AMELIA'S POV: "AMELIA DE GRACIA!" tawag ng pulis. Tumayo ako sa at lumapit sa rehas na bakal. "Anong kailangan mo?" pagtataray ko sa pulis na tumawag sa akin. Binuksan niya ang rehas na bakal. "Pansamantalang makakalaya ka habang nililitis ang kaso mo." Nilingon ko ang mga kasama ko na mga babae sa bilangguan. "Sinabi ko sa inyo hindi ako magtatagal dito!" Nameywang ako sa kanila saka tinaasan ng kilay. "Kayong mga hampaslupa ay habang buhay ng nakakulong mabubulok kayo rito!" Humalakhak ako na upang mas lalo silang magalit. Kung wala akong pera ay baka kawawa ako sa loob ng bilangguan katulad ng mga babae kasama ko na sobrang babaho. "Lumabas ka na ang dami mong sinasabi." Binuksan nito ang kulungan. "Hindi na ako babalik dito!" sigaw ko nang lumabas ako. Inunat ko ang katawan ko,