3

1143 Words
Crush   "Yui, pwede bang sumama kana sa amin ni Stolich? Kasi, pakiramdam ko napipilitan lang siya sa aking makisama." Pumangalumbaba ako sa tabi ni Yui. Bawat recess kasama ko si Stolich pero ganoon parin yung feeling ko. Na gusto niya talaga si Yui at napipilitan lang siya sakin. Tapos si Yui naman napapansin ko na tulala siya minsan. Feeling ko gusto niya rin si Stolich. Ewan ko talaga. Siguro feeling ko lang 'to. Pero malaki kasi yung kutob ko.  "Ayaw mo niyan. Mas naging close na kayo. Marami na kasi kaming bonding ng dyablo na 'yon eh. Kaya kayo naman." Ngumisi siya sakin. Ba't pakiramdam ko fake yung pinagsasabi niya? Na nagtitiis lang siya?  "Ganon ba? Kaya ba itinutulak mo ako sa kanya? Literal akong nasusubsob sa dibdib niya." Humagalpak kaming dalawa sa pagtawa. Kahit nakakabenefits ako na maamoy si Stolich ay nakakahiya parin. Feeling ko nga pati kili kili niya naaamoy ko narin. Sobrang bango niya. Parang perfume ang nililigo niya.  Nang magrecess ay ganoon ulit ang nangyari. Itinulak niya ulit ako kay Stolich. Medyo nasasanay na akong kasama siya kahit wala naman kaming imikan sa isa't isa.  "Phoebe, may favor ako." Direkta akong tiningnan ni Stolich kaya ako naman itong napayuko at itinatago ang magkabila kong pisngi na umaapoy sa init.  "H-Ha? Ano 'yon?" Napayuko ako.  "Pwede bang wag mo nalang akong gustuhin? Pwede bang sa iba nalang? Basta wag sakin. May laman na kasi yung puso mo. Yung bestfriend mo, mahal ko siya. Pero dahil alam niyang gusto mo ako, itinutulak ka niya sakin. Pwede bang... wag sakin." Nagulat ako sa sinabi ni Stolich. Gusto niya nga si Yui. Pero dahil sakin, dahil sakin hindi niya magawang lapitan si Yui dahil itinutulak ako ni Yui sa kanya. Dahil ba alam ng bestfriend ko na crush ko siya kaya siya itong nagpaparaya sa aming dalawa? Pero hanggang crush lang naman yung akin?  Para akong maiiyak sa mga nalaman ko. Anong klase akong bestfriend? Parang lumalabas tuloy na mang-aagaw ako at nakikisawsaw sa kanilang dalawa. Kaya ba minsan ay wala sa sarili si Yui? Hindi kaya nagseselos siya? Hindi kaya dahil yun sa sinabi ko na nakakainggit silang dalawa kaya nagawa ni Yui na itulak ako sa kanya?  Nag-amba siyang lumapit sa akin kaya napaatras agad ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko.  "Sorry Stolich kung naging hadlang pa ako. Hindi ko naman alam..." Tumalikod na ako. Sinikap kong hindi malaglag sa mga mata ko yung luha. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang rason kaya nahihirapan si Stolich.  Kung alam ko lang na gusto niya si Yui ay hindi ko na sinabi kay Yui na crush ko si Stolich. Halata rin naman kasing gusto rin ni Yui si Stolich kahit ganoon ang pakikitungo niya kay Stolich.  "Phoeb?" Napatayo agad si Yui nang makitang nangingilid sa mata ko ang luha.  "Y-Yui." Ngumiti ako pero hindi ko na napigilang hindi malaglag ang luha sa mga mata niya. Napakaiyakin ko talaga. Maliit na bagay iniiyakan ko na agad.  "Anong ginawa niya sayo?" Umiling lang ako. Panay ang punas ko sa luha ko kaso tumutulo ulit. Nakakainis ka Phoebe! Ba't ba napakaiyakin mo? Pumalabas tuloy na pinaiyak ka ni Stolich.  "Y-Yui. H-Hindi ko na crush si Stolich."  "Anong ginawa niya sayo Phoeb?" May galit na ang boses na 'yon.  "Wala. N-Naiyak lang ako sa sinabi niya. Pero okay na ako. Basta, yung sabi ko. Hindi ko na siya crush. Kaya sana, wag mo na akong itulak sa kanya Yui." Wag mo na akong itulak sa lalakeng may gusto sayo na alam ko ring gusto mo naman. Purket bestfriend mo ako ay magpaparaya kana. Hindi naman ako naghangad ng mas higit pa sa pagkakaibigan sa aming dalawa ni Stolich. Yung makita ko lang siyang masaya sapat na sakin. Pero ako pala yung rason para malungkot siya. Naiinis tuloy ako sa sarili ko.  Kinagabihan laman ng utak ko ang posible kong gawin para hindi na ako itulak ni Yui kay Stolich. Kaya kinabukasan ay nagpanggap nalang akong may bago akong crush. Panay ang kulit niya sakin kung sino daw. Hindi ko naman masagot kasi kahit ako ay hindi ko rin alam kung sino yung crush ko. Pinadescribe niya sakin kaso feeling ko yung nadescribe ko si Stolich parin.  "Paano ka nakakasigurong mabait 'yon? Nakausap mo na ba? Naka--"Yui!" putol ko sa kanya lalo na't may tao na sa likod niya dahil hindi na nakatingin si Yui sa dinadaanan niya at nakaharap ng buo sa akin habang panay atras. Natikom ni Yui ang bibig niya. Parehas na gulat ang mga mukha namin ni Yui nang makita ang imahe ng lalake na halatang galit na. Nabuhos sa uniporme niya ang coke in a can. Napakatalim na ng tingin niya kay Yui. Si Yui naman halatang namutla.  Nag-igting ang panga niya. Napatingin kami doon sa can na hawak niya nang unti unti niyang yung nilukot sa kamay niya. Binitiwan niya itong hindi na mahitsura ang katawan dahil sa ginawa niya. Ang lakas niya naman. Ako hindi ko ata kayang durugin ang latang 'yon.  "Yui, s-siya ang crush ko." Nalaglag ang panga ni Yui dahil sa sinabi ko. Kahit ngayon ko lang siya nakita ay magpapanggap nalang ako na crush ko siya kung kapalit naman nun ay hihinto na si Yui sa kakatulak sakin kay Stolich.  "Phoebe! Ba't siya! Hindi siya mabait!" Galit na sabi ni Yui sakin na para bang hindi niya tanggap na ito yung crush ko. Gwapo naman siya ah. 'Tsaka crush lang naman. Paghanga.  "Buti naman alam mo. Paano ba ako makakaganti sayo dahil sa ginawa mo sa uniporme ko?" Pinasadahan niya ang medyo magulo niyang buhok ng kamay niya. Mas lalong sumuplado ang mukha niya. Mas suplado pa ata siyang tingnan kaysa kay Stolich.  Dumating rin naman si Stolich kaya iniwan ko rin ang dalawa. Ngayon, ako naman ang tutulak sa bestfriend ko sa lalakeng alam ko na gusto niya. Kunwari lang yan siya eh.  "Susundan ko lang ang crush ko." Tumalikod agad ako at sinundan yung lalake na mukhang galit na galit parin dahil sa nangyari sa uniporme niya. Ang saya ko nalang sa isang iglap. May bago na akong crush! I mean, fake crush?  Pumasok siya sa isang dorm na sa pagkakaalam ko ay locker room ng mga lalake kaya pumasok rin ako doon. Walang tao. Siya lang. At ako. Malinis rin pala dito sa loob katulad ng locker room naming mga babae. May nagmimaintain kasi kaya ganito nalang kalinis.  "Ba't ka pumasok dito?" Iritado niyang sabi habang tinatanggal ang bawat botones ng unoporme niya. Bumakat narin ata sa loob yung coke. Pati na sa panloob niya.  "G-Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nagawa ng bestfriend ko--" Napaawang ang bibig ko nang harap harapan niyang hinubad yung suot niya hanggang bumalandra sakin ang topless niyang katawan. Gulat ang mukha ko sa nakita. Ang inosente kong mata!  Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko. Ramdam ko na umaapoy sa init ang magkabilang pisngi ko. Nakakita ba talaga ako ng abs sa personal?!  "Crush mo ako diba? Alisin mo yang kamay mo. Titigan mo. Tss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD