4

1082 Words
One reason Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman talaga siya crush. Kaya hindi ko titingnan yang tiyan niya. Pinapaniwala ko nalang ang sarili kong may bago akong crush. Pero hindi ko pa alam kung anong nasa kanya para magkacrush ako sa kanya.  "M-May damit kana ba? Pwede ko nang alisin yung kamay ko?" tanong ko sa kanya.  "Nakahubad parin ako." sabi niya.  Sumilip ako at doon ko nakitang nakadamit na pala siya. Nakapagpalit na siya ng malinis na uniporme. Lumabas siya ng locker room kaya sumunod ako sa kanya. Pansin ko ang bilis niyang maglakad kaya kailangan ko pang tumakbo para lang maabutan siya.  Bigla nalang siyang huminto kaya nabangga tuloy ako sa likuran niya.  "Ba't ka ba nakabuntot sakin? Pumunta kana sa classroom mo." Iritado niyang sabi sakin nang humarap siya.  Hindi ako pwedeng bumalik doon na nag-uusap parin si Yui at Stolich. Baka makadisturbo ako. Ayokong inaayawan ni Yui si Stolich dahil sakin. Dahil akala niyang nasasaktan ako sa tuwing magkasama silang dalawa.  "K-Kasi crush kita." sagot ko sa kanya. Sinikap kong hindi yumuko at tingnan siya sa mga mata niya.  Tumaas ang kilay niya. Para bang nahuli niya ako sa isang kasinungalingan. Hindi ba kapanipaniwala kung gusto ko siya?  "You like me? Do you even know me?" Humakbang siya papalapit sakin habang nakabulsa ang magkabila niyang kamay. May kung ano sa mga mata niya na nakakapanlambot ng tuhod. Napalunok ako ng laway at napaatras.  "I-Ikaw si Seth." sagot ko. Yun ang tinawag ni Stolich sa kanya kanina. Natigilan siya nang marinig ang sinabi ko.  "Kilala mo ba si Seth?" tanong niya ulit. Isang tango lang ang naisagot ko.  "Sino si Seth?" tanong niya ulit. May pinupunto ba siya sa pangalan niya? Sikat ba siya dito? Ang sabi ni Yui demonyo daw siya. Bakit kaya?  "Si Seth yung crush ko." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko dahil tumaas ulit ang kilay niya. Napakaseryoso ng mukha niya.  May napadaan na estudyanteng lalake dito pero nang makita siya ay napaatras ito at natatarantang bumalik sa daan nito. Pansin ko rin sa ibang estudyanteng lalake na pag nakikita siya ay mabilis agad na nag-iiwas ng tingin sa kanya. Anong meron?  "Gusto mong makita ang tunay na Seth? Pagkatapos nito. Sigurado akong mamamatay yang pagkagusto mo sakin." Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya. Pero nalaman ko lang yun nang may hinigit siyang estudyanteng lalake. Hinawakan niya ang necktie nito nang walang kahirap hirap habang yung estudyante naman ay namutla at nanginig sa takot sa kanya.  "S-Seth." sabi nito. Para bang isang bangungot sa kanya ang pagbigkas ng pangalan na 'yon.  "S-Seth. Gagawin ko ang lahat pakawalan mo lang ako. Baon ko ba? P-Pera? Magbibigay ako. Anong nagawa ko?" Namumutlang sabi ng estudyanteng lalake. Nilingon ako ni Seth. Ako lang ba o masyadong matalim ang tingin niya kahit blangko lang naman ang ekspresyon ng mukha niya.  Binitiwan niya yung lalake kaya kumaripas agad ito ng takbo. Napakurap ako sa nangyari. Ano 'yon? Ba't takot na takot sa kanya yung estudyante?  "You heard your bestfriend. Demonyo ako. Kung hindi mo ako lalayuan, matutulad ka sa estudyanteng 'yon. Mababalot ka ng takot. Mapapahamak ka." sabi niya sakin.  Hindi ako natinag dito sa kinatatayuan ko. Dapat bang matakot ako sa nakita ko?  "Hinawakan mo lang naman ang necktie nung lalake. Wala ka namang ginawang masama sa kanya. Siya lang yung gumagawa ng kinakakatakutan niya. Wala akong makitang mali doon. Ang mali lang ay nilamon yung lalake sa pag-aakalang sasaktan mo siya." Nabahiran ng pagkagulat ang mukha niya pero nawala rin naman 'yon. Tumalikod siya sakin.  "Wag mo na akong sundan. Walang kagusto-gusto sa ugali ko. Nakakapagtaka kung ba't crush mo ako. Dahil ba gwapo ako? Masama ang ugali ko. Walang silbi ang gwapong mukha kung masama naman ang ugali." Umalis rin siya ng tuluyan. Napako ako sa kinatatayuan ko. Naguguluhan ako sa inaasal niya. Ba't ganoon siya? Ba't sinasabi niyang masama siya? Ba't pinapaniwala niya akong masama siya? Na walang kagusto gusto sa ugali niya. Na wala akong karapatang magustuhan ang isang katulad niya? Nang araw na 'yon naging laman siya ng utak ko. Nagawa ko pang isearch sa google ang tungkol sa mga demonyo.  Demon is an evil spirit. A source or agent of evil, harm, distress and ruin.  Lahat ng kahulugan ng demon ay hindi talaga nawawala yung salitang evil. Masama. Masamang tao ba siya?  Ba't nagiging masama ang isang tao? Anong dahilan? Matatawag bang masama ang isang taong kinakatakutan ng karamihan? Ba't naging masama siya sa paningin ng iba kung ang totoo naman ay kinakakatakutan lang talaga siya?  Kinabukasan ay hinanap ko siya sa buong campus. Ako nalang ang kusang umaalis para masolo ni Stolich si Yui. Kasi pakiramdam ko hanggang ngayon crush ko parin si Stolich. Pero hindi pwede.  Nakakalabas na ako ng school dahil kabisado na ako ng guard at dahil narin sa impluwensya ni Phoebe sakin. Hindi ko alam kung ba't naisipan kong lumabas. Pero may nagsabi saking lumabas doon.  Sa hindi kalayuan, nakita ko ang pamilyar na imahe ni Seth na nakasandal sa pader habang bumubuga ng usok. Teka? Naninigarilyo siya?  Tuluyan akong lumapit sa kanya. Nang makita niya ako ay tinapon niya yung sigarilyo niya at inapakan.  "Seth." tawag ko sa kanya.  "Paano ka nakalabas? Bawal lumabas ang estudyante." sabi niya.  "Ikaw rin naman ah. Estudyante ka rin." Napanguso ako.  "Ako yung tipong estudyante na walang pakialam sa utos. I break the rules. That's how evil I am." Nagsmirk siya sakin. May kung ano sa ngiti na 'yon na nakakanginig ng kalamnan pero hindi ako nagpatinag.  "Masama ka ba?" tanong ko.  "Hindi." sabi niya.  "Naniniwala ako--"Demonyo ako." putol niya sakin na nagpatikom ng bibig ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Nakakatakot pagmasdan ang matalim na tingin na iginagawad niya sakin pero wala akong makitang dahilan para katakutan siya.  "Matatawag na bang isang demonyo ang taong masama sa paningin ng ibang tao?" Natigilan siya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin sa akin.  "Still. I smoke. I drink. I'm evil inside and out. Walang espesyal sakin para magkagusto ka sa isang tulad ko. Now, leave."  Nanatili ako sa harapan niya. Tiningnan ko siya ng maigi. Kung titingnang mabuti wala naman siyang pinagkaiba sa ibang estudyanteng pumapasok dito. Pero ba't tingin niya sa sarili niya ay demonyo siya? Dahil ba yun ang tingin sa kanya ng iba kaya pinapaniwala niya narin ang sarili niyang ganoon rin siya?  "Gusto parin kita." sabi ko.  Napatitig siya sakin. Napakurap ako nang bigla niya akong hinila at idinikit dito sa pader. Ramdam ko kung paano bumilis ang kalabog ng puso ko nang makita kong ang lapit niya na sakin.  "Give me atleast one reason that I'm good." bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil ang lapit na ng mukha niya sakin.  "P-Paano kung nakahanap ako ng rason?" tanong ko.  "Then we're mutual. I'll like you back."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD