Kabanata XXXII

2254 Words

** “Mahal, anong oras ba makakadalo ang iyong kapatid?” tanong ni Richmond sa asawa niyang si Elester. Kasalukuyang abala ang ginang sa pagtatanim ng mga halaman sa mumunting paso. Napaangat ang kanyang mga mata sa asawa kasabay ng pag guhit ng ngiti nito sa kanyang mga labi. “Bakit nasasabik kang makita siya, Richmond?” isang kasagutan din ang tinugon nito. Umupo naman si Richmond sa upuang nasa harapan ng asawa. Nakadekwarto ang kanyang paa at napatitig sa malawak na lupain nasasakupan ng kanilang mansyon sa likurang bahagi. Nakapalumbaba ang ginoo sa sandalan ng upuan gamit ang isang kamay lamang habang hindi inaalis ang pagsulyap nito sa pinagkakaabalahan ng kanyang kabiyak.  “Sa balita niya ako nasasabik,” tugon nito. Tumango naman si Elester at sumulyap sa kanya.  Mahilig sa pam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD