1

830 Words
Friendly date Excited akong pumunta ng Mall dahil ito ang unang pagkakataon na magmaMall kaming dalawa ni Yui. Yung kami lang talagang dalawa. Minsan kasi kasama namin si Ate Snow at Kuya Sylver. Hindi nga ako makapaniwala na nakita ulit ni Ate Snow yung sinasabi niyang lalake na naging kaibigan niya noong bata pa siya. Tapos si Yui naman na seatmate ko at naging bestfriend ko rin ay pinsan pala ni Kuya Sylver.     Sa lahat ng kaklase ko si Yui lang yung namansin sa akin at kinausap ako. Ang bait niya sakin.     Pagdating ko sa Mall ay may nakita akong pamilyar na imahe na nakatayo sa may entrance at parang may hinihintay. Magtatago na sana ako kaso nakita niya na ako. Napalunok ako ng laway. Ba't nandito si Stolich? Sinong kasama niya?     Hindi ako mapakali nang tuluyan na akong makapasok. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil nandito ang crush ko.  "Phoebe." Natigilan ako sa paglalakad lalo na't balak ko nalang sanang lagpasan siya. Hindi kasi siya namamansin eh. Si Yui lang yung close niya kaya nakakapagtaka at pinansin niya ako.  "S-Stolich. Ikaw pala." Ngumiti ako pero ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko. Ang gwapo niya rin kasi. Sino kayang hinihintay niya?  "Ano... hinabilin ka ni Lisanna sakin. Hindi siya makakapunta. Ako nalang ang sasama sayo dito." Nakamot niya ang batok niya.  Mas lalo akong natigilan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ba't nagawa sakin 'to ni Yui? Akala ko ba kaming dalawa lang? Ba't naging si Stolich? Oo crush ko siya pero nakakahiya naman siyang kasama. Masyado kasi siyang gwapo tapos ako parang ewan.  "H-Ha? Uuwi nalang siguro ako." Handa na akong tumalikod dahil ang pula narin ng pisngi ko nang bigla niyang hawakan ang pulso ng kamay ko. Mas lalo akong kinabahan. Sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Para na itong lalabas ano mang oras.  "Sayang naman. Nandito kana. Mapapagalitan ako ni Lisanna pag walang nangyari sa lakad mo."  Kinalma ko nalang ang sarili ko. Binitiwan niya rin naman ang pulso ng kamay ko. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng tipid kahit na hindi nawawala ang pamumula ng pisngi ko. Gusto kog matuwa dahil kasama ko ang crush ko pero nanghihinayang ako dahil hindi si Yui ang kasama ko. Siguro mas mag-eenjoy ako kung si Yui itong kasama ko hindi si Stolich. Nahihiya rin naman kasi ako sa kanya. Sikat siya sa school. Silang dalawa ni Lisanna. Pansin ko 'yon dahil sila ang usap usapan doon tapos ang rami pang napapatingin sa kanila. May ibang napapatingin sakin pero magkasalubong yung kilay. Iniisip nila na ginagamit ko daw si Lisanna para magpapansin dahil transferee lang ako. Hindi ko nalang pinapansin dahil hindi naman totoo at pinagtatanggol rin naman ako ni Yui.  Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Nakasunod lang naman ako sa kanya. Ni hindi ako umiimik. Pinapakiramdaman ko lang ang puso kong ang bilis ng t***k.  "Anong gusto mong laruin?" bigla niyang tanong sakin nang makarating kami sa arcades ng Mall.  "H-Ha. Ano... ikaw bahala." Napayuko ako. Ni hindi ko kayang tingnan siya sa mga mata niya. Pakiramdam ko pag titingnan ko siya doon ay manghihina ang tuhod ko ano mang oras. Ganito ba talaga pag may crush ka sa isang tao?  "First time mong makipagdate?" Napahigpit ang pagkakahawak ko sa pink kong purse. Ba't niya naman ako ididate? Tama ba yung pagkakarinig ko?  "D-Date? Date to?" Kumunot ang noo ko.  "Ano sa tingin mo? Are you scared? Hindi naman kita pagsasamantalahan." sagot niya sakin kaya napayuko lang ako. Pumasok kami sa loob kung saan makakabili ng tokens. Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Pakiramdam ko napipilitan lang rin siya. Ba't kaya naisipan ni Lisanna ang bagay na 'to?  Lumabas na kami doon at handa nang maglaro nang may tinawag siya. Parang magcouple yung dalawa kasi base narin sa mga inaasal nila. Ang ganda nung babae.  Doon ko lang nalaman na kapatid pala ni kuya Sylver yung lalake tapos yung babae naman ay girlfriend niya. Si Ate Abbegail. Nagdidate sila kaya nahiya ako sa aming dalawa ni Stolich. Hindi naman kami pero ba't kami nagdidate? Para lang yun sa magcouple eh. Crush ko si Stolich pero hindi naman siya nanliligaw sakin. Mukha nga lang siyang napipilitan.  "Kapatid ko si Sylver. Gusto kang makausap." Inilahad ni Kuya Jame Brancen ang phone sa akin. Kakatapos lang naming kumain. Kahit papano ay hindi na ako nailang dahil nandiyan naman si Ate Abbegail.  ["Phoebe. Ba't nakikipagdate ka kay Stolich? Ilang taon kana ha? 14 ka pa lang."] Bungad ni kuya Sylver sakin sa kabilang linya.  "Hindi naman 'to date eh. Lumabas lang kami namasyal." sagot ko.  ["Anong hindi date? Kayong dalawa lang tapos hindi date."] Iritado na ang boses nito.  "Ba't ka galit?"  ["Sinong kasama mo?"]  "Si Stolich. Mabait naman siya."  ["Oh diba! Lalake ang kasama mo. Nagdidate nga kayo."]  "Hindi nga date!"  ["Susunduin kita diyan. Baka nag-aalala na ang ate mo sayo. Wag kang humiwalay sa kapatid ko. Kakausapin ko yang si Stolich."]  "Okay." Napabuntong ako ng hininga at nakasimangot na ibinalik kay kuya Jame Brancen yung phone. Napansin ko kay Stolich na medyo namumutla na.  At katulad nga ng sinabi ni Kuya Sylver ay sinundo niya nga kami. Sa loob ng kotse pinagalitan niya kaming dalawa ni Stolich.  "Ang babata niyo pa para magdate. Pag-aaral muna atupagin niyo hindi landi." sabi niya habang nagmamaneho. Nasa likod naman si Stolich habang ako ay nasa front seat.  "Hindi ko siya nilalandi kuya Sylver." sagot naman ni Stolich.  "Pero idinate mo." sabi ni Kuya Sylver.  "Friendly date 'yon. Bestfriend naman siya ni Yui. Ewan ko ba sa babaeng 'yon kung anong pumasok sa utak." Naiiling na sagot ni Stolich.  Naging palaisipan sa akin kung anong rason ni Yui kung ba't niya kami ipinagdate ni Stolich. Ayan tuloy. Napagalitan kaming dalawa ni Kuya Sylver.  Friendly date. Ibig sabihin magkaibigan kami? O kaibigan lang ang tingin niya sakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD