"Good morning!" Matamis na ngiti ang naging bungad ko sa kanilang lahat.
Salubong ang kilay ni Daddy, samantalang si Conchita ay nagulat sa akin.
"Nanaginip ba ako?" hindi nakatiis na tanong ni Conchita.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya sa halip ay umupo ako sa tabi nila Amelia. Hindi ko pa rin kayang makipagplastikan kay Conchita. Ang mga anak lang niya ang tatanggapin ko dahil naging mabait sila sa akin.
Ngumiti si Amelia nang hawakan niya ang kamay ni Conchita. "Mom, tanggap na po kami ni Laura bilang kapatid niya."
"Tama si Ate Amelia," sabat naman ni Atasha.
Naluluha naman sa saya si Conchita dahil sa sinabi ni Amelia.
"Totoo ba ang sinabi nila Amelia?"
Napawi ang ngiti ko nang tumingin ako kay Conchita. "Napag-isip kong wala naman silang kasalanan sa panloloko n'yo sa Mommy ko, kaya tatanggapin ko silang bilang stepsister ko."
Nagkatinginan si Daddy At Conchita.
"Alam kong mahirap para sa iyo na tanggapin ako. Pero masaya pa rin ako dahil tanggap mo ang mga anak ko."
Tumango at sinimulan kong kumain. Ito ang unang beses kong makakasabay sila sa pagkain. Habang kumakain kami ay hindi ako komportable lalo na at hindi ako pinapansin ni Daddy. Ang tanging kinakausap niya ay ang mga anak ni Conchita. Nagmukha tuloy akong hindi tunay na anak sa ipinakita ni Daddy.
Nang hindi ko na kayang tagalan ay tumayo ako. "Tapos na akong kumain."
"Sis, hindi mo naubos ang pagkain mo. Ayaw mo ba ng almusal?" Baka sa mukha ni Amelia ang pag-aalala.
Ngumiti ako sa kanya. "Busog na ako."
"Kung hindi mo kayang ubusin huwag kang kukuha ng marami," sagot ni Daddy.
"Dad, hayaan n'yo na po si Laura, baka nabigla lang siya sa pagkuha ng pagkain," sagot ni Amelia. Sumenyas pa siyang umalis na ako para hindi na humaba ang usapan namin ni Daddy.
Pumasok ako sa kuwarto para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Ngayon lang ulit ako babalik sa trabaho. Isang linggo mula nang gamitin ang mukha ko sa scandal video.
Naglalagay na ako ng lipstick sa labi nang marinig ko ang katok sa pinto ng kuwarto ko.
Lumapit ako para buksan. "Dad."
Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin ngunit hindi naman siya galit. "
"Mamaya ka na pumasok. Kailangan nating mag-usap."
"Tumango ako sa kanya at pagkatapos at sumunod ako papunta sa office room niya. May isang silid sa bahay na ginawang opisina para sa mga biglang meeting ng mga kaibigan niya sa negosyo.
Umupo si Daddy sa harap ng table.
"Bakit n'yo ako gustong makausap?"
Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay umiyak ng malakas, kaya bigla akong kinabahan.
"Anong nangyayari sa inyo, Daddy?"
Pinunasan niya ang luha niya gamit ang suot niyang damit.
"Hindi mo lang alam kung gaano kasakit nang mawala ang Mommy mo. Oo, may kasalanan ako sa kanya dahil nambabae ako. Pero siya naman ang unang nagloko sa amin."
"Ano? Sigurado ba kayo diyan?"
Tumango siya. Nahuli ko silang dalawa ng lalaki niya, at dahil sobrang sakit ng ginawa niya. Naghanap rin ako ng babae para maramdaman niya ang sakit na ginawa niya sa akin. Nang malaman niyang may ibang babae ako ay pinagtangkaan niyang akong patayin. Pinatawad ko siya dahil mahal ko siya. Sinabi ko sa Mommy mo na kalimutan namin ang lahat para magsimula kaming muli."
"Totoo ba ang sinasabi mo, Daddy?"
Tumango siya. "Totoo ang sinabi ko at nalaman kong bago siya namatay, nakipagkita siya sa lalaki niya. Hindi ko ito sa iyo sinabi dahil ayokong masira ang pagkakakilala mo sa kanya. Namatay si Divina na ginagalang ng lahat. Wala silang alam sa kalokohan ginawa niya. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit madali sa akin na palitan siya? Kailangan kong gawin iyon para makalimutan siya."
Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko si Daddy. Gulong-gulo ang isip ko ngayon.
"Iyon lang ba ang dahilan kung bakit n'yo ako gustong kausapin?"
Tumingin siya sa akin. "Anak, nakikiusap ako sa iyo. Ibigay mo na lang sa akin ang naiwang kayamanan ng Mommy mo. Hayaan mong palaguin ko ito para sa future natin lahat. Gusto kong hindi masayang ang pinaghirapan ng Mommy mo. Gusto ko itong palaguin."
May punto si Daddy. Ang daming negosyong iniwan sa akin si Mommy at kapag nakuha ko ang mga ito ay mahihirapan akong patakbuhin ito ng maayos.
"Dad, pag-iisipan ko ang sinabi n'yo sa akin.
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. "Salamat, anak."
Pinigilan ko ang luha ko na 'wag umiyak. Ngayon na lang niya ako ulit niyakap at sinabihan na anak. Mas madalas kasi niya akong sinasaktan.
Pinunasan ni Daddy ang luha niya at pagkatapos at ngumiti. "Gusto mo ba na ihatid kita sa kumpanya?"
Tumango ako. "Sabay na po tayo nila Amelia."
"Masaya ako dahil close na kayong tatlo."
"Mabait po sila sa akin kaya walang dahilan para magalit ako sa kanila."
"That's my girl." Inakbayan ako ni Daddy habang palabas kami ng opisina niya. Napawi ang ngiti ko nang makita ko si Conchita na naghihintay sa amin.
Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. "Pupunta na kayo sa kumpanya?" tanong ni Conchita.
"Ihahatid ko lang ang mga anak natin. Hindi ako pupunta sa kumpanya nandiyan naman si Laura." Sabay ngiti sa akin ni Daddy.
"Mabuti naman at nagkaayos na kayong mag-ama. Talagang napakabuti ng Diyos dahil dinidig niya ang panalangin ko." Tinaas ni Conchita ang dalawang kamay at tumingala. "Thank you, Lord!"
"Magkita na lang tayo mamaya." Humalik pa si Daddy kay Conchita.
"Agahan mong umuwi dahil kailangan natin paghandaan ang forty days ni Divina," sabi ni Conchita.
Natigilan ako at tumingin kay Daddy. "Daddy?"
"Hindi ko makakalimutan ang forty days ng Mommy mo. Kailangan natin siyang dalawin sa puntod niya at ipagmisa natin ang kanyang kaluluwa nang sa gano'n ay matahimik na siya.
"Daddy!" Sabay yakap ko sa kanya. Tuluyan na akong umiyak. Hindi ko inaasahan na narinig ko iyon kay Daddy. Ang akala ko ako lang ang pupunta bukas sa puntod ni Mommy.
Hinimas ni Daddy ang likod. "Huwag kang umiyak."
"Thank you, Daddy."
"Umalis na tayo baka abutan tayo ng traffic."
Hindi mawala ang ngiti ko habang nasa loob kami ng isang sasakyan. Hindi ko akalain na darating pa ulit ang ganito. Kasama ko stepsister ko at si Daddy. Masaya kami habang nag-uusap.
"Daddy, sino ang maganda sa amin tatlo?" tanong ni Atasha.
"Maganda kayong lahat pero siyempre mas magandang anak ko." Sabay tingin ni Daddy sa akin.
Ngumiti naman ako kay Daddy.
"Sabi ko na si Laura ang pipiliin mo," wika ni Atasha.
"Maganda ka rin,"sagot ko kay Atasha.
"Thank you, Ate Laura."
Nagpatuloy ang kuwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa kumpanya. Dumireto ako sa opisina ko habang sila ay pumunta sa kanilang opisina.
"Good morning, Ma'am," bungad sa akin ng sekretarya ko.
"Morning."
"Ma'am, gusto ko lang po i-remind sa inyo na may meeting ngayon kay Mr. Timothy Vercilla ng alas-diyes ng umaga."
Kumunot ang noo ko. "Tungkol ba saan meeting namin?"
Sa pagkakaalam ko ay wala akong naiwan na meeting sa customer namin dahil bago magkaroon ng medical program ang kumpanya ay tinapos ko na ito."
"Ma'am, nagpa-schedule po si Mr. Timothy Vercilla last day sa inyo."
Tumango ako. "Okay, sige."
"Thank you, Ma'am."
Nang umalis ang sekretarya ko ay muli kong ipinagpatuloy ang mga naiwang trabaho ko. May isang oras pa ako bago ang meeting ko. Ngunit bente minutos pa lang at nakalipas ay tumawag ang sekretarya ko para sabihin na may ide-deliver sa akin na flowers na galing kay Ferdinand Cruz. Nakangiti ako nang ibigay sa akin ng sekretarya ko ang palumpon na rosas.
"Thank you." Inamoy ko ang bulaklak.
Kahit hindi kami madalas magkita ni Ferdinand ay lagi naman niya akong binibigyan ng bulaklak at chocolates. Feeling ko tuloy ay nanliligaw siya sa akin. Ganito siya noong bago pa lang kaming magkasintahan.
Tinawagan ko siya ngunit hindi niya sinagot kaya nag-iwan na lang ako ng text sa kanya. Wala pang dalawang segundo ay nag-reply siya sa akin.
"Baby, I miss you, nandito na ako sa labas hinihintay ka."
Ngumiti ako at lumabas ng opisina ko. Ngunit wala naman akong nakitang Ferdinand. Inikot ko tingin dahil baka nagtatago lang siya.
Nakita ko si Amelia na nagmamadali sa paglalakad.
"Sis, saan ka pupunta? Bakit nagmamadali ka?"
Bigla siyang huminto. "Ha?" M-May naiwan ako sa kotse ko. Ikaw, sino ang hinihintay mo?"
"Si Ferdinand, nag-text siya sa akin na nasa labas daw siya."
"H-Ha? Baka pina-prank ka lang. Sige, lalabas na ako." Tumalikod siya sa akin at nagmamadaling umalis.
Pagbalik ko sa opisina ay bigla namang nag-text si Ferdinand.
"Baby, It's a prank! Na-miss na kita kaya kung ano-ano ang sinasabi ko. See you tomorrow. I love you."
Ngumiti ako. Ang akala ko talaga ay totoo ang text niya. Mas masaya na kung magkikita kaming dalawa.
Nang sumapit ang alas-diyes ng umaga ay pumunta ako sa conference room para kausapin ang si Mr. Timothy Vercilla.
Pagpasok ko sa loob ng opisina ay nagulat ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Ang akala ko ay matandang lalaki ang ka-meeting ko ngayon. Ngunit nagkamali ako dahil hindi nalalayo ang edad niya sa akin. Nakangiti siya sa akin habang nakatingin. Matangkad si Timothy at may kulay abuhin na mga mata.
"Pumasa na ba ako sa panlasa mo Miss
Laura Flores?" Pilyo siyang ngumiti.
Lumunok ako. "Anong dahilan bakit gusto mo akong makausap?" Pagbabago ko ng topic.
"When it comes to microelectronics chips, I've heard that Del Monte Manufacturing Services, Inc. provides outstanding products."
Tumango ako. "Yes, we also provide PCBs and PCBAs."
"That's good. Kailangan namin ang PCB sa bagong kumpanya na bubuksan namin."
"I believe I must introduce you to our business and products."
Tumango siya. "It's not necessary because I trust you and your business."
"Mr. Vercilla, building a successful business career requires more than just trust. There are a lot of fraudsters in the industry."
"I know how to find trustworthy people. Ikaw alam mo kung sino ang mga tao na dapat mong pagkatiwalaan?"
Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean?"
Nagkibit-balikat siya. "Tandaan mo hindi lahat ng ahas gumapang sa lupa. Ang iba sa kanila ay may dalawang paa at kamay. Mag-ingat ka dahil kahit pakainin mo siya sa palad mo tutukain ka pa rin niya."
Mas lalong naging malabo sa akin ang sinasabi niya sa akin.
"Sino ka ba?"
Tumayo siya at lumapit sa akin. "Your fairy-godfather. Katulad ng pinag-usapan natin kanina. Interesado ako sa produkto n'yo." Pasipol-sipol siya habang naglalakad palabas ng conference room.
Huh? Okay lang kaya siya?
Palaisipan sa akin ang sinabi ni Timothy kaya nag-search ako ng tungkol sa kanya. Nalula ko nang makita kong ang achievement ng niya at ng kumpanya niya.
"Ibig sabihin talagang interesado siya sa produkto namin."
"Ate Laura, hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Atasha.
Tiningnan ko ang relong-pambisig ko at nakita kong alas-singko nang hapon.
"Mauna na kayo ni Amelia umuwi may tatapusin lang ako."
"Okay, ingat!"
Isang ngiti ang naging tugon ko pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang mga dokumento na binabasa ko. Kailangan ko itong tapusin dahil bukas ay hindi ako pupunta ng kumpanya. Dadalaw kami ni Daddy sa puntod ni Mommy.
"Ma'am." tawag isang supervisor ko na pang night shift.
Tumingala ako sa kanya. "Yes?"
"Hindi pa ba kayo uuwi? Alas-nuebe na po ng gabi."
"Hindi ko namalayan ang oras." Inunat ko ang katawan ko at nakita ko ang kape ko. Dalawang baso ng kape ang ininom ko maghapon.
"Pahatid kayo sa driver natin," sabi ng isang supervisor.
Tumango ako. "Thank you." Hinatid pa niya ako hanggang sa makasakay ako ng sasakyang. Nasa loob pa lang ako ng kotse ay nakatulog na agad ako. Nagising na lang ako nang gisingin ako ng driver ko.
"Thank you." Nagbigay ako ng tip sa driver bago ako pumasok sa loob ng bahay. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko at humiga sa kama ng kalahating minuto at pagkatapos ay nag-half bath ako. Nang makapagbihis ako ay lumabas ako ng kuwarto. Itatanong ko sana kay Amelia kung kilala niya si Timothy. Ngunit kakatok pa lang ako sa pinto niya ay narinig ko ang malakas na ungol ni Amelia.
"Ohhh! Ohhh! Harder!"
Kinabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naka-lock ang pinto ng silid niya. Gusto ko sanang makita kung sino ang kasiping ni Amelia pero madilim ang silid niya.
"Bukas na lang baka magalit sa akin kapag na bitin sila ng boyfriend niya."
Bumalik ako sa kuwarto ko at kinuha ko na lang ang picture ni Mommy.
"Mommy, ang daming sinabi si Daddy tungkol sa iyo pero hindi ako naniniwala sa kanya. Alam kong hindi ka gano'n babae. Dadalawin ka namin bukas ni Daddy. I love you, Mommy." Hinalikan ko ang picture ni Mommy.