stephanie ang tawag, dumeretso siya sa loob ng banyo at nagsimulang magkuskos ng tumalansik na dugo sa kaniyang damit. Laking-pasasalamat na lang niya na hindi siya nakaputi, bagay na natutunan niya sa halos dalawampu’t apat na taon niya bilang isang mafioso. Pinatay niya ang rumaragasang tulo ng tubig sa lababo nang may kumatok. Kinuha niya ang isang silk robe na nakasampay at sinuot ‘yon bago dahan-dahang nagtungo sa pinto. Kinapa muna niya ang kaniyang revolver gun bago sumilip sa pinto. Gamit ang peephole, nakita niya ang isang lalaking housekeeper na nakatayo sa labas dala ang mga panlinis. Hindi makita ni Stephanie ang mukha nito dahil nakasumbrero ito. Kaya bago niya buksan ang pinto ay tinanong niya muna kung ano ang kailangan nito. “Housekeeping,” ani housekeeper. “I didn’t call for one,” sagot ni Stephanie. Muling tiningnan ng housekeeper ang room number na nakadikit sa pinto. “Room 403. Tumawag po si Miss Seraphine ng housekeeping.” Nang marinig ang kaniyang mafioso code name ay agad niyang binuksan ang pinto. Mabilis din niyang sinara ang pinto nang makapasok ito. Wala namang sali-salitang nagsimula ang cleaner sa kaniyang trabaho. “Hey,” tawag ni Stephanie sa kalagitnaan ng pagtatrabaho nito. Lumingon siya sa dalaga nang may seryosong tingin. “Do you happen to have extra clothes there? Hindi ko matanggal ang mantsa sa damit ko.” Saglit na tumayo ang cleaner mula sa pagkakaupo at tinanggal ang kaniyang cleaning gloves. Binuklat niya ang mga bag sa trolley na hila niya kanina at inabot sa dalaga ang isang itim na shirt. Agad naman niya itong inabot at niladlad. “Nice. Thanks. Anything you want in return?” Iling lang ang naging sagot ng lalaki bago bumalik sa kaniyang ginagawa. Nagkibit-balikat na lang si Stephanie at nagpalit na ng damit. Kahit kailan ay wala pa siyang nakausap na cleaner sa tanang buhay niya. Naisip niya na baka parte ito ng trabaho nila. Matapos magbihis ay iniwan na niya ang lalaki sa trabaho nito. Malaya na siya sa araw na ‘yon kaya isa lang ang nasa isip niya. Maaari na siyang magliwaliw at magpakalasing sa Impero Bar. Nang makarating siya, agad siyang binigyan ni Enteng, ang bartender, ng isang shot ng Tequila. Prente namang naupo si Stephanie sa isang stool habang nanonood sa dance floor. “Done for the night, ma’am Stephanie?” tanong ni Enteng. Bumaling ang dalaga rito. “Yeah. At last.” “Mukhang napaaga yata ang tapos niyo ngayon.” “That’s good, right? Mas marami na akong oras para uminom.” Natawa ito. “You’re right. I’ll keep the shots coming. then.” “Thank you, Enteng.” Tinuon ni Stephanie ang tingin sa dance floor habang umiinom. Napansin niya ang ilang pamilyar na tao, na mukhang tapos na rin para sa araw na ‘yon gaya niya. Maaari ding magpunta rito ang mga ordinaryong tao ngunit mahigpit at mahirap makapasok. Ang ilan sa mga nakapapasok dito ay kamag-anak ng mga mafio.so, mga anak ng gobernador, at ng iba pang mga importanteng tao sa bansa. Marami sa mga ito ang nakaaalam ng tungkol sa trabaho nina Stephanie ngunit may mangilan-ngilan pa ring hindi. Napangisi siya sa sarili. Hindi siya makapaniwalang may mga taong narito ang walang kamalay-malay na anumang oras ay maaaring malagay sa kapahamakan ang buhay nila. Oo at hindi pwedeng gumawa ng gulo ang mga mafio.so sa mga lugar na sakop ng Impertum, ngunit sa oras na may makabangga silang malalaking tao ay hinding-hindi sila makatatakas sa mga ito nang basta-basta. Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Stephanie matapos ang ilang baso. Habang naghuhugas ng kamay, may narinig siyang sumusuka sa loob ng isang cubicle. Normal lang ‘yon sa loob ng bar, ngunit napansin niyang umiiyak din ito. Napatingin siya nang lumabas ang isang babae sa cubicle. Sobrang dumi ng itsura nito at may suka pa sa gilid ng labi. Madalas siyang makakita ng karumal-dumal na mga senaryo sa trabaho niya, pero sa tuwing nakakakita siya ng suka ay napapangiwi pa rin siya. Gulo-gulo rin ang buhok ng babae na kahit pilit niyang inaayos ay bumabalik lang din sa dati. “Are you okay?” tanong ni Stephanie. Hindi pamilyar sa kaniya ang babae kaya nakatitiyak siyang isa itong anak ng kung sinong may mataas na katungkulan, o hindi kaya naman ay kamag-anak ng mga gaya niyang mafio.so. Nang lumingon sa kaniya ang babae ay wala na ito sa focus. Nakumpirma ni Stephanie na lasing na nga ito nang bigla itong ngumiti at nagtaas ng kamay sa kaniya. “Okay lang ako.” Tumango si Stephanie nang magpatuloy ito. “Nag-cheat lang naman ang boyfriend ko pero okay lang. Iikot pa rin naman ang mundo. Don’t worry.” Napaawang ang bibig ni Stephanie at naiwang nakahawak sa gripo ang kamay. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng babaeng kaharap. Para bang nakikipagkwentuhan lang ito sa isang kaibigan kung makapagsalita. At para bang normal lang na nag-cheat ang boyfriend niya at okay lang sa kaniya. Naghilamos ang babae at nilinis ang mukha niya. Mukhang nahimasmasan naman siya kahit papaano dahil sa ginawa kaya nagpatuloy na si Stephanie. Wala naman siyang kinalaman sa kung ano ang problema niya. Naglakad na siya palabas ng banyo para makauwi nang magsalita ang babae. “Ganito ba talaga ang mga lalaki?” Napatigil sa paglalakad si Stephanie. “Pagkatapos makuha ang kailangan nila, lilipat na sa ibang babae? Ang buong akala ko, sa palabas ko lang ‘to napapanood. Nangyayari pala siya sa totoong buhay.” “Tao rin ang nagsulat ng mga napapanood natin sa palabas,” ani Stephanie nang hindi nililingon ang babae. “The scenes are either real events, or inspired by real happenings. Take your pick.” Akmang lalabas na si Stephanie nang muling magsalita ang babae. “My name’s Avaluan. You are?” Doon na siya tuluyang napaharap sa babae. “Let’s not get there. Mas mainam nang hindi mo ako kilala.” “That’s unfair. Now you know my name.” “Not my fault. I didn’t ask for your name. You gave it voluntarily.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD