CHAPTER 13

2081 Words

"Laura, ngayong araw ba kayo mag-uusap ni Attorney Vegas?" tanong ni Daddy sa akin habang kumakain kami ng almusal. Tumango siya. "Yes, Daddy. Ibibigay na niya sa akin ang lahat ng hawak niyang dokumento na mga kayamanan ni Mommy. Nagkatinginan si Daddy at Tita Conchita. "Mabuti naman kung gano'n. Kailangan ko na bang tawagin ang Abogado ko para maging legal ang paglipat mo sa akin ng kayamanan ni Divina. "Huwag n'yo muna tawagan ang abogado n'yo. Mag-usap muna kami ni Attorney Vegas" "Anak, 'wag mong kalimutan ang ipinangako mo sa akin." "Huwag po kayong mag-alala hindi ko nakalimutan ang bagay na iyon." Ngumiti siya. "Kumain ka ng marami," anito. "Si Amelia?" takang tanong ko. "Hindi pa siya umuuwi ngayon kasama yata niya ang boyfriend," sagot ni Conchita. "Bakit hindi niya pina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD