"ARE YOU OKAY?" Nilingon ko si Jacob at pilit na ngumiti sa kanya. "Yeah, I'm okay." Muli kong tiningnan ang sasakyan nina daddy. Sinundo niya ang pamilya niya. Ngumiti ako sa kanya. "Yes, I’m okay.” “Huwag kang mag-alala hindi naman sila magtatagal na malaya dahil makukulong din sila.” “I trust you, may naisip lang akong plano.” Nagsalubong ang kilay niya. “Anong plano mo?” “Gagamitin ko si Ferdinand para maramdaman ni Amelia ang sakit na dinulot niya sa akin." "What do you mean?" "Dalhin mo ako kay Ferdinand." Tumango siya. "Okay." In-start niya ang engine ng sasakyan at umalis na kami sa presinto. "Gusto mo bang makausap muna si Attorney Vegas?" Tumingin ako sa kanya. "Dumating na siya?" Tumango ako. "Yes, nasa pangangalaga ko na siya." "Thank you, puntahan muna natin si