CHAPTER 8

2072 Words
Alasais pa lang ng umaga ay nasa loob akong kumpanya. Sinadya kong pumasok ng maaga dahil ayokong sumabay sa pagkain ng almusal si Daddy at ang pamilya ni Conchita. Isa rin sa dahilan kaya ako maagang pumasok dahil may medical program kami ngayon. Tatlong malalaking hospital ang sumuporta sa amin at nagpadala ng mga Doktor at Nurse, na pupunta sa kumpanya namin para magbigay ng serbisyo sa mga empleyado namin at pamilya ng mga ito. Taon-taon itong ginagawa para matulungan ng mga empleyado naming may kamag-anak na may sakit. Nagbibigay rin kami ng mga libreng gamot at vitamins para sa mga bata at matatanda. Ito ang pinaka-paboritong programa na gusto ni Mommy kaya ngayon ay gusto ko na rin. "Good morning, Ma'am," bati na sa isang security guard na umiikot sa building. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon ko. Pagkatapos ay tumawag ako sa cafeteria para magdala sa akin ng breakfast. Habang kumakain ako sa loob ng opisina ko ay bigla namang tumawag sa akin si Ferdinand. "Good morning!" paunang bati ko sa kanya. "Hi! Baby, nandito ako sa bahay n'yo hinihintay kita." "Wala na ako sa bahay." "Where are you? Maaga akong nagising para ihatid ka. Gusto kong bumawi sa iyo ngayon." "Nandito ako sa kumpanya dahil may medical program kami para sa mga empleyado namin." "Okay, susunduin na lang kita mamaya." "Okay, sige sunduin mo na lang ako mamaya kung hindi ka busy." "Sure, I love you, Baby." "I love you too." Sabay putol ko sa tawag niya. Kung hindi ko gagawin 'yo ay baka maubos ang oras ko sa pakikipag-usap sa kanya. Nang mga nagdaang araw kasi ay naging busy na si Ferdinand dahil tinanggap niya ang offer ng magulang niya sa kumpanya kaya busy siya palagi. Iyon din ang dahil kaya late na siya kung mag-reply sa mga text at chat ko. Natutuwa naman ako sa kanya dahil may plano na siya sa buhay niya. Nang sumapit ang alas-nuebe ng umaga ay dumating naman sila Daddy at ang dalawa kong stepsister. Nakangiti sila sa akin na parang close kami. "Laura, bakit hindi ka sumabay sa amin kanina?" tanong ni Daddy. Nasa meeting room kami at hinihintay ang ibang manager at supervisor namin. Pag-uusapan namin ang gagawin mamaya. "Excited ako sa medical program na ito dahil ito ang paborito ni Mommy." "Pareho pala kami ng paborito ng Mommy mo. Hindi nga ako nakatulog sa sobrang excited ko," wika ni Amelia. "Kasal na kami ni Conchita at kailangan mong tanggapin 'yon." "Laura, sana tanggapin mo kami bilang stepsister mo. Wala kaming ibang hiling kung hindi ang mabuo tayo," wika ni Amelia. Hinawakan pa niya ang kamay ko at pinisil niya 'to saka ngumiti. Kahit anong sabihin nila ay hindi pa rin ako sang ayon sa gusto nila. Hindi na naging maayos ang buhay ko dahil sa kanila. Si Daddy parang hindi na anak ang turing niya sa akin. Nang dumating ang mga managers at supervisors namin ay nagsimula na ang shorts meeting namin. Ang pag-uusapan namin ay ang magiging takbo ng medical program mamaya. "Good luck to us," sabi ko nang matapos ang meeting namin. Palabas na kami ng meeting room nang biglang bumukas ang malaking screen sa loob ng meeting room. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ko. Nakahubad ako at hawak ko ang ari ng isang lalaki at bini-bl*w job ko ito. "Baboy!" sigaw ni Daddy. Sinampal niya ako ng sobrang lakas kaya tumalsik ako. Agad naman pinatay ni Atàsha ang screen. "Wala kayong nakita kapag kumalat ito mananagot kayo sa amin," wika pa niya. "Dad! 'wag n'yong sasaktan si Laura. Lumapit sa akin si Amelia at niyakap ako. "Hindi ko alam 'yan! Hindi ko kayang gawin 'yan, Daddy!" Hagulgol ko ng iyak. Kahit kailan ay hindi ko pa nagawang gawin 'yon. "Hayup ka! Malandi ka!" Muli akong sinampal ni Daddy sa labis na galit. "Dad, napanood rin ng ibang mga empleyado," sabi ni Atasha. "Malandi ka! Napakalaking kahihiyan ang ginawa mo sa akin!" Susuntukin sana ako ni Daddy pero hinarang ni Amelia ang katawan niya. "Ako na lang ang saktan n'yo 'wag na si Laura." "Bakit mo kinakampihan ang malanding babae na 'yan! Hindi ka dapat maawa sa kanya!" Kulang na lang ay maputol ang ugat niya sa sobrang galit. "Atasha, i-report mo ito sa pulis para malaman kung sino ang may kagagawan. Sabihin mo rin na mananagot ang sinumang magtangkang magkalat ng video," wika ni Amelia. "Opo, Ate." Lumabas na ito ng meeting room. Inalalayan ako ni Amelia papunta sa opisina ko at binigyan ako ng tubig. Walang tigil ang kaiiyak ko habang nasa opisina ako. "Na-hack ba ang phone mo kaya nakuha ang scandal video mo ng boyfriend mo?" Umiling ako. "Wala kaming scandal ni Ferdinand. Hindi pa kami dumating sa ganyang bagay. Hindi ako ang babae sa video baka in-edit nila para ipalit ang mukha ko." "Sino naman kaya ang gagawa niyan sa iyo?" Ilang beses siyang umiling nang tumingin ako sa kanya. "Hindi namin kayang gawin 'yan sa iyo. Wala kaming galit sa iyo." "Siguro siya rin ang nagpadala ng larawan sa kamag-anak ko. Pagbabayaran ng taong gumawa sa akin." Bumuntong-hininga si Amelia. "Tutulungan ka namin ni Atasha lalo na kay Daddy Alfredo." "Bakit n'yo ginagawa ito?" Tumingin siya sa akin. "Isang pamilya na tayo kaya dapat tayong magtulungan." "Salamat." "Kung hindi ka pa handa na maging stepsister ako puwede naman tayong maging magkaibigan. Friends?" Nilahad pa niya ng kamay niya sa akin. Tumango ako at tinanggap ko ang kamay niya. "Friends." Naramdaman ko naman na seryoso siya sa sinabi niya. Kung sino pa ang mga tao na kinaiinisan ko ay sila ang tutulong sa akin. Dahil sa nangyari ay umuwi sa bahay ay nagkulong sa kuwarto. Sila Amelia na lang ang bahala sa Medical program namin. Pinaubaya ko na rin sa kanila ang paghahanap sa taong gumawa sa akin ng gano'n. Hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko kay Ferdinand ang nangyari. Alam niyang hindi namin ginagawa ang bagay na iyon. Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Ferdinand ang nasa screen. Kinabahan ako nang sagutin ko ang tawag niya. "Laura…" Narinig kong umiiyak siya kaya mas lalo akong natakot. Iniisip niya siguro na nagtaksil ako sa kanya. "Baby, magpapaliwanag ako. Makinig ka muna sa akin." "Anong kasalanan ko sa iyo? Nirerespeto ko ang gusto mo pero bakit mo sa akin ginawa mo ito? Hindi ko lubos maisip na kaya mong gawin ang bagay na iyon." Tumulo na rin ang luha ko. "Magpapaliwanag ako sa iyo. Hindi totoo ang scandal video ko. Maniwala ka sa akin. Hindi ako ang babae na iyon. Edited iyon at dinikit lang nila ang mukha ko. Hindi ko kayang lokohin ka." "Kung totoo ang sinabi mo. Sino ang gagawan niyan sa iyo? Bakit kailangan ka niyang siraan? Hindi mo ba alam na pagtatawanan ako ng pamilya ko kapag nalaman ito." "I'm sorry! Hindi ko alam kung sino ang tao na naninira sa akin. Wala akong alam sa nangyayari." "Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinasabi mo. Hindi ko alam… naguguluhan ako." "Baby, maniwala ka sa akin ikaw lang ang mahal ko." Humagulgol ako ng iyak nang tapusin ni Ferdinand ang pag-uusap natin. Sobrang sakit nang nararamdaman ko na parang gusto ko na lang mamatay para hindi ko na nararamdaman ang sakit. Si Ferdinand na lang ang natitira sa akin. Siya na lang ang nagmamahal sa akin pero ngayon ay galit na galit siya sa akin. "Laura! Laura! Buksan mo ang pinto!" boses iyon ni Amelia. Hindi ako bumangon at hinayaan ko siyang kumakatok sa pinto. Pagkalipas ng limang minuto ay bumukas ang pinto ng silid ko. Marahil ay kinuha nila ang duplicate na susi. Binuksan niya ang ilaw dahil madilim na ang buong paligid. "Laura, bumangon ka diyan at kumain. Hindi ka raw kumakain sabi ng mga katulong." "W-Wala akong ganang kumain." Umupo siya sa gilid ng kama ko. "Hindi na galit sa iyo si Daddy Alfredo, nalaman niyang hindi ikaw ang nasa video. Huwag kang mag-alala nalaman ng buong tao sa kumpanya na hindi ikaw iyo at edited lang. Naaawa na silang lahat sa iyo ngayon kaya hindi ka na dapat magkulong dito." "Pero si Ferdinand, naniwala siyang ako ang babae sa video. Ang sakit-sakit dahil hindi niya ako pinaniniwalaan." Umagos na naman ang luha ko. "Kami ng bahala sa boyfriend mo. Sigurado namang maniniwala siya kapag naipaliwanag sa kanya ng maayos. Kung mahal ka niya maintindihan ka niya." "Iwan mo na lang ako kakain na lang ako kapag hindi ko na kaya ang gutom." Bumuntong-hininga siya. "Dadalhan kita ng pagkain para kung sakaling magutom ka ay hindi ka na lalabas ng silid mo." "Amelia…" "Bakit?" "Salamat sa tulong." "Walang anuman kapatid na ang turing ko sa iyo kaya kahit masama ang tingin mo sa akin ay tutulungan pa rin kita." Nang lumabas si Amelian ng kuwarto ko ay muli kong tiningnan ang phone ko. Nagbabakasakali akong may text o tawag sa akin si Ferdinand, pero wala akong natanggap kaya labis ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang mawala sa akin si Ferdinand sa buhay ko. Mugto ang mga mata ko nang magising ako kinaumagahan. Nakita ko ang nakatakip na pagkain sa ibabaw ng lamesa. Dinala ito ni Amelia sa akin kagabi pero hindi ko naman kinain. Nakatulog ako sa kaiiyak ko. Pinilit ko ang sarili kong bumangon dahil pupunta ako sa puntod ni Mommy. Sa puntod ni Mommy ko binubuhos ang sama ng loob ko. "Laura, mabuti naman at lumabas ka ng kuwarto mo. Samahan mo kaming kumain ni Atasha." Nilapitan ako ni Amelia at inalalayan para makaupo. Ngumiti sa akin si Atasha. "Kumain ka na, Ate Laura." Halos isang buwan na kaming magkasama sa isang bahay at ngayon lang ako sumabay sa kanila sa pagkain. "Maraming salamat sa mga tulong n'yo." Tipid akong ngumiti at nagsimula na akong kumain. "May lakad ka ba ngayon?" tanong ni Amelia. Tumango ako. "Dadalawin ko si Mommy." "Sasama kami ni Atasha." "Ha?" Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya iyon sa akin. Ngumiti si Amelia. "Sasamahan ka namin kung gusto mo pero kung ayaw mo ay okay lang sa amin." Tumingin ako sa kanila. "Okay lang ba sa iyong samahan ako?" Matamis na ngiti ang naging tugon nila sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagkain bago kami pumunta sa puntod ni Mommy. "Tita Divina, kami nga pala ang mga anak ni Conchita, ang naging kabit ng asawa mo. Alam kong namatay ka na may galit kay Mommy, pero sana patawarin mo siya. Nagmahal lang si Mommy kaya kahit alam niyang mali ay tinuloy niya pa rin. Patawarin mo sana si Mommy," wika ni Amelia. Dahil marami akong gustong sabihin kay Mommy. Hinintay na lang nila ako sa sasakyan. Ayoko rin marinig nila ang mga sasabihin ko kay Mommy. "Mommy, nagkamali ako ng pagkakakilala sa dalawang magkapatid. Ang akala ko ay katulad sila ng Mommy nila kay hinusgahan ko na sila agad. Nasaktan kasi ako sa ginawa ni Daddy sa iyo kaya lahat sila masama na sa akin. Tinulungan nila akong sa problema na kinakaharap ko ngayon. Mommy, tutol pa rin ako sa ginawa ni Daddy pero hindi ka naman siguro magagalit kung tatanggapin ko ang dalawa bilang stepsister ko. Lagi mo akong bantayan at sana sabihin mo kay God na ibalik ang dating si Daddy, na sweet at sobrang bait sa akin." "Laura!" Lumingon ako, at nakita ko si Ferdinand na may hawak na palumpon na rosas. Kusang tumulo ang luha ko. "F-Ferdinand…" Lumapit sa akin si Ferdinand. "I'm sorry! I'm sorry, Baby." Sabay yakap niya sa akin. Humagulgol ako ng iyak sa balikat niya. Daig ko pa ang nabunutan ng tinik dahil nandito na sa harapan ko si Ferdinand. Ang akala ko ay matatagalan bago niya ako kausapin. Binigay niya sa aki ang bulaklak. "Peace offering ko sa iyo 'yan dahil imbes na intindihan kita ay mas hinusgahan pa kita." "Masaya ako dahil nagkaayos na tayong dalawa." "Kailangan kong magpasalamat kay Amelia dahil siya ang tumawag sa akin para sabihin na hindi totoo ang balitang nalaman ko." "Si Amelia?" Tumango siya. "Magpasalamat tayo sa kanya. Hindi naman pala sila masama tulad ng iniisip mo." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi ko nakita ang kabutihan nila dahil nilamon ako ng galit kay Conchita, kaya nadamay silang dalawa. Niyakap ko si Ferdinand. "Babawi ako sa kanila." Pilyo siyang ngumiti. "Hmm.. kailangan mo munang bumawi sa akin." Hindi na ako nakapagsalita dahil hinalikan na niya ako sa labi sa harap ng puntod ni Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD