JACOB'S POV: "JACOB!" tawag ni Laura sa akin. Huminto ako sa paglalakad at bumuntonghininga. Ilang araw ko ng hindi kinakausap si Laura dahil sa mga plano ko araw ng birthday niya." Hinawakan niya ang kamay ko. "Anong problema mo?" tanong niya. Bakas sa mukha niya ang labis na lungkot. "Bitawan mo ako," utos ko sa kanya. Sa halip na bitawan niya ako ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Sabihin mo sa akin kung anong ginawa kong kasalanan sa iyo," sabi niya sa garalgal na boses. Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya saka seryosong tumingin sa kanya. "Stay here." Hindi ako nakatiis hinalikan ko siya sa noo bago ako umalis. "Jacob!" tawag niya. "Mag-ready ka para bukas dahil maghaharap ulit kayo ni Conchita at ng daddy mo sa korte." Tuluyan na akong umalis. Sinundan naman ako ng bodyguard k