"Laura! Wait!" Habol sa akin ni Ferdinand. Hindi ko siya pinakinggan. Nagdire-diretso akong naglakad papunta sa venue namin kung saan naroon ang mga bisita namin. Sasabihin ko sa kanilang hindi matutuloy ang kasal namin bukas. "Laura!" Sabay hawak ni Ferdinand sa braso ko. "Bitawan mo ako! Nandidiri ako sa iyo!" "Please, kalimutan mo na ang sinabi ko kanina. Patawarin mo ako, pangako magbabago na ako. Ituloy natin ang kasal natin. Nakakahiya sa pamilya at kamag-anak ko." "May hiya ka pala? Walang kasal na magaganap bukas. Gising na gising na ako sa pagiging tanga ko." Ihahakbang ko sana ang mga paa ko ngunit pinigilan niya at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry! I'm sorry!"humagulgol ng iyak si Ferdinand. Tinulak ko siya at sinampal. "Nandidiri ako sa iyo!" Hindi niya ako napigilan sa