"BAKIT GISING ka pa?" tanong sa akin ni Jacob. Nasa loob kami ng kuwarto namin habang si Jacob ay nanonood ng movie. Sa gilid niya ay may bote ng whisky. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong alas-dos na ng madaling araw. “Nakatulog na ako, ikaw bakit gising ka pa?” “Tsk! Lagi naman akong madaling araw natutulog. What’s new?” Bumangon ako at uminom ako sa wine glass niya ng alak. Nakasimangot na naman si Jacob, nang tumingin ako sa kanya. “Bakit mo ginamit ang baso ko? Hindi mo ba alam ininuman ko na ‘yan?” “Eh, ano naman? Hindi ko alam na nandidiri ka sa ginawa ko. Mag-asawa na tayo at pinagsaluhan natin ang laway natin tuwing nagki-kiss.” Hindi niya ako pinansin sa halip ay pinagpatuloy niya ang pinapanood niya. “Excited na ako mamaya. Sa wakas ay makukuha ko na rin ang k