Enero, 2017
MALAMIG ang klima at madalas binabalot ng nyebe ang iilang bahagi ng Naples, Italy tuwing buwan ng Enero. Doble ang suot suot kong abrigo sa ilalim ng aking abito ngunit ang lamig ay nanunuot pa rin sa aking balat. Tatlong taon na ako dito sa Italya pero ni minsa'y hindi ako nasanay sa papalit palit na klima na nararanasan sa loob ng isang taon.
Nakapalumbaba ako sa baranda at nakatingin sa kulay kulay asul at abong kalangitan habang inaabangan ang pagdating ng mga seminarian.
"Nandito na sila!"
Napatayo ako ng matuwid nang marinig ang kasamahan kong isa ring Novitiate. Agad ako napaupo sa corridor upang magtago muna sa ilalim ng baranda. Napaangat ang mukha ko sa mga Novitiate na nag uunahan tumatakbo upang makita ang mga seminarians.
Dinukot ko mula sa ilalim ng aking suot na abito ang aking face powder at lip gloss. Dali dali kong nilagyan ang aking mukha bilogang mukha ng face powder at labi ng lip gloss. Sinuri ko naman kung may kulang ba sa aking paandar na pagpapaganda at napansin ang aking nagkabuhol buhol na makapal na kilay. Binasa ko naman ng laway ang aking daliri atsaka ito iginuhit sa aking kilay.
"Perfect!" Puri ko sa aking sarili bago tuluyang tumayo. Ngunit nawala ang ngiti ko sa labi nang maagawan ako ng pwesto sa baranda.
Pasimple kong tinulak ang isang novitiate na naninisay sa kilig habang nakatanaw sa mga seminarian na nakatayo sa ibaba ng corridor. Hindi ko mabilang kung ilan ang nasiko ko sa araw na ito hanggang nakarating ako sa dating pwesto.
Muli akong pumalumbaba habang pinapaginipan nang nakadilat ang lalakeng pinatibok ang aking puso--Si Brother Mario. Kasama niya ang ilang Religious brothers at mga italyanong Pari. Pumapasyal sila rito isang beses sa isang buwan para sa Religious Community festival na ginaganap tuwing ika-dalawampu't limang araw.
Natural na kulay kayumanggi ang kanyang balat at may maitim na nakaayos na buhok. Kahit siya'y nakasuot ng kanilang itim na unipormeng sotana. Kitang kita pa rin dito ang kanyang magandang hubog ng katawan.
Nakabalik ako sa ulirat mula sa mundo ng pagpapantasya nang bumaling siya sa aking gawi. Agad akong napatayo ng maayos. Kahit hindi ako sigurado kung ako ang kanyang ningingitian ay ibinuhos ko pa rin ang aking pinakamagandang ngiti bilang tugon sa kanya. Ngumisi siya at umiling bago tuluyang ibinalik ang atensyon sa nagsasalitang katabi. Napahinga ako ng malalim, kung pwede ko lang sana siyang maangkin ay ginagawa ko na ngayon din.
Napatalon ako sa gulat nang may sumundot sa aking giliran. Bumaling ako sa aking likuran upang makita kung sino iyon.
"Celestine! Anong ginagawa mo diyan? Magsisimula na ang pagsasanay!" Si Maricel--Ang Pinay kong kaibigan na isang novitiate din.
Hinigit niya ako nang nagmatigas akong hindi sumama sa kanya. Muntik nang mahulog ang aking belong suot kaya dali dali kong itong inayos habang tumatakbo pababa ng hagdan.
Nang makarating kami sa likuran ng entablado kung saan kami magsasanay ay agad niya akong binigyan ng Lap Steel. Isang instrumentong ginagamit namin tuwing Orchestra.
"Pwede bang sumayaw na lang ako?" tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kanyang isang kilay. "Gusto mo bang magsumbong si Sister Ellena sa Mama mo?"
Sumuko ako't nagpaubaya atsaka kami tuluyang tumungo sa etablado para sa gaganaping pagsasanay.
Halos lahat kaming mga novitiates ay may mga dugong pinoy nang pinadala rito sa Naples pagkatapos namin mapagtagumpayan ang Aspirancy--Ang unang proseso upang maging ganap na Mongha. Isang taon na lang ang nalalabi at makakamtan ko na ang First Profession of vows, pangalawa sa pinakahuling proseso. Ngunit sa kabila ng kasabikan, may nararamdaman akong hindi kagustuhan, dahil hindi naman ito ang aking tunay na pangarap.
Pagkatapos ng kolehiyo, sa edad na dalawampung taong gulang ay ipinasok na ako ni Mama sa Pagmamadre. Pangarap ni Lola ito para sa kanya noong bata pa ngunit nang makatungtong ng Postulancy, umibig siya sa kapwa pinoy dahilan ng kanyang hindi inaasahang pagbubuntis sa akin. Kaya naman, sa akin niya ngayon ipinapasa ang adhikain ng aming mga ninuno na hindi makamit kamit dahil nauunahan parati ng pag-ibig.
Noong trese anyos pa lang ako, pinatay si Papa ng mga hindi kilalang tao sa harap mismo namin ni Mama. Hindi na rin namin nakamit ni Mama ang hustisya dahil sa bawat taon na lumilipas, tuluyan itong nababaon sa limot. Nakakalungkot man ang sinapit ng aking ama, umaasa akong balang araw makakamit din namin ang inaasam na hustisya. Dahil sa nangyari, hindi na ako nagkaroon ng kapatid. Hindi na nakapag-asawang muli si Mama kahit ilang beses kaming puntahan ng mga manliligaw niya noon sa bahay. Naging mahigpit din siya sa akin lalo na't kaisa isa akong anak.
Napatingin ako sa mga upuang bakante sa ibabang bahagi ng entablado. Lumuwa ang mata ko sa gulat nang mapansin sina Brother Mario at iba pa nitong kasama na umupo sa gawing kanan habang pinapakinggan kaming tumutugtog. Malakas ang kabog ng aking dibdib at hindi na maipokus ang sarili sa ginagawa.
"Celestine! You're out of tune," Napatalon ako sa gulat nang marinig si Sister Ellena na tinawag ang aking pangalan. Siya ay kalahating pinay at kalahating Italyana na tumulong sa akin makapasok dito sa Monasteryo.
Uminit naman ang aking pisngi nang nahinto ang lahat at bumaling sila sa aking direksyon. Sumulyap ako kay Brother Mario na tahimik lang akong pinagmamasdan sa kabila ng maingay niyang kasamahang nagkukwentuhan.
"Mi dispiace." (I'm sorry) Pagpapaumanhin ko at yumuko.
"Ripetere!" (Repeat) Aniya at muling isinaway sa ere ang hawak na stick.
Taong 2014 noong naramdaman ko ang unang pagkakataon magkagusto sa kaparehong kong sugo ng diyos. Si Brother Mario ay isang purong pinoy na ipinadala rin dito sa Naples, Italya para sa pagsasanay. Nakilala ko siya noong unang buwan ko rito sa Santa Chiara Monastery. Ngayon, 2017 na at dalawamput tatlong gulang na ako, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Hinahangaan ko pa rin siya mula sa malayo kapag bumibista siya rito sa Monasteryo.
Tatlong taon na pamamalagi ko rito sa Italya para sa pagsasanay, tatlong taon na rin ang lihim kong nararamdaman para sa kanya.
"Mga Filipino po kami," Narinig kong ani ni Maricel kina Brother Mario. Napatingin naman si Brother Mario kung kaya't agad akong umiwas at nagkunwaring inabala ang aking sarili sa pagpupunas ng ginamit na Lap Steel.
Natigilan ako ng may naglahad ng kamay sa aking harapan. Kumabog ng husto ang aking dibdib nang mapag-alamang kay Brother Mario ang kamay na iyon.
"Mario Cervantes ang aking pangalan, kinagagalak kitang makilala." Nadadalawang isip ako kung tatanggapin ko pero sa huli, ginawa ko pa rin. Magaspang ang kanyang kamay. Ang alam ko, kapag magaspang ang kamay ng lalake ibig sabihin masipag siya't magiging mabuting asawa sa hinaharap.
Hindi ko naman pinapaginipan ang maging asawa niya. Sumagi na lang iyon sa akin ang ideyang iyon sa aking isipan. Mahina akong napahalakhak at natigilan nang mapansin ang kanyang pagtataka sa aking biglaang pagtawa.
"Celestine Donato ang pangalan ko, ginoo." Pakilala ko sa sarili at binitiwan na ang kanyang kamay. Hindi ko maatim na magtagal pang magkadikit ang aming palad at baka mahimatay ako sa harap niya.
"Napakaganda." Puri niya. "Kagaya ng mukha mo ang iyong pangalan," Nilagay niya sa likuran ang kanyang dalawang kamay habang nakangiting humaharap sa akin. Matangkad talaga siya kapag malapitan. Kahit limang talampakan mahigit ang tangkad ko ay para pa rin akong diwende na nakatayo sa kanyang harapan.
"S-salamat." Nahihiyang tugon ko at kunwaring nilagay ang takas ng aking buhok sa likurang bahagi ng aking tenga kahit pa'y nakatago ang aking buhok sa ilalim ng aking belong suot.
"Marami ba kayong Filipino rito?" Tanong niya sa akin.
"Oo, mga bente hanggang trentang novitiates." Tugon ko sa kanya. Tumango siya at muling ngumitil.
"Ikinagagalak kitang makilala," Aniya.
Gusto kong manisay sa kilig pero pinipigilan ko ang sarili ko nang mapuna si Sister Ellena na sumusulyap sa akin. Siya ang nagsisilbing mga mata ni Mama sa akin rito sa Italya.
"Ako din, sa'yo." wika ko naman at ngumiti na rin.
Mayamaya, bigla akong hinigit ni Maricel ang aking braso at mahinang bumulong. "Magsisimula na ang poker," Agad nanlaki ang mga mata ko.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Umiling ako at tatanggi na sana nang hinigit niya ako palabas. Tumakbo kami patungo sa pinakadulong parte ng Monasteryo. Nawala ang pag-asa kong makilala ng lubos si Brother Mario dahil sa kanya.
Sa isang bungalow na binabalot ng makakapal na nyebe kami pumasok. Pitong silang novitiates ang naroroon. Agad kong nilibot ang mga mata ko sa buong lugar upang makasigurong walang makakakita sa amin. Hindi pa nagtatakip silim at ang lakas ng loob ng mga novitiates na ito upang gawin ang bungalow na kanilang sugalan. Hindi naman porket abala ang lahat gaganaping Festival, kumpyansa na silang hindi sila mahahanap dito. Ang titigas talaga ng mga ulo ng mga ito.
Gusto ko silang pagsabihan pero pakiramdam ko wala ako sa posisyon para gawin iyon, at isa pa, may pag uugali silang kinatatakutan ko kahit makita lang ang kanilang presensya.
Lumuwa ang mata ko sa gulat nang naglabas ng alak si Hino at sinundan ng kanilang hiyawan. Hindi ko rin mawari kung bakit hinayaan ko ang sariling dalhin ako ni Maricel dito.
"Anong tinutunga tunganga mo diyan, Celestine?" Tanong sa akin Karen. Nakatayo lamang ako sa kanilang giliran tsaka niya ako binigyan ng baraha. "Enjoy!" Patuloy niya at kumindat. Naalala ko si Valak sa kanyang ngiti sa labi.
Suminghap ako at mabilis na umiling. Kapag nahuli kami rito'y mananagot ako kay Mama. Kulang na lang ikulong ako sa isang ipitan 'non dahil sa kahigpitan at kung magalit nama'y parang tigreng inagawan ng pagkain. Kung kaya't sinusubukan kong magpakabait at maging masunurin sa kanya na kahit ang pangarap kong maging Contemporary dancer ay kinalimutan ko na.
"Hindi ka ba sasali? Pakihawak na lang oh." Ani Hino at ibinigay sa akin ang bote ng alak. Tinanggap ko naman ito at umupo sa kanilang giliran.
Tumunga si Hino ng alak sa kanyang baso at kinuha ang kanyang belong suot. Napatingin ako sa bote ng alak at agad kinabahan nang mabasang bacardi ang brand nito. Gusto ko silang paliguan ng holy water ngayon din!
Nang lumubog ang araw, si Anni at Maricel ay lumabas ng bungalow at nang bumalik may dala ng sulo na galing pang altar sa simbahan.
Umiling ako sa pagkadismaya at hinilot ang aking sintido habang pinapakinggan ang kanilang pagtawa.
"What the hell?" Di makapaniwalang mura ni Anni nang inubos ni Maricel ang laman ng boteng hawak hawak ko.
"Shh! Huwag mong gamitin ang salitang 'yan. Tayo ay mga sagradong tao. Tandaan mo, Anni." Natatawang suway naman ni Karen.
"Holy s**t!" Utas ni Maricel at binigyang-diin ang salitang 'Holy'. Sinabayan naman nila iyon ng pagtawa.
Namumula na ang kanilang mga mukha dahil sa kalasingan. Tumayo ako at aalis na sana bago pa kami mahuli dito nang pumasok ang tatlong lalakeng nakadamit ng puting kamiso. Kumalabog ng husto ang aking puso nang makilala ang isa doon ay si Brother Mario.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo sa gabing ito." Ani Mario at nilagpasan ako. Umupo siya sa tabi ni Anni at pumalupot naman ang kamay braso ni Anni sa balikat nito.
Napaiwas ako ng tingin. Kahit hindi ko naman pinangarap ang maging madre ay alam kong hindi dapat ganito ang ginagawa namin. Maling mali lalo na't malapit na kami sa pangalawa at huling proseso para maging isang ganap na madre.
"Ikaw ba ang gunner?" Alam kong sa akin iyon tinatanong ni Mario dahil hawak hawak ko pa rin ang bote ng alak.
Hindi ako sumagot at akmang lalabas ulit ng bungalow nang tumambad sa aking harapan si Sister Ellena at si Mother Superior Olivia.
Pakiramdam ko abot hanggang lupa ang pagkalaglag ng aking panga dahil sa gulat. Gayon din si Sister Ellena na nakatingin lamang sa alak na aking hawak.
"Oh my God!" Umalingawngaw ang boses ni Sister Ellena nang mapuna ang loob ng bungalow. Napatayo ang mga bagong dating na mga kalalakihan na kasalukuyang nakikisabay na rin sa mga kasamahan kong novitiates.
“ Oh my God, I'm so in love. I found you finally, you make me wanna say! Oh oh...” Sinabayan iyon ng boses ni Maricel na kumakanta at sumasayaw na kasalukuyang walang ka alam alam na nakatingin na sa amin nang seryoso ang isa sa makapangyarihan dito sa Monasteryo.
KINABUKASAN, napagdesisyunan ni Mother Superior na kami ay palayasin. Inihanda ko naman ang sarili sa gagawin pag alis sa Monasteryo habang ang ibang nahuli ay nauna nang umalis. Nakakalungkot dahil sa tatlong taong pamamalagi, ngayon ko lang dinanas ang bagay na ito. Naakusahan lang naman ako na kabilang sa kanila at alam ng diyos na wala naman akong ginawang masama. Nakarating din sa akin ang balita na malalagot din daw sina Brother Mario dahil sa pakikisali sa amin.
Malakas akong humikbi nang ibinaba ni Sister Ellena ang aking bagahe na naglalaman ng aking kagamitan. Ano ang mukhang ihaharap ko kay Mama kapag malaman niya ang lahat ng ito? Sigurado akong hindi ako mapapatawad non at sigurado din akong kamumuhian niya ako.
'Wala kang kwenta!' Sumagi sa isipan ko ang posible niyang sasabihin sa akin pag nakabalik ako ng Pilipinas..
"Sigurado akong malalagot ka sa Mama mo kapag nalaman niya ang lahat ng ito, Celestine." Aniya at dismayadong umiling. "Stai attento," (Take care) aniya at tumalikod sa akin.
Mas lalong lumakas ang aking hikbi habang inaabot ang kanyang saya.
"Sister, please! Help me!" Umiiyak na ani ko.
"Wala akong kapangyarihan para panatilihin ka pa, Celestine. Iisa lang ang may kayang gumawa niyan." Wika niya.
Si Mother Superior Olivia ang kanyang tinutukoy ngunit alam ko sa sarili kong isang himala na lang ang maka pagbibigay sa akin ng pangalawang pagkakataon.
“I can give you one last chance, Celestine.” Natigila ako kakahikbi at napaangat ang tingin sa hagdan upang sulayapan si Mother Superior.
Walang bakas ng emosyon ang kanyang mukha. Nakadirekta lamang ang kanyang magagandang mata sa akin.
Inimbitahan niya ako sa kanyang opisina. Ang boses ng kumakantang anghel ang sumalubong sa akin nang ako'y pumasok. Agad kong nilakbay ang mga mata ko sa medieval painting sa itaas ng kisame. Naglalakihan din ang mga instante sa likurang bahagi ng kanyang mesa. Bumabagay din sa kulay kapeng dingding ang tumatakas na sikat ng araw mula sa malaking bintana.
Si Mother Superior Olivia ay may dugong purong pinay na ipinadala rito sa Italya upang kami ay bantayan ilang araw matapos kaming maipadala rito upang mag-aral at matuto tatlong taon na ang nakalipas.
Hindi ako masyadong malapit sa kanya dahil sa pagiging tahimik niya. Naiintimida rin ako sa kanyang presensya.
"Noong unang sulyap ko sa'yo, Celestine, batid ko na agad na mayroon kang tinatago sa loob ng iyong masayahin at mapagmahal na personalidad. Ikaw ang perpektong imahe ng isang magiting na Mongha. Ngunit, sa kabila ng lahat, nangingibabaw pa rin ang takot sa iyong ina at pagtalikod sa sariling pangarap. Tama ba ako, Celestine?"
“Mother superior..” Utas ko at napayuko. Nilalaro ko ang aking kuko sa tuwing umaalingawngaw ang kanyang madiin at madilim na tinig.
Nagdadala iyong ng kaba sa aking dibdib.
"Celestine, sana'y alam mong hindi ko pinipilit ang isang tao maging katulad natin. Mas nangingibabaw ang sarili nilang pangarap kaysa sa pangarap ng ibang tao para sa kanila."
Mabilis akong umiling at lakas loob na nakipagtitigan sa kanya. "Mother Superior, kung ano man po ang pangarap ng aking ina para sa akin, masaya na po akong matupad iyon. Mas mahalaga po ang pangarap niya kaysa sa pangarap ko para sa'king sarili."
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatitig lamang siya sa akin na wari'y sinusuri ako ng husto. Masasaktan ako kapag hindi ko natupad ang pangarap ng aking ina para sa akin. Gusto kong maging mabuting ihemplo kung saan ang tanging maisusukli natin sa pagpapalaki at pag aalaga sa atin ng ating mga magulang ay ang pagiging masunuring anak.
"Kahanga hanga ang iyong pagmamahal sa iyong ina." Aniya at napatingin sa labas ng bintana. "Kung ninanais mo talagang manatili rito. Bibigyan kita ng pagkakataon, Celestine." Patuloy niya.
"Magiging sekreto ang nangyari kagabi. Hindi makakarating sa kaitas itasan sa isang kundisyon." Ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Mapagkakatiwalaan ba kita?"
Sunod sunod akong tumango. Kahit ano gagawin ko, hindi lang ako mapa alis nang tuluyan dito sa Monasteryo. Para bang nabuhay muli ang kasiyahan sa aking puso. Nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ang kanyang sumunod na ibinunyag.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Pagtataka, pagkabigla, og pagkalungkot.
“Matutupad ang iyong kahilingang mapanatili rito sa kung maidadala mo sa akin ang na abandonang kong anak na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Pilipinas." Nabasag ang kanyang boses sa huling salita. Napuna ko naman ang pag sayaw ng kanyang mga mata sa liwanag na wari'y naalala ang malungkot na sinapit niya at ng kanyang anak.
"Dalhin mo sa akin si Oier Goncuenco.”