"Laura, anak…" sambit ni mommy. Hinawakan ko ang mukha ni mommy, at hinaplos ko ng dahan-dahan hanggang sa maramdaman ko ang lambot ng mukha niya. Hindi ko na naman maiwasan na hindi umiyak. "Bakit kayo nagtago ng matagal na panahon? Anong nangyari?" "Mahabang kuwento. Sasabihin ko sa iyo ang lahat, pero sa ngayon ay kumain muna tayo." Tipid siyang ngumiti. Tumango ako. Walang paglagyan ang kaligayahan ko ngayon, kahit siguro bigyan ako ng bilyon ay hindi ko ipagpapalit ang saya ko ngayon. "Laura, hindi ko napakilala sa iyo ang tito Roco mo." Tumingin siya sa daddy ni Brix. "Mahal, siya ang anak ko si Laura." Ngumiti si tito Roco. "Finally, nagkita na rin tayo. Alam mo bang matagal kang kinukuwento ng mommy mo." "Mommy, bakit Giselle ang tawag sa iyo ng mga katulong?" Bigla kong naa