"Baby, bakit ka nandito ka sa labas?" Niyakap ako ni Ferdinand ng nakatalikod. Nandito kami sa bahay ng magiging biyenan ko ngayon. Binigyan kami ng early wedding party ng magulang niya at kamag-anak ngayon. Bukas kasi ay magkakaroon na ng bisperas ng kasal namin. Dahil nasa probinsya kami kaya hindi mawawala ang bisperas ng kasal. Pinikit ko ang mga mata ko upang lasapin ang mainit na yakap ni Ferdinand. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-sink in sa utak ko na magiging Mrs. Cruz na ako sa mga susunod na araw. "Baby, baka hinahanap n tayo sa loob," anito. "Mauna ka na pagmamasdan ko lang ang maliwanag na buwan," sagot ko. Tumingin na rin siya sa kalangitan. "'Di ba ang ganda pagmasdan ng langit." "Oo, pero mas maganda ka pa sa langit." Namula ang mukha ko lalo nang hindi alisin