Stolich's crush
Pagkatapos ng date na 'yon ay ikwenento ko agad kay Yui ang lahat. Hanggang tawagan nalang kami kasi 1week kaming walang pasok eh. Kaso si Yui madaling antukin kaya hindi ko rin nakukwento sa kanya lahat ng ginawa namin ni Stolich sa date namin. Date ba 'yon? Eh parang wala namang nakakakilig na part doon. Yun lang talagang nakasama ko siya sa isang araw man lang.
Nang magpasukan ay excited ako dahil makikita ko na naman si Yui. Pati narin si Stolich. Crush ko parin kasi siya.
Nasa may gate na ako nang makita ko si Stolich doon na nakatayo lang at parang may hinhintay. Pasimple nalang akong yumuko para hindi niya ako makita. At mukhang wala siyang pakialam sa paligid niya dahil hindi niya man lang ako napansin kaya nalagpasan ko rin siya. Pinagtitinginan na nga siya ng ibang estudyante pero hindi niya man lang magawang tingnan. Sino kayang hinihintay niya?
Pumasok na ako sa classroom at nagulat ako dahil nandoon na si Yui. Parang tulala na ewan. Ang aga niya naman ata. Parati kasi ako itong nauuna sa aming dalawa eh.
"Yui." Dinamba ko agad siya ng yakap nang makalapit ako sa kanya. Napahagikhik naman siya. Namiss ko siya. Hanggang tawag lang kasi kami. Mas maganda parin 'yong magkasama kaming dalawa.
"Phoeb." Humagikhik siya.
"Oo nga pala. Si Stolich, parang may inaabangan sa gate." sabi ko saka umupo sa tabi niya.
"Baka naman babae niya. Yung inakbayan niya." Kibit balikat niya.
Itinuon rin ni Yui ang atensyon niya sa phone niya. Ilang sandali lang ay biglang lumitaw si Stolich sa may pinto. Namula agad ang pisngi ko nang makita ko siya. Pero dahil nakasentro lang ang tingin niya kay Yui ay nalaman ko rin kung sino ang sadya niya dito. Close kasi talaga silang dalawa. Feeling ko nga si Yui lang yung kinakausap niyang babae dito.
Siniko ko si Yui para makita niya ang imahe ni Stolich. Nagsagutan silang dalawa lalo na't inagaw pa ni Stolich yung phone ni Yui at tinanong kung ba't hindi ito nagrereply sa kanya. Ibang iba ang trato ni Stolich kay Yui kaysa sakin noong kaming dalawa lang. Pati na yung kislap sa mga mata niya sa tuwing titingnan niya si Yui. Ba't pakiramdam ko may gusto siya kay Yui?
Lumabas rin kaming dalawa para magrecess. Pansin ko kay Yui parang may malalim siyang iniisip.
"Yui, may tanong ako. Crush mo rin ba si Stolich?" bigla kong tanong sa kanya. Pag nagkataon parehas kami ng crush. Sabay kaming kikiligin. Sabay mamumula ang pisngi naman pag nandiyan si Stolich. Hindi ko alam kung sino yung crush ni Yui. Meron kaya?
"Di ah. Kita mo naman kanina diba. Inagaw niya bigla sakin ang phone ko. Nang-aasar lang talaga 'yon. Tss." Bumusangot ang mukha niya. Para bang may malaki siyang galit kay Stolich.
"Ah, nakakainggit. Ang close niyo." Napanguso ako. Gusto ko krin kasi yung ganoong friendship nila ni Stolich. Yung normal na nag-uusap. Kaso yung akin nahihiya akong kausapin siya. Pakiramdam ko nalunok ko yung dila ko kaya wala akong masabi pag magkasama kaming dalawa.
"Ang gwapo talaga ni Stolich no? 'Tsaka ang bait niya rin. Replayan mo kasi siya Yui para hindi siya nag-aalala sayo." sabi ko. Halata naman kasing apektadong apektado si Stolich. Nalulungkot tuloy yung crush ko kakahintay sa reply niya.
"Aasarin lang kasi ako nun Phoebe kaya mas mabuting wag nalang. Nag-aaksaya lang ako ng load eh." Iritado niyang sagot.
"Ililibre ka naman daw niya ng load. Ang swerte mo nga eh. Yung crush ko parang gusto ka." Napangiti ako. Pag may gusto si Stolich kay Yui edi pwede narin akong maging close sa crush ko. Tapos kaming tatlo na yung magkakasama. Parang madadagdagan narin yung kaibigan ko. Tapos yung crush ko pa. Ang saya siguro ng ganun.
Napahinto kaming dalawa ni Yui nang biglang humarang si Stolich sa dinadaanan namin. Namula naman agad ang pisngi ko. Ba't ganito ka crush? Bigla ka nalang sumusulpot kung kailan laman ka ng utak ko?
"Now that you're here, be with my bestfriend Stolich. Magc-cr lang ako. Samahan mo siyang magrecess. Matatagalan kasi ako sa cr eh. Sige, bye! Phoebe kita nalang tayo sa classroom!" Tumakbo na palayo si Yui.
Napabuntong naman ng hininga si Stolich dahil sa ginawa ni Yui. Tiningnan niya ako. Ang blangko ng tingin na 'yon. Hindi kagaya nung tingin niya kay Yui. Yung sakin parang wala lang sa kanya na nandito ako.
"Magrerecess kana?" Tumango naman ako.
"Samahan na kita." Tumango ulit ako. Naglakad na siya kaya naglakad narin ako. Magkalebel lang kaming dalawa at panay lang ang yuko ko. Pakiramdam ko talaga pag ako ang kasama niya ay ibang iba yung Stolich na nakikita ko pag nasa harap si Yui kaysa sa Stolich na pag kami lang dalawa. Parang may inilagay siyang harang sa pagitan naming dalawa. Sa halip na kiligin ako ay nasasaktan ako. Ewan ko kung bakit. Mas gusto ko pa yung nakikita ko lang siya kaysa nakakasama ko siya at nakakausap.
"Anong gusto mong kainin?" tamad niyang tanong sakin.
"A-Ano. Yang chicken sandwich nalang 'tsaka yang paborito namin ni Yui na mogu mogu. Yung strawberry." Nauutal kong sabi. Napalunok pa ako ng laway nang tumaas ang kilay niya. Nagtataray ba siya sakin?
"Mogu mogu? Paborito yun ni Lisanna?" tanong niya. Halata sa mukha niya na interesado siya.
"Oo." Lumiwanag naman ang mukha niya saka bumili nun ng dalawa. May kasama ring chicken sandwich. Ibinigay niya naman sakin yung sandwich at isang mogu mogu.
"Libre ko nalang yan sayo para sa impormasyong nalaman ko. Ihatid na kita sa classroom niyo."
Mabilis agad akong tumanggi. Nilibre niya na nga ako tapos ihahatid pa. Kahit pakiramdam ko napipilitan lang siyang kasama ako ay ang bait niya parin. Si Yui naman kasi, tinutulak agad ako kay Stolich. Nasusubsob na nga ako sa dibdib niya. Ang bango pa naman. Ano kayang perfume yung gamit niya?
"Wag na Stolich. Kaya ko naman bumalik eh. Sige, salamat dito. Bye." Tumalikod na ako saka nagmadaling umalis doon. Nilingon ko siya ng huling beses at nakita kong nakangiti siya habang tinititigan yung mogu mogu. Huh? Anong meron? Ba't siya ngumingiti? Feeling ko talaga crush niya si Yui. Lalo na nang binanggit ko kanina na paborito niya ang mogu mogu parang nagsparkle agad yung mga mata niya. Posible kaya 'yon?