Eager
"San ka ba pumupunta Phoeb?" tanong sakin ni Yui.
"Kay Seth." sagot ko. Lumukot naman agad ang mukha niya. Sa tuwing maririnig niya ang pangalan ni Seth literal talagang sumasama yang mukha niya. Na para bang narinig niya ang pinakamasamang tao na kilala niya.
"Ba't pa ba kasi si Seth! Phoebe naman eh! Demonyo 'yon! May sungay! Kawawa ka! Wag ka ngang magkagusto doon! Ano bang kagusto gusto sa lalaking 'yon! Sapat ba yung gwapo siya?! Hindi. Pag nalaman yan ni Kuya Sylver gigitilan niya yan ng leeg! Naninigarilyo pa! Tapos umiinom! Bully! Masama siya Phoebe! Pati mga daliri ng paa nun masama! Lahat!" Inis niyang sabi. Ang rami niya talagang nasasabi kay Seth. Pati nga kay Stolich ang tingin niya ay dyablo 'yon. Tapos si Seth naman demonyo. Ang sakit na nga nitong tenga ko dahil din sa tinis ng boses niya. Minsan tuloy pakiramdam ko bingi na ako.
"Mabait naman siya ah." sagot ko na ikinagulong lang ng mga mata niya.
"Ewan ko sayo Phoebe." Hindi na siya kumibo pa at itinuon nalang ang atensyon sa cellphone niya. Napatingin nalang ako sa labas ng bintana. Nagcut kaya 'yon ng klase? San kaya siya pumupunta?
Nang maglunch ay gumala ulit ako sa campus para hanapin siya. Pumunta ako sa classroom nila pero wala siya. Pati si Stolich wala na doon. Sigurado ako nandoon na naman yun sa classroom. Sinusundan rin si Yui. Hindi ko rin maintindihan ang babaeng 'yon. Ba't niya kaya tinataboy si Stolich? Dahil ba gusto niyang nagpapahabol? Ni hindi niya sakin nakukwento na may gusto siya. Pag tinatanong ko ang parati niyang sagot ay pinagtitripan lang daw siya.
Hinanap ko siya dito sa loob pero wala. Lumabas nalang ako. Kaso wala siya! Nasan kaya 'yon? Handa na akong tumalikod at pumasok nalang nang mabangga ako sa isang matigas na bagay pero napakapamilyar naman ng pabango. Napatingala ako sa kanya. At doon ko nakita ang seryosong mukha ni Seth.
"Kanina pa kita hinahanap." Napanguso ako. Ang tangkad niya rin kasi. Tumitingala na nga lang ako sa kanya.
"If you just look back then you'll see me following you." Napakurap ako. Sinusundan niya lang ako? Kanina pa? Ba't hindi agad siya nagpakita?
"Ba't ba hilig mong lumabas ng school?" Iritado niyang sabi. Galit na naman siya. Anong ikinakagalit niya kung nandito ako sa labas? Anong meron dito? Dahil ba naninigarilyo siya?
"Kasi nandito ka." sabi ko.
"Wala ako dito. Hindi ako dito tumatambay. Next time, don't go out alone. Kung hindi mo ako mahanap lumingon ka sa likod mo. Hindi yung lalabas ka nalang." Tumalikod siya sakin at pumasok sa loob kaya sinundan ko agad siya. Anong ikinakagalit niya pag nasa labas ako? Eh lumalabas nga rin siya?
"Galit ka ba?" Sinilip ko ang mukha niyang seryosong seryoso.
"I'm always mad at you. Hindi ko talaga alam kung ba't mo yan ginagawa." Huminto siya at yumuko ng konte para makalebel ang mukha ko ng mukha niya. Tiningnan niya ako ng seryoso habang nakabulsa naman ang mga kamay niya. "Ba't mo ba ako sinusundan? I want you to stay away from me. Get it?"
"Eh ikaw nga yung sinusundan ako. Ba't mo ako sinusundan?" Napangiwi siya sakin.
"Binabaliktad mo ako. Wag mong pinapasa sakin ang tanong ko sayo. Ba't ang hilig mong sundan ako? Ba't bigla kang naging ganyan? You don't even know me. You only know my name but not my personality. Aren't you scared? I'm a complete stranger."
"Kasi gusto kita." Wala na akong masabi kaya yun nalang ang nirason ko. Kahit ang totoo ay tinatakasan ko lang sina Yui at Stolich. Yung dalawa kasi ang komplikado rin! Si Yui itutulak ako kay Stolich! Tapos si Stolich napipilitan lang namang kasama ako. Ewan ko talaga sa dalawang 'yon.
"Wala ka paring karapatan para gustuhin ako hangga't hindi mo nahahanap yang sinasabi mong mabait ako. Na may kabaitan pa sa loob ko." Tumalikod ulit siya. Hinawakan ko naman agad ang dulo ng uniporme niya kaya napahinto siya at nilingon ako sa likuran niya.
"Pag nahanap ko 'yon... diba magugustuhan mo rin ako?" Napalunok ako ng laway sa tanong ko. Ang rami nang tumatakbo sa isipan ko sa magiging sagot niya kaso nagkibit lang siya ng balikat sakin. Naglakad siya kaya naglakad narin ako lalo na't hawak ko parin yung uniporme niya.
Bawat sigundo niya akong nililingon kaya napapangiti lang ako. Kaso umiirap naman. Tapos lilingunin ulit ako! Tapos pag ngingitian ko iirapan ulit ako! Napasimangot nalang ako nang lumingon ulit siya sakin, kitang kita ko kung paano siya natawa. Napakurap ako dahil sa tawa na 'yon. Para kasing ang genuine! At ang gwapo niya! Yung bituka ko nasa ere na ata at lumilipad sa halip na yung kaluluwa ko ang nandoon. Nakakatulala ang tawa na 'yon.
"Umabante ka nga." Nakangisi niyang sabi sakin kaya lumebel agad ako sa kanya. Ang bilis niya kasing maglakad eh! Hindi ko siya nasasabayan.
"Ba't ka tumawa?" tanong ko.
"Nakakatawa yung mukha mo." Napangiwi ako sa sagot niya. Ba't pakiramdam ko hindi 'yon nakakatuwa?
"San kana ngayon?" tanong ko nalang sa kanya para mawala yung topic tungkol sa mukha ko. Ang panget ko ba sa paningin niya?
"Wala. Dito sa loob." Kibit balikat niya.
"Hindi ka lalabas?" tanong ko.
"Hindi. If you just stop following me then I'll surely cut my class now." Tumaas ang kilay niya sakin.
"Ba't gusto mong nagcacut? Ba't naninigarilyo ka? Ba't nambubully ka? Ba't umiinom ka? Ba't ka nagka-cut ng klase? Ba't gusto mong tingin nila sayo masama ka?" Napangiwi siya sa sunod sunod na tanong ko. Nacucurious kasi talaga ako. Parang may rason ang lahat ng 'yon. Parang may mabigat siyang dahilan. Alam ko kasi na bawat kasamaan ng isang tao ay may mabigat na dahilan. Sino bang gustong maging masama? Anong nagtulak sa kanya?
"Ba't ang daldal mo?" Tumaas ang kilay niya. Napanguso ako. Ayaw niya talagang sinasagot! Bakit kaya? Ano kayang pinagtatakpan niya?
"Sagutin mo."
"I'm evil. Evil do bad things. Sapat na bang sagot 'yon?" Umiling ako. Ba't ba ang hilig niyang sabihin sakin na masama siya. Sa pagkakaalam ko wala namang tagahalili si Satanas. Nag-iisa siyang masama. Teka? Anong kaibahan ng demonyo kay Satanas? Demonyo si Satanas. Yun ata 'yon.
"Eh ba't ang puti mo? Diba dapat pula yung kulay mo?" tanong ko na ikinangiwi niya.
"Ano yun may regla ang buong katawan ko?" Napangiwi siya. Natawa ako sa term niya kaya siya itong napalingon sakin. Titig na titig sa pagtawa ko. Natikom ko tuloy ang bibig ko. Para kasing sinasabi ng titig na 'yon na wala namang nakakatawa.
"What are you?" Naguguluhan niyang sabi. Ano ba ako sa tingin niya?
"Babae?" Ngumiwi siya sakin at nailing rin. Yung tanong niya rin naman kasi ang obvious.
"Posible ba 'yon?" Narinig kong sabi niya sa sarili niya. Posible ang ano?
"Posible ang ano?" tanong ko sa kanya.
"Ang chismosa mo. Yung sarili ko yung tinatanong ko hindi ikaw." Ngumiwi siya sakin.
"Anong sagot ng sarili mo?"
"Why so nosy?" Umirap na naman siya. Nakakailang irap ba siya sakin araw araw? Nakakailang taas rin siya ng kilay araw araw? Bukod sa kilay niya, ano pang kaya niyang pataasin? Kaya niya rin kayang iikot yang tingin niya? Pero ang gumugulo sa utak ko ay ang rason kung ba't gusto niyang masama ang tingin sa kanya. Kailangan ko talaga yung malaman. I'm eager to find out the good side of evil. I know. There's a good side on him.