JACOB'S POV: "MR. DEL MONTE!" Huminto ako at muling humarap sa businessman na si Mr. Hagrivies. Isa sa mga kumpanya na pangunahing nagsu-supply sa Delmonte Manufacturing Service Incorporation. Lumuhod siya sa harap ko. "Nakikiusap ako sa inyo bigyan mo ako ng isang pagkakataon para itama ko ang pagkakamali." Humagulgol siya ng iyak. Buntong-hininga ako at hinagis ko ang barya sa sahig. Tumigil siya ng iyak at saka tumingala sa akin. "Anong ibig sabihin nito?" Seryoso kong sinalubong ang tingin niya."Nakikita mo ba ang barya na 'yan? Ganyan ang kikitain ko kung sakaling bibigyan kita ng second chance." "Mr. Delmonte!" "Mr. Hagrivies, hindi ako mahilig mag-alaga ng hayop lalo pagdating sa negosyo. Kung hindi ka titigil pupulutin ka sa putikan." Binigyan ko siya ng matalim na tingin