Sinalubong ko ang matalim na tingin ni daddy, nang magkita kami sa loob ng korte. Halos patayin niya ako sa isip niya sa mga tingin niya sa akin ngunit binaliwala ko iyon. Kahit kaninang nililitis kami ay hindi ko man lang siya nakitaan ng pagsisisi kaya walang dahilan para makonsensiya ako sa kanya. "Laura!" sigaw ni Conchita sa akin. Katabi niya ang abogado niya. Inangat ko ang kanang kilay ko bilang tugon sa kanya. "Masaya ka na ba sa nangyayari? Nasa ospital ang dalawa kong anak at ang daddy mo ay nakakulong. Pagkatapos ako ay gusto mo rin ipakulong?" Hinawakan ni Jacob ang kamay ko para sabihin sa akin na 'wag siyang pansinin. Tumalikod ako para hindi sila kausapin. Naglakad kami palabas ng korte at sumakay ng kotse. "Laura! Magbago ka na sa kasalanan mo!" sigaw ni Conchita sa