6

1066 Words
Reason Maaga kaming dinismiss kaya naisipan ko agad na pumunta sa classroom niya. Alam ko naman yung 2nd year high school na mga classroom. Pwede ko lang siyang hanapin sa bawat bintana dahil nasisilip naman yung loob.  Pumaso nga ako sa bawat hallway. Napapatingin ako sa mga classroom. Ang raming napapatingin sakin kaya napapayuko agad ako.  "Totoo ba yung chismis sa kanilang dalawa?" narinig kong sabi nung estudyanteng nakasalubong ko.  "Nagpapapansin lang yan. Seth is not interested on girls. Imposibleng magkagusto siya sa babaeng yan. Wala nga yung interes kay Nicole Ylisanna Marie."  Hinayaan ko nalang yung pinagsasabi nila. Alam ko namang walang magtatangkang mangbully sakin dito dahil kay Yui. Naging kampante rin ako.  Dumaan ulit ako sa isa pang classroom. Napatingin ako sa loob at nakita ko nga siya doon. Yung dalawa niyang paa nakasandal sa harap na upuan habang may headset na nakasalampak sa tenga niya. Yung teacher parang walang pakialam sa pinaggagawa ni Seth.  May kung ano talaga sa awra niya na nakakasindak. Pero ang soft naman ng features ng mukha niya. Ang gwapo niya kaya.  Ilang sandali lang ay napalingon siya dito kaya napangiti agad ako. Napakurap siya at gulat ang mukha nang makita ako. Naiiling siyang tumayo at walang paligoy ligoy na lumabas. Napatingin lang sa kanya yung mga kaklase niya. Na pati yung teacher ay walang sinabi. Napatitig na silang lahat sa akin at nagtatanong ang mga mata. Nahagip pa ng tingin ko si Stolich na nasa upuan niya. Busy sa phone kaya walang alam sa paligid. Siya lang ata yung walang pakialam sa pinaggagawa ni Seth.  "Ba't ka nandito?" Iritado niyang sabi sakin. Hinila niya pa ang kamay ko at kinaladkad ako paalis doon. Bawat classroom na madadaanan namin ay napapalingon sa amin. Hawak niya kasi yung pulso ng kamay ko.  "Pinapangaralan mo pa ako sa pagcacutting classes pero ikaw pala itong bulakbol sa pag-aaral at gumagala lang. Bumalik kana sa klase mo." Iritado niyang sabi sakin.  "Maaga kaming dinismiss. Kaya nagdesisyon akong pumunta dito. Hindi ko naman alam na lalabas ka pala. Makakahintay naman ako. Bumalik kana sa klase mo." Natigilan siya sa sinabi ko at napalingon sakin. Magkasalubong na naman ang kilay niya.  "Tss." Nilagpasan niya rin ako. Sinundan ko lang siya ng tingin habang pumapasok na siya sa classroom niya. Napabuntong ako ng hininga at sumandal sa pader. Paano kaya mababago ang tingin ng karamihan kay Seth? Kapag ba gumawa na siya ng kabutihan ay hindi na siya mahuhusgahan? Pero naiintindihan ko rin naman siya. Ako nga wala naman akong ginagawang masama ay nahuhusgahan parin ako. Kahit wala ka namang ginagawang masama mahuhusgahan at mahuhusgahan ka ng lahat.  Napakurap ako nang makita ko ulit ang imahe niyang naglalakad na sa direksyon ko. Suot niya na yung packbag niya. Hindi pa naman tapos ang klase niya ah?  "San ka pupunta?" tanong ko nang makalapit siya sakin.  "I told you I'll cut my class today. Lalabas na ako."  "Pero hindi pa naman tapos yung class ah?"  "Do you think I care? No." Naglakad rin siya kaya sumunod lang ako. Ang bango niya. Yung parang pag sumasabay ka sa kanya mahahawaan ka rin. Siguro kung yan ang hahawa sakin papayag ako. Gusto ko ring mabango ako.  Napahinto siya sa kalagitnaan ng paglalakad niya kaya nabangga ako sa likod niya.  "Ba't ka ba sunod nang sunod?" Iritado niyang sabi sakin.  "Wala lang. Diba may usapan tayo? Maghahanap ako ng rason para bigyan mo ako ng karapatang gustuhin ka." Naging seryoso ang mukha niya. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa hagdan.  Lumapit siya sakin kaya natigilan ako. Hindi ko alam kung aatras ba ako o ano. Pero huli na. Dahil nakasandal na ako sa railing habang inilagay niya naman sa bawat gilid ko ang kamay niya. Wala akong kawala. Hindi ako makakatakas.  "Why are you so desperate to find the good side of me? Evil doesn't have a good side." Titig na titig siya sa mga mata kong sumasayaw ang tingin sa mata niyang napakablangko. Yung mata ng isang lalakeng hindi mo alam kung may gagawin bang masama sayo.  "Wala akong nakikitang kasamaan sayo." sagot ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Kinakabahan talaga ako! Lalo na't walang dumadaan na estudyante.  Inilapit niya pa ang sarili niya sakin. Isang pulgada nalang ang agwat namin. Parang sasabog ang loob ko nang lumapat ang tuktok ng ilong niya sa tuktok ng ilong ko. Napalunok ako ng laway pero ang hirap. Parang may nakabara doon.  "Wala kang nakikita? I'll show you then." Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang botones ng uniporme ko at unti unti itong kinakalas. Napahinga ako ng marahas. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko maikilos ang katawan ko. Para bang nagfreeze nalang ako bigla.  Nakalas niya ang isang botones ko. Sa oras na tanggalin niya ang isa pa ay sigurado akong tatambad sa kanya ang b*a ko.  "Anong..." Natigilan siya sandali. Para bang nagdadalawang isip siyang itanong 'yon.  "Anong shampoo mo? Pabango?" Napakurap ako sa tanong niya. Ba't niya 'yon tinatanong?  "H-Hindi ko alam. Yung katulong kasi yung naglalaba sa bahay. Hindi ko rin alam kung anong pabango yung nilalagay ni Mommy."  Tumaas ang kilay niya. Hinawakan niya ulit yung botones kong kinalas niya at ibinalik sa pagkakaayos.  "Hindi ka ba natatakot sakin? You seemed comfortable when you're with me." sabi niya habang nasa botones parin ang atensyon ko. Ang bango niya talaga! Ang sarap ikiskis ng katawan ko sa kanya.  "Kasi alam ko mabait ka."  "Mabait? Mabait ako? I am trying to undress you awhile ago. Mabait ba yan?" Ibinalik niya ulit sa pagitan ko ang kamay niya.  "Doon ba nasusukat ang kasamaan? Sa paghuhubad ng isang babae? Pero hindi mo naman itinuloy ah." Napangiti ako. Napatitig lang siya sa labi kong kumurba at nag-iwas ng tingin sakin. Laking pasasalamat ko rin talaga at hindi niya ako hinubaran. Eh baby b*a yung suot ko ngayon! Nakakahiya! Kailangan ko na sigurong suotin yung mga tunay na b*a na binibilin sakin ni Mommy.  "Tss. Ewan ko sayo." Lumayo rin siya sakin saka siya bumaba kaya bumaba narin ako. Nakabulsa lang yung kamay niya habang naglalakad siya. Seryoso ang ekspresyon ng mukha. Ngayon ko lang napansin yung maliit na diamond sa tenga niya. Natamaan kasi ng liwanag kaya kuminang 'yon.  "Magkacut ako. Kaya ikaw pumunta kana sa classroom mo."  "Eh uwian na pagkatapos nito diba?" Natigilan siya sa sinabi ko. Gusto kong matawa sa reaksyon niya.  "Edi bukas. Tss." Tumalikod siya sakin at naglakad na. Natawa ako dahil nagawa niya pang umiling at suklayin ang buhok niyang medyo magulo. Pinapakita niya saking masama siya pero ba't ganon? Wala akong makitang kasamaan sa kanya. Para lang siyang nagsusuplado. Was he faking it? Ba't gusto niyang tingin sa kanya ay masama kaysa patunayan na mabuti siyang tao? What's your reason Seth?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD