"Miss Laura!" Nagtitili si Iskaia nang tawagin ako. Kulang na lang ay madapa sa kamamadali para lang makalapit sa akin. "Bakit?" Paalis na sana ako para magpa-check, gusto ko rin magpapalit ng gatas na iniinom ko kasi hindi ko gusto ang lasa. Habol ang hininga niya ng lumapit sa akin. "Pinapatawag po kayo ni sir Brix. Umangat ang kilay ko. "Anong kailangan niya?" Halos dalawang linggo na akong nakatira sa kaibigan ni mama at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Gayunpaman ay mga tao na rin akong nasa Pilipinas ang pasikretong nag-iimbestiga sa mga nangyayari kay Jacob. Gusto ko na rin madali para makasama ko si Jacob, lalo na ngayon alam niyang kasabwat ko si mama sa pag-alis ko. Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam kung bakit puntahan n'yo na lang po." "Okay, sige pu