"Laura, kailan ang check up mo sa Ob-gyne mo?" tanong sa akin ni mommy. Nakaupo kaming dalawa sa gilid ng pool. Kakaahon lang namin dalawa. Halos magdadalawang buwan na ako sa Amerika at sa loob ng dalawang buwan na 'yon, naging masaya ang buhay ko. Masarap kasama sina Brix at tito Roco, wala akong nararamdaman na pagkailang sa kanila. Nasanay na rin ako sa kumpanya nila at tinuruan nila ako kung paano makakuha ng mga kliyente at investor na makakatulog sa paglago ng negosyo. "Bukas po." "Sasama kami ng tito Roco mo sa check up mo bukas." "Mom, sasamahan na ako ni Brix bukas." Nahihiya akong sumama sila dahil baka makaabala ako sa kanila. Sa loob ng dalawang buwan kong pamamalagi dito ay nakita ko kung gaano sila ka-busy. "Matagal na namin pinagplanuhan ang bagay na ito kaya 'wag k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books