In any ways
Papasok na ako sa school nang may makita ako sa di kalayuan. Nandoon si Seth naninigarilyo. Pinuntahan ko naman siya. Tumaas agad ang kilay niya sakin nang makita niya ang imahe ko. Itinapon niya yung stick at tinapakan para mamatay. Ano kayang meron sa sigarilyo at gusto nilang hinihithit? Masama diba 'yon sa kalusugan?
"Para saan yang sigarilyo?" tanong ko.
"Wala kang pakialam." Nagsimula na siyang maglakad kaya sumabay narin ako. Malinaw parin sa utak ko ang napag-usapan namin. He'll like me back. Anong rason kaya ang makakakumbinsi sa kanya?
"Seth? May girlfriend ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.
"Meron." tipid niyang sagot. Talaga? May girlfriend pala siya? Ba't hindi ko napapansin na may kasama siyang babae?
"Talaga?" tanong ko. Nilingon niya naman ako habang magkasalubong yung kilay niya.
"Anong talaga?" Iritado niyang sabi.
"I mean. Anong pangalan?"
"Seryoso ka ba? Gusto mo ba talaga ako? Ba't di ka ata nagseselos?" Tumaas na yung isa niyang kilay. Kailangan bang magselos ako?
"Ewan. Feeling ko kasi parang wala." sagot ko.
"Meron. Nasa kwarto ko. Parati akong hinihintay nun. Araw araw. Kaya excited akong umuuwi dahil bubungad siya doon." Umirap siya sakin. Sa kwarto niya?
"Kaya wag kang makalapit lapit sakin. Magseselos yun."
Napahinto naman ako. May girlfriend siya? Ayoko namang makasira ng relasyon eh. Tama nga naman. Ang hirap maghanap ng crush! Sino bang pwede? Yung mapapaniwala ko si Yui? Naghanap kaya ako mamaya?
Napalingon naman siya sakin nang mapansin niyang huminto ako.
"Ba't ka huminto?"
"Kasi may girlfriend ka. Sige na, mauna kana. Mamaya nalang ako. Baka magselos 'yon. Mag-away kayo. Baka sabihin niya pang malandi ako." Napabuntong ako ng hininga. Ilang estudyante na ba ang nagsabi nun sakin? Ba't kaya sila ganoon? Purket ba magkasama lang malandi na?
"Hindi 'yon nagsasalita. Baka mabugbog ko ang teddybear na 'yon pag nagsalita siya." Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Teddy bear?
Napangisi ako at marahang tumakbo saka lumebel sa kanya. Wala siyang girlfriend! Ayan! Siya na yung crush ko!
"Talaga? Pakilala mo ako sa girlfriend mo Seth." Humagikhik ako.
"Ayoko. Magseselos 'yon." Umirap siya sakin. Natawa lang ako. Ba't ang cute niya?
Tuluyan kaming nakapasok sa loob ng school. Naghiwalay rin naman kami ng landas. Nang magrecess hinanap ko siya pero hindi ko matagpuan. Kaya sa lunch ko nalang siya hinanap. Lumabas ulit ako ng school at tama nga ang hinala kong nandoon na naman siya. Naninigarilyo na naman. Ano kayang meron sa ganyan at gustong gusto niyang hinihithit?
"Nasasarapan ka ba sa sigarilyo?" bungad ko sa harapan niya. Kamuntik ko pa ata siyang magulat.
"Lumabas kana naman? Ikaw babae ka ang kulit mo rin." Iritado niyang sabi sakin.
"Yang sigarilyo mo. Diba masama yan sa kalusugan? Mabubutas yung mga lamangloob sa tiyan mo. Hindi ka ba natatakot?"
"I'll die anyway. Does it matter?" Hinithit niya ulit 'yon. Napatingin lang ako sa kanya nang binuga niya 'yon. Nagawa niya pang bumuo ng bilog. Napapalakpak naman ako. Para akong nakakita ng bubbles!
"Ulitin mo Seth." Napangisi ako.
"Nagiging secondhand smoker ka. Bumalik kana nga sa loob." Iritado niyang sabi.
"Lunch eh. Nandito ka nga sa labas." Napanguso ako.
"Hindi na ako papasok. Ano? Magcacut ka rin?" Ba't hilig niyang magcut ng klase? Hindi ba siya papagalitan ng parents niya pag nagbulakbol siya? Tsaka naninigarilyo rin siya. Hindi ba magagalit yung Mommy o kaya Daddy niya? Siguro pag nanigarilyo ako at nalaman ni Mommy gigitilan niya ako ng leeg.
"Hindi. Nandito lang ako para puntahan ka. San ka pupunta?"
"Iinom." tipid niyang sabi.
"Ng tubig? Softdrinks?" Tumaas yung kilay niya sa pinagsasabi ko. Ilang beses niya na ba akong tinataasan ng kilay? Tinatarayan niya ako!
"Alcoholic beverages. Beers, wines. Yung nakakalasing. Kung ayaw mong mahawaan ng pinaggagawa ko then stay away. Get it?"
"Huh? Nakakahawa ba 'yon? Hindi naman ako iinom. Hindi rin ako maninigarilyo."
"I'm bad influince. Go inside now. Aalis na ako." Tumalikod rin siya sakin. Nanatili lang ako dito sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko siyang mabuting umaalis. Ano kayang meron sa mga ganoong bagay at nawiwili siyang gawin? Nakakaawa naman yung mga lamangloob sa tiyan niya.
Nilingon niya ako. Kahit ang layo niya na sakin malinaw ko paring nakita ang mukha niyang naiinis ata.
Napakurap ako nang maglakad siya pabalik dito. Bakit kaya?
"Bumalik kana sa loob. Ba't nakatayo ka lang dito?" Naiinis niyang sabi.
"Pinapanood kita." sabi ko.
"I don't like you here. Pumasok kana."
"Bakit? Masama bang tumayo ako dito?" tanong ko. Nag-igting ang panga niya. Hindi ko alam kung ano ang ikinakagalit niya. Narinig ko yung bell ng school. Mukhang 5minutes nalang ay magsisimula na yung klase sa afternoon session.
"Wag ka nalang magcut. Sayang yung subjects mo. Tapos yung teacher mo mamarkahan ka ng absent." sabi ko.
"I'm used to it. Perfect attendance ako sa pagkacut ng klase. So, go back now." Naggesture siyang papasukin ako sa loob. Tumalikod na ulit siya. Ako naman ay nanatili lang dito sa kinatatayuan ko. Parang ayaw humakbang ng paa ko papasok. Ayaw nitong kumilos. Nakapako nalang ito sa sahig habang ang mga mata ko ay nakatingin lang sa imahe niyang lumalayo na naman sakin.
Nabibilang ko ang bawat hakbang niya. 17,18,19... huminto siya at nilingon ako. Nang makita niyang nakatayo parin ako ay nasambunutan niya nalang ang buhok niya. Naglakad ulit siya pabalik dito. Nang tuluyan siyang makarating sa harapan ko ay walang hesitasyon niyang hinawakan ang pulso ng kamay ko at kinaladkad ako papasok. Ang higpit ng pagkakahawak ng kamay niya sa pulso ko.
"Akala ko ba magkacut ka?" tanong ko sa kanya nang tuluyan kaming makapasok.
"Wag na. Bukas nalang. Tss."
"Huh? Talaga?" Napangisi ako.
"Ba't ang saya mo ata?" Tumaas na naman yung kilay niya.
"Kasi gawain yan ng mabait." Nagkasalubong yung kilay niya. Hindi ko talaga lubos matukoy kung ano yung kinakatakutan sa kanya ng lahat. He's not that evil afterall.
"That's not convincing. Papasok ako pero matutulog lang naman ako. I won't pay attention. I'm evil. In any ways."